MBBL 42: Unforgettable night

294 11 0
                                    

Cassandra's POV

Pagkagising ko nakita ko sa bedside table ang isang breakfast na nasa tray. Sino kaya nagdala nito?. Si Ryan kaya.... No no no! Siguro isa sa mga kasamabahay. I should just thank them later when i get down.

Kinuha ko ang tray at nakitang isa itong, waffles with maple syrup and hot choco. Kumain na ako ng mga pagkain. Pagkatapos ay inilagay ko muna ito sa table ulit.

Pumunta ako sa cr at nag hot shower muna. Pagkalabas ko ay naka bathrobe lang ako, dumiretsyo ako papuntang walk-in-closet. Kumuha ako ng isang high waisted short at isang hanging blouse na kulay baby blue.

Lumabas ako sa walk-in-closet at kinuha ang tray at bumaba papuntang kitchen.

"Uhmmm... Thank you sa pagkain" sabi ko sa kasamabahay

"Ako po si Valerie maam" sabi niya saakin habang nakangiti

"Nice meeting you Valerie, thank you nga pala sa pagkain"

Tumingin siya saakin ng saglit bago nagsalita ulit.

"Uhmm... Hindi po ako ang nagdala niyan maam, si sir Ryan po" sabi niya na ikinagulat ko

"Huh? Bakit daw?" taka kong tanong

Ngumisi lang siya saakin at itinuloy na ang paghuhugas ng mga pinggan. Dahil wala na siyang sinabi pumunta na lang ako sa may garden.

Nakita ko si Ryan nasa garden at tinitingnan ang mga bulaklak. Nang nakita niya ako ay tinawag niya ako kaagad.

"Punta ka dito" ani ni Ryan

Pumunta ako sa pwesto niya at nag iwan ng mga nasa tatlong kilometrong layo. Nang bigla niyang hinigit ang aking kamay at inilapit sakanyang dibdib.

"Mamayang 7pm alis tayo, may pupuntahan tayo" bulong niya saaking tenga

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat ng paghihila niya saakin.

"S-saan tayo pupunta?" utal utal kong sabi

"Secret" sabi niya sabay ngisi

Pinakawalan niya ako sa kanyang mga bisig at hinayaan makaalis. Pumunta ako ulit sa loob ng mansion, at pumuntasa living room. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.

Habang nanunuod bigla na lang may yumakap saakin sa likod.

"Miss na kita" sabi ni Ryan habang inaamoy ang aking buhok

"Ano b-ba Ryan" sabi ko habang pinipilit na umalis sa ganoong posisyon.

Dahil mahigpit ang kanyang pagyakap saakin hindi ko matanggal ang kanyang kamay.

Mga ilang minuto bago niya tinanggal ang kanyang braso saakin. Umakyat siya pagkatapos.

Hindi ko namalayan gabi na pala, kaya pumunta ako sa kwarto at naligo. Lumabas ako at nagbihis ng isang maroon turtleneck dress na above the knee, at nagsuot ng isang pumps.

Naglagay lang ako ng light makeup at kinuha na ang aking purse. Lumabas na ako ng kwarto at nakitang naghihintay si Ryan saakin sa sofa.

Nang makita ako ni Ryan ay tumayo kaagad siya at tiningnan ako ng matagal. Lalo siyang naging mukhang mature dahil sakanyang white longsleeve na nakatupi hanggang siko, at slacks.

"You look beautiful" sabi niya sa isang mahina na boses

Tumikhim muna ako bago sumagot

"Ummm.. Thank you" sabi ko sakanya

Pumunta na kami sa garahe at sumakay sa sasakyan. Habang nasa loob tiningnan niya ako muna ng ilang beses.

Nang makita ko kung saan kami kakain ay tiningnan ko ang pangalan ng restaurant.

My Bad Boy LoverWhere stories live. Discover now