Kabanata 01

43K 1.1K 121
                                    

Ice Queen



"Are you sure you still want to stay here?" Bulong ni Myrtle habang hawak-hawak ang isang box ng popcorn. Nakikita ko na rin ang pag-marka ng cheese powder sa mga daliri niya.


"I'll stay, mamaya na ako uuwi." Sagot ko habang nakatitig pa rin sa malaking screen sa loob ng sinehan, hindi ko alam pero nakaka-relate ako sa pinagdadaanan ni Mika ng Love You to the Stars and Back.


"El, napanood na natin 'to halos tatlong beses na." Reklamo ng kaibigan ko. "Uwi na tayo, mag-a-alas otso na kasi." Dagdag pa nito habang nilalantakan ang makesong popcorn.

Sa totoo lang wala pa akong balak na umuwi, I don't know how to face the people at home.


"You can't avoid the situation forever you know." Tila nababasa niya kung ano ang nasa isip ko.


Napalingon ako sa kanya, ni-walang emosyon sa mukha ko. I'm getting good at this .

"Kung ano man ang naiisip mo, that's not the reason why I'm here." Pagsisinungaling ko.


"So you went here thrice because you're a huge fan of these two?" Sabay nguso sa dalawang aktor, "You can't fool me Elise, kailan ka pa naging fan girl ng Filipino love teams ha" Ngumiti ito ng nakakaloko.


"Don't make fun of the movie, dito ko unang nakilala si Moira." sabay siko sa katabi ko, medyo napapalakas na ang pagpapalitan namin ng salita kaya napapatingin na rin ang mga tao sa amin.


Myrtle also sensed our exchanged was getting louder and that made her shut up.

It was in the middle of the movie when I received a text from Tita through Myrtle's phone.

She already left.


Napahinga ako ng malalim, after getting my things from the carpeted floor ay awtomatikong napatayo ako.


"Oy wait lang!" Narinig kong sabi ni Myrtle pero dire-diretso pa rin ako palabas ng sinehan.


"Elise sa'n ka ba pupunta?" Hinihingal na sambit nito habang inaayos ang strap ng pulang hawk bag niya.


"Uuwi na." sabay lingon sa kanya, ini-abot ko rin ang wet wipes para punasan ang ma-keso nitong mga daliri.


"Akala ko ba –"


"Wala na siya sa bahay." My lips slightly curled into a thin smile. I don't know why all of a sudden bumalik ang ngiti sa mukha ko.


"Ano bang problema mo? Elise sino ba yung taong yon?" and that made me stop, kung gaano kabilis maibalik ang ngiti ko ay ganoon din kabilis mawala ito.

Myrtle knew all about me even my hidden secrets, but not this one.


"It was the moneylender again." Muling pagsisinungaling ko. "Bulyaw lang ang aabutin ko sa bahay kapag umuwi agad ako, hindi kasi alam ni tita na lubog ako sa utang." I want to be honest but the stronger part of me didn't want to.

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now