Life Buoy 6

1.2K 131 40
                                    

Kala niyo kayo lang nabitin last time??? Eh ako din kaya... kaya heto na, bilisan na natin toh medyo sinisipag ako.. hahaha!😘
****************
Nicki's POV

"OMG!"

"Diba? Diba beshie? Tama ako o tama ako? Hihihi! MapapaOMG ka talaga!"

Sinundan namin ni Sheena ng tingin yung apat na lalaki na kakapasok lang. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Nakita kong pumwesto sila sa may bar at isa-isang umorder. At lalong bumilis yung tibok ng puso ko nung dagliang magtama ang mga mata namin ni RJ at ngumiti ito sakin. Ayun na naman yung dimple niya!

"Ay syet!"

Medyo napakapit ako kay Joaqui sa pag-iwas ko ng tingin. Napatigil ako sa pagsasayaw. Nagulat naman siya sa narinig mula sa'kin.

"What's the matter babe?"

"Beshie, okay ka lang?"

"Huh? Wala, wala. Ah...ano, Joaqui parang bigla akong nahilo. Ang dami na kasing tao. Upo muna ulit tayo?"

Joaqui took us back to our table while Sheena volunteered to get us water and another round of drinks from the bar. Jusko talaga itong bestfriend ko! Kumindat pa sa'kin bago naglakad papunta sa bar. Napailing na lang ako dahil alam ko naman na magpapacute lang siya sa grupo ng mga bagong dating na boys. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa marating niya ang bar. Kitang-kita ko kung paano napalingon sa kanya yung grupo nila RJ nung tawagin ni Sheena yung bartender. Pero si RJ bumalik lang din ng tingin sa hawak-hawak niyang bote ng beer at hindi na pinansin si Sheena. Pagkatapos niyang umorder, tinuro niya yung table namin siguro para malaman ng bartender kung saan dadalhin yung drinks.

Bago pa man siya nakalayo sa bar, nakita kong kinausap siya nung isa sa mga boys na nandun. Napalingon naman si Sheena at nakita kong kinamayan niya silang apat. Bilib talaga ko sa bestfriend kong ito! Umorder lang, nakakilala na agad ng mga boys. Nakita kong humawak si Sheena sa braso ni RJ at napasinghap ako. Pero nung tignan ko si RJ, parang wala lang sa kanya. Actually parang wala dito ang isip niya. Pinagmasdan ko pa kung anong kalokohan ang gagawin nila sa bestfriend ko pero natawa ko dahil mukhang bestfriend ko pa yata ang gagawa ng kalokohan. Juskupurudy! Parang ayaw na bumalik dito at nakikipagtawanan na. Beshie, wag mo naman akong iwanan dito kay Joaqui.

Speaking of Joaqui, paglingon ko sa gilid ko, wala na pala si Joaqui sa tabi ko. Saan napunta yun? Mabilis kong nilibot ng tingin ang bar at nakita kong papalapit si Joaqui kila Sheena. Shocks! Napatayo ako at kinabahan. Sinundan ko si Joaqui dahil baka kung anong gawin nito, nakainom pa naman. Nakakahiya. Bago pa man ako umabot sa kanila, nakita kong dumuro na si Joaqui sa mga boys habang hawak si Sheena sa braso. Binilisan kong makarating sa may bar kahit maraming tao dahil ayokong masangkot kami sa gulo. Eksaktong pagkarating ko sa likuran ni Joaqui, dinig na dinig ko ang sinabi niya.

"Ano, Sheena, binabastos ka ba ng mga ito?"

**********
RJ's POV

Napalingon ako sa lalaking biglang nagsalita dahil parang nakakaloko ang tono ng kanyang pananalita. Kilala ko ang mukhang ito. Ito yung boyfriend ni Nicki. Nakita kong nagulat naman sila Kristoff sa asta niya pero kilala ko itong mga kolokoy na kasama ko, hindi sila magsisimula ng gulo.

"Bro, walang nambabastos sa kasama mo dito. Nakipagkilala lang kami. Siguro naman walang masama dun." Mahinahon na sabi ni Kristoff.

"That's true. Kahit tanong mo pa kay Miss Sheena, nagkabiruan lang kami. Diba, Josh?" Siniko naman ni Jerome si Josh para sumang-ayon. Pero napatango na lang si Josh dahil nagsalita na rin si Sheena.

"Yes, Joaqui, they just introduced themselves politely. Walang nambastos sa'kin so relax ka lang."

"Are you sure? Wala kong tiwala sa mukha ng mga toh eh. Mukhang may balak!"

BurstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon