MBBL 40: Marriage

342 13 2
                                    

Cassandra's POV

Nang pinihit ko ang pinto nakita ko siyang nakaupo sa upuan niya.

"Please have a sit Cassandra" sabi niya sabay turo ng upuan sa harap ng kanyang lamesa.

Umupo ako at humarap sakanya. Nang ako ay umupo sa harap niya ay naramdaman ko ang kaba sa loob ng aking katawan.

"Pinapatawag kita dito dahil may gusto ako sayong ipagawa na design" sabi ni Ryan

Ang aking posisyon sa kompanya ay isang architect designer.

"Uhm... Sige po, ano po bang lugar yan?" tanong ko sakanya

"Ito ay isang coffee shop, itong coffee shop ay matatagpuan sa Greenfield city, lake street"

"Sige po"

"Gusto daw ng owner na pumunta ka doon sa coffee shop sa wednesday"

"Sige po, ayun lang po ba? "

"Ayun lang, pwede ka nang makaalis"

Umalis na ako sa opisina ni Ryan dahil nararamdaman ko ang ka akwardan naming dalawa.

Nang bumalik na ako sa aking cubicle ay ang daming mga babae kong ka-opisina ang nagsipuntahan saakin.

"Kamusta ang paguusap niyo? " sabi ni Jewel
"Anong pinagusapan niyo? " sabi naman ni Lara
"Gwapo ba talaga si sir?" si Ella ang nagtanong

"wait nga lang ang dami niyong tanong, paano ko masasagot yan" sabi ko sakanila

"Sige isa isa na lang" sabi ni Newel

"First of all, okay lang naman paguusap namin. Second of all , ang pinag usapan namin ay tungkol lang sa aking iisang ide-design na coffee shop. Third of all , sakto lang naman itsura niya" sagot ko sakanilang mga tanong .

"Ayy , ayun lang pala" sabi nila sa mababang boses.

"Hay nako , bumalik na nga kayo sa trabaho" sabi ko

Bumalik naman sila at nag simula nang magtrabaho. Ako naman ay umupo na at nag simula na sa aking trabaho.

(3 hours later)

Uwian na namin , yung iba kong mga officemates ay umuwi na. Kami na lang ni Jewel, Lara, Ella, Kriston, Von, Larce, Carl, ang natira.

"Hay natapos na din ako, halika na uwi na tayo" sabi ni Ella

"Sige" sabi naming lahat

Nagsi-tayuan na kaming lahat at inayos na ang mga gamit namin. Lumabas na kami nang building patungo sa sakayan ng jeep.

Timecheck: 8:00 P. M.

"Hatid na kita lara" sabi ni Von

"Wag na nakakahiya, kaya ko naman" sabi ni Lara habang naka yuko

"Wag ka na mag inarte, hahatid na kita sa ayaw at gusto mo" sabi ni Von sabay hatak sa kamay ni Lara.

"Hay nako, hindi na lang sabihin ni Von na gusto niya si Lara" sabi ni Ella

"kaya nga eh" sabi namin ni Jewel

"Halika na Ella" sabi ni Larce kay Ella

"Hmm.. Sige bye guys" sabi ni Ella

Palagi kasing magkasabay si Ella at Larce dahil magkapitbahay lang yung dalawang yun.

"Sige uuwi na ako bye guys" sabay sabi ni Jewel

Umalis na si Jewel patungo sa sakayan ng taxi.

"Bye na guys, uuwi na din ako" sabi bigla ni Kriston

My Bad Boy LoverWhere stories live. Discover now