Life Buoy 7

1.3K 130 26
                                    

Since the team will checkout early in the morning for their flight back to Manila, Nicki offered to share the room that she booked for herself with Sheena as they both decided to extend their stay until Sunday. Now, since they're already finished transferring Sheena's things to her room, they both lie on the queen-size bed, looking at the ceiling as they continued to talk about the events that transpired within the day.

"I really didn't know what happened back there Sheens! Natakot ako na nainis na nahiya na hindi ko alam eh. Parang sinapian kasi si Joaqui, nakakaloka!"

"Ako rin naman beshie, nagulat ako na may ganung side pala si Joaquin pag nakakainom. Jusko!"

"Yung nga eh, hindi naman kasi natin nakikita yun everyday. Besides, nung nanliligaw yung tao, of course puro good traits ang papakita niya. Mali ba ko beshie?"

"Mali? Saan?"

"About what happened to Joaqui and I. Na tinapos ko na agad. Thinking of it now, baka nag-overreact lang ako. You think I should still give him a chance?"

Nicki heaved a deep sigh and frowned as she sat up in bed and leaned on the headboard. Sheena saw her heaved and sat up beside her.

"Besh, it was already wrong to begin with. Ikaw na rin nagsabi diba na you wanna take it back you just don't know how?! Ako nga yung nahihiya kasi push ako ng push sayo for Joaqui yun pala may lahing basag-ulo yung lalaking yun! God knows ano pa yung tinatagong nega traits nun ni Joaquin. So kung tinatanong mo ko if you should give him a chance, then my answer is no. Wag na. Hindi na! Tsaka besh diba nga sabi mo walang spark? So wag ka manghinayang. Wag mong pilitin ang mga bagay na hindi dapat."

"Yun nga eh, wala talaga kong nafifeel sa kanya. Even remorse for what I did earlier, wala eh. Alam mo yung parang nakahinga ko ng maluwag? Iniisip ko lang anong sasabihin ng team about it when we get back to Manila."

"Well, it seems like luck is on your side Nics, kasi hindi pa man nakaka-isang araw yang relasyon niyo ayan binigyan ka na agad ng reason to break up with him. Hindi ka na maiipit sa situation na hindi mo naman talaga gusto. Tsaka wag ka nga mag-alala sa sasabihin ng iba. You don't need to explain anything to anyone. It's your life anyway, so live it the way you want it to be."

"Sabagay, you're right Sheens! Honestly hindi ko rin alam kung bakit sobrang inis ko sa kanya kanina after that incident, pero I feel bad kasi yun nga baka tingin ng teammates niya and nila Grace na ang sama ng ginawa ko kay Joaqui."

"Huy, ano ka ba besh?! Don't you ever feel bad about that jerk! Jusku! Akala ko talaga pati ikaw papatulan na kanina eh. Kaya mabuti na rin yung tinapos mo na agad. You don't deserve someone like him beshie. Siguro way na rin ito ni universe to tell you na you should not settle for anything less than what you deserve."

"Hmmmm..or maybe I'm just not really meant to be with someone. Kasi tignan mo, ikaw naka-ilang palit ka na ng boyfriend, eh ako wala pa ni isa. Baka sabi ni universe sa'kin mag-isa talaga kong tatanda."

"Huuuuy! Ano ka ba beshie?! Umiral na naman yang pagka-pessimist mo! Hindi true yan noh?! I firmly believe na lahat ng tao are meant to be with someone. May ka-match yan. I'm sure there's somebody out there that's meant for you."

"You really think so, Sheens?!"

"No, i don't think so. I know so! Hahaha. Kaya wag na natin pag-usapan si Joaqui dahil naiinis lang ako pag naalala ko na napurnada yung pakikipagfriendship ko sa mga papables na yun. Nakita mo naman, ang gugwapo din nung mga yun. Feeling ko nainsecure si Joaqui kasi tinitignan mo din noh?! Aminin mo, napaOMG ka din nga diba?"

"Gaga! Hay naku! Ikaw din kasi ang tagal mo naman talaga dun, sabi mo oorder ka lang ng isang round at kukuha mo kong water. Jusko! Kala ko nga hindi ka na babalik sa table natin. Inenjoy mo din eh."

BurstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon