MBBL 41: Couple

298 8 0
                                    

Cassandra's POV

Binuksan ko ang pintuan ng aking unit at nakita ang isang lalaki na naka itim na suit.

"Hello miss Cassandra, I was assigned to pick you up for your wedding with sir Ryan in the municipal hall" sabi ng lalaki

Tumango ako at pumasok sa loob ng kwarto ko para kunin ang aking purse. Lumabas na kami ng unit at pumunta sa basement para makasakay na sa sasakyan.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng driver at sinarado nang nakapasok na ako. Pagpasok ko ay nag suot ako ng seatbelt. Nang nakapasok na ang driver ay pinaandar na nito ang sasakyan patungo sa municipal hall.

"Manong, sino sino po ang nandoon sa municipal hall?" tanong ko para mabasag ang katahimikan

"Si sir Prince, at mga kaibigan niya po sa trabaho" ani niya

Nang nakadating na kami sa municipal hall ay agad akong bumaba sa sasakyan para matapos na ang lahat ng ito.

Iginaya ako ni manong sa isang room na may lawyer para sa kasal. Nang nakadating sa room ay nakita ko si Prince at mga ibang tao na hindi ko kilala.

Nang nagkatinginan kami ni Prince ay nginitian niya ako. Ngumiti na lang din ako para hindi niya mahalata ang kalungkutan ko sa araw na ito.

Pumunta na ako sa tabi ni Ryan para matapos na ito lahat. Nagsimula na ang lawyer sa mga rites. Nang natapos ay sinabi niya ang isang sentence na pinakaayaw ko sa lahat.

"You may know kiss the bride" Sabi ng lawyer

Naghiyawan ang mga kaibigan ni Ryan at si Prince.

Lumapit ang mukha ni Ryan at hinalikan ako, dahil sa instics pinikit ko ang mata ko at hinintay na makalapit siya para halikan ako sa labi pero walang dumating, nagulat na lang ako ng pinatakan niya ako ng halik sa pisngi ko lang.

Binuksan ko ang mata ko at nakita ko siyang nakangisi na para bang alam niya na may ine-excpect ako.

Humarap siya sa mga kaibigan niya at nakipagkamayan bilang pasasalamat sa pagpunta.

Nang makalabas kami ay may sinabi siya sa mga kaibigan niya at kay Prince.

"Punta kayo sa bahay para sa kainan" sabi ni Ryan

"Sige, congratulations nga pala Ryan at Cassandra" sabi ng isa sa mga kaibigan niya

Tumango na lang ako at ngumiti. Nang tuluyan na kaming makalabas sa municipal hall ay pumunta na kami sa parking lot.

Pinagbuksan ako ni Ryan ng pintuan at tiningnan ako.

"Magkakaron tayo ng konting kainan sa bahay mamaya, ipapadala ko din yung mga damit mo dahil simula ngayon doon ka na matutulog" sabi niya

"Sige, hiwalay tayo ng kwarto?" tanong ko sakanya habang hindi siya tintingnan

Tumawa siya habang tinitingnan ako. And fuck! I find him very handsome when he laughs.

"Baby, married couples sleep together" sabay haplos sa aking chin

Feeling ko namula mukha ko sa sinabi niya. Fuck this crazy feeling!. This is pure shit!

Sinarado na niya ang pintuan ko at pumasok na siya sa sasakyan. Habang nagmamaneho siya ay panay ang sulyap niya saakin.

Habang nasa loob kami ng sasakyan papunta sa mansion ay walang nagsalita saaming dalawa.

Nang nakadating na kami sa mansion ay bumaba na kami kaagad at pumasok sa loob.

May tinawag na isang kasambahay si Ryan at may sinabi sakanya. Pumasok ulitang kasambahay sa loob ng kitchen at lumabas ulit na may mga kasamang kasambahay na may mga dalang pagkain.

"Ilagay niyo na lang yan sa garden" sabi ni Ryan

Tumango naman ang mga kasambahay at sumunod sa utos niya.

Mga ilang minuto may mga sasakyan kaming narinig at mga pintuan na sinasarado.

Lumabas kami ni Ryan para salubungin ang mga bisita. Niyakap nila si Ryan at tuloy pa rin ang pag sasabi nila ng congrats saaming dalawa.

Pumunta kaming lahat sa garden at nagsiupo sa mga upuan. Naglagay ng mga plato at kubyertos ang mga kasambahay sa lamesa.

Nang magsisimula na ang kainan ay biglang tumayo si prince na may hawak na wine at itinaas ito.

"I would like to make a toast for our beloved couple here, my two friends married, i witness your being close to each other when we were kids, and now as adults i witnessed your marriage, cheers!" sabi ni Prince

"Cheers!" ani ng lahat

Nagsimula na ang kainan, tawanan, at kwentuhan. Naka tatlong shots na ako ng wine, nang iinom pa sana ako ng pang apat pinigilan na ako ni Ryan.

"Tama na yan Cassandra, lasing ka na" bulong niya sa tenga ko

"Hindi pa ako lasing" sabi ko habang pumipikit na ang mata ko

Nakita ko ang mga bisita ay mga lasing na at tulog. Tinawag ni Ryan ang mga kasambahay at may sinabi.

Tumango ang mga kasambahay at pumunta sa likod ni Ryan.

"Guys, dito na lang muna kayo matulog dahil gabi na din at baka may mangyari pa sainyo sa kalsada, ihahatid kayo ng mga kasambahay sa guest rooms" sabi ni Ryan sa isang baritone na boses

Tumango naman ang mga bisita at tumayo na para makatulog na ng maayos. Nang kaming dalawa na lang ni Ryan ang naiwan ay biglang tumahimik.

"Umakyat ka na sa kwarto, maligo ka na at matulog, lasing ka na" basag niya sa katahimikan

Tumayo ako habang siya ay inaalalayaan ako papunta sa kwarto. Nang nakapasok sa kwarto ay dumiretsyo ako sa cr at siya ay nanatili sa kama na nakaupo.

Habang naliligo na realize ko na wala akong damit. Kaya nang natapos ay nag bathrobe muna ako sa labas ng cr.

Tiningnan ako ni Ryan ng matagal sa mukha hanggang sa katawan ko. Tumikhim ako para makapagsalita.

"Uhm... Wala akong mga damit" sabi ko sakanya

"Nasa walk-in-closet na lahat ng damit mo at mga gamit"

Tumango na lang ako at pumunta sa walk-in-closet. Nang nakapasok ako ay hindi ko namalayan na kanina pa pala ako hindi humihinga.

Nilibot ko ang kanyang walk-in-closet at nakitang organized ang lahat ng kanyang mga gamit.

Nakita ko ang mga damit ko na naka tiklop ng maayos sa isang side at ang aking mga sapatos sa isang sliding door.

Kinuha ko ang aking silky pajama set at nagsuklay ng buhok. Nang makalabas ay nakita ko si Ryan na nakatulog na sa isang side sa kama.

Lumapit ako sakanya at nakitang tulog na tulog na siya. Nang paalis na sana ako para makatulog na sa tabi niya at bigla na lang niya hinigit ang aking kamay papunta sakanya.

Nagulat na lang sa posisyon naming dalawa. Ako nasa baba at siya ay nasa taas.

"Anong ginagawa mo!" sigaw ko ng buong lakas

"Diba dapat may honeymoon ang mag asawa pagkatapos ng kasal" inosente niyang tanong

Lumaki ang mata ko at pinipilit na umalis sa ganoong posisyon.

"Tumigil ka nga Ryan!" Pigil ko sakanya

Nang lumapit ang mukha niya ay pinikit ko ang mga mata ko at hinihintay ang pag patak niya ng halik sa labi ko pero naramdaman ko ay sa noo ko siya humalik.

"Goodnight" ngisi niya pagbukas ko ng mata ko.

Umalis siya sa itaas ko habang ako ay nakatulala parin. Nang nasa pintuan siya, binatuhan ko kaagad siya ng unan. Sinarado niya kaagad ang pintuan at narinig ko na lang ang kanyang malakas na tawa.

Fuck! Feeling ko bumabalik nanaman itong nararamdaman ko!

ABANGAN...

My Bad Boy LoverWhere stories live. Discover now