MBBL 38: Time Flies

292 7 1
                                    

(After 6 years)

Cassandra's POV

Tapos na akong mag aral ngayon, at ngayon ay nagtratrabaho na ako sa isang company... Ang tagal na pala simula nung umalis si Ryan... Pag tuwing binabanggit ko ang kanyang pangalan ay naalala ko ang nangyari saaming dalawa

(FLASHBACK)

College na ako ngayon at kaklase ko parin si Ryan... Speaking of Ryan mapuntahan nga yung unggoy na yun sa classroom...

Pumunta ako ng classroom at nakitang wala pa siya doon... Strange, palagi pa nga siyang na uuna saakin eh, i-text ko nga yung unggoy na yun...

To:Ryan(unggoy)

Hoy, unggoy saan ka na!?

And send..

Mga 5 second ay nag reply na kaagad siya

From:Ryan(unggoy)

Bye Cass, mamimiss kita hahahah

Huh? Anong sinasabi nitong bye... Bigla na lang akong nag panic at nag text kaagad sakanya

To:Ryan(unggoy)

Hoy, anong sinasabi mo

Naka receive kaagad ako ng text sakanya

From:Ryan(unggoy)

Pupunta kaming Japan at doon na mag sta-stay for 6 years, take care of your self :)

Nang na tapos ko ng mabasa ang kanyang text ay mabilisan akong pumunta sa pilahan ng taxi, at sumakay sa isang taxi...

"Manong sa airport nga po" sabi ko habang na ngingiligid na ang aking mga luha

Pinatakbo na ni manong ang kanyang taxi at pinaderetsyo sa airport... Nang nakadating na kami airport ay nagbayad kaagad ako kay manong at bumaba sa taxi.

Hinanap ko ang si Ryan pero wala akong makita sa dami ng tao... Nang may narinig akong nagsalita sa speaker ay naiyak na lang ako sa narinig ko.

"THE PLANE FOR JAPAN IS NOW GOING" sabi nang nasa speaker

Naiyak na ako nang tuluyan at napaluha na lang.

We ended without even saying a proper goodbye.

(END OF FLASHBACK)

Ngayon ako ay nag-tra-trabaho sa isang company na hindi kami ang may ari dahil gusto ko maging independent... Nang nalala ko ulit ang nangyari ay palagi akong nalulungkot dahil nawala ang isa sa aking mga kaibigan... Ngayon dapat siya uuwi dahil sabi niya after 6 years ay uuwi siya pero mukhang hindi nangyari.

Hay nako tama na nga ang pang lulutang nang isip, at mag trabaho na ako... Nang natapos na ako sa aking trabaho ay biglang may tumawag sa cellphone ko

CALLING STACEY

"Hello, musta na ikaw? " tanong niya sa kabilang linya

"Hi, okay lang naman, eto buhay pa" sagot ko sakanya

"Punta tayo sa Mall at mag shopping, ang tagal na nating hindi nagkikita"

"Hmm... Sige, saan tayo magkikita? "

"Sa Starbucks na lang, 2 p.m. tayo magkita"

"Sige sige, bye may gagawin pa ako"

END CALL

Binaba ko na ang aking cellphone at tiningnan ang oras.

Time check: 10:26 A. M.

Tumayo ako sa aking upuan at niligpit na ang aking gamit, kinuha ko na ang bag ko at cellphone.

"Aalis ka na Cassandra?" tanong ni Jewel na ka office mate ko

"Oo eh, may pupuntahan pa kasi ako"

"Sayang, hindi mo man lang makikita boss natin"

"Huh? May boss pala tayo"

"Oo, hindi lang siya nagpakita ng ilang years dahil may nangyari daw, ngayon bumalik ulit siya"

"Ayy kahit wag na, hindi ko na kailangan makita yun kahit bukas na lang"

"Sige bye Cassandra"

"Bye Jewel"

Umalis na ako pagkatapos ng pag uusap namin ni Jewel... Nag elevator ako at pinindot ang lower ground kung saan ang parking... Nang nakadating na ako sa lower ground ay pumunta kaagad ako sa sasakyan kong Honda Civic.

Pinaandar ko ang sasakyan ko at pina diretsyo sa aking bahay... Nang nakadating na ako sa bahay ko ay pinark ko ito sa garage at pinatigil ang makina.

Pumasok ako sa loob ng bahay at pumunta sa kwarto ko para makaligo at makapagbihis na para sa pagkikita namin ni stacey mamaya... Kinuha ko na ang aking towel at damit at dumiretsyo sa bathroom.

(After 10 minutes)

Lumabas na ako ng bathroom nang nakabihis nang isang blue floral dress... Nag blow dryer ako ng buhok ko at sinuklay ito pagkatapos... Kinuha ko ang aking flat shoes at shoulder bag, at pinalugay ko ang aking buhok na kulay light brown na wavy sa dulo.

Pumunta ako sa garage at pumasok sa loob ng sasakyan at tuluyang pinaandar... Anong oras na ba?

Time check: 12:50 P. M .

Pinaandar ko na ang aking sasakyan at pinaandar papauntang mall... Binuksan ko ang radio at nakinig... Nang meron akong narinig na isang pamilyar na pangalan sa radio at pinalakas ko yung sound.

"THE FAMOUS BUSINESS MAN ALSO YOUNG BACHELOR RYAN LOREN IS NOW IN THE PHILIPPINES AND AT THE AIRPORT WITH HIS FAMILY" sabi sa radio

Biglang napatigil ko ang sasakyan sa nalaman kong balita... Nakabalik na siya dito.

Nang may narinig akong mga busina galing sa likod ay pinaandar ko kaagad ang sasakyan ko... Hindi ako makapaniwalang nakabalik na siya ulit... Hay nako Cassandra wag mo munang isipin iyong lalaking iyon.

(Mall)

Nakapark na ako sa parking lot ng mall... Umalis na ako sa parking lot at dumiretsyo sa elevator at pinindot ang Ground level kung nasaan ang entrance ng mall.

Nang nasa ground floor ako ay pumunta kaagad ako sa Starbucks at nakitang nakaupo si Stacey sa isa sa mga upuan... Nang nakita niya ako ay kinaayan niya ako at ningitian.

"OMG! CASSANDRA ANG GANDA MO LALO NGAYON, BINAGO MO NA HAIR MO"
Sabi niya saakin habang tumatalon talon

Umupo kaming dalawa at nag usap muna.

"Ang ganda mo lalo Cassandra, bagay yung buhok mo sa maputi mong balat" sabi ni Stacey saakin

"ikaw nga ang gumanda lalo eh, its been a long time since we have seen each other" sabi ko

"order muna tayo"

"ako na mag o-order, anong gusto mo?"

"Strawberry frappe"

"sige order lang ako"

Pumunta na ako sa cashier at pumila... Nang ako na ang sumunod ay sinabi ko na ang order namin.

"One mocha frappe and one strawberry frappe" sabi ko sa cashier

"Sige po hintay na lang po kayo sa gilid"

Pumila ako sa gilid gaya ng sabi nung babaeng cashier.

"One mocha frappe and strawberry frappe" sabi nang isang lalaki

Kinuha ko ang order at kaagad bumalik sa table namin ni Stacey.

"Shopping tayo mamaya Cass" sabi ni Stacey

"Sige"

Tumingin ako sa gilid at nagulat sa nakita ko kung sino ito

ABANGAN....

My Bad Boy LoverWhere stories live. Discover now