Kabanata 10

29.9K 1.1K 885
                                    

Thesis Partner



It was like a dream but I know it's not. Ramdam ko pa ang yakap niya, ang luha niya sa balikat ko, ang init ng palad niya sa'king likod. Ito ang unang beses na naramdaman ko ulit iyon pagkatapos ng ilang taon.


I felt her warmth, parang may humawak sa puso ko at bigla itong tumibok at bumusilak. May kusa na ring nagpapakain sa mga alaga kong paru-paro dahil mas active pa sila kaysa sa akin. Am I sick? Do I need to see a doctor after this?


I'm too preoccupied with my own trance that I forgot the presence of another person. Nakapangalumbaba ako sa mesa at sa harap ko ay ang matatalim na titig ni tita sa akin. Nilagay din niya ang isang mangkok sa harap ko na walang laman.


"Sinasalo ko lang ang tumutulo mong laway anak."


Kinapa ko naman agad ang baba ko. "Wala naman po." Ito talaga si tita, umagang-umaga mapang-asar na.

Inirapan ko nalang ito habang panay ang hagikhik niya.


"Kasi naman para kang timang dyan," Sabay abot sa akin ng fresh milk at isang box ng cereal. "Ano bang iniisip mo?"


"Wala po" Hindi nalang ako umimik habang isinasalin ito sa mangkok.


"Wala daw?" Ngumiti ito ng nakakaloko. "Si Jonas 'yan ano? In love na ba pamangkin ko?"


Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. "Tita naman! Kaibigan ko lang 'yon!"


"Kung hindi si Jonas, sino?" Pagpupumilit niya. "Babae ba 'yan?" Pataas-taas pa ito ng kilay.


Alam kong namula na ang pisngi ko sa sinabi niya. I know tita is an open-minded person. Hindi ko man mai-kwento sa kanya ang mga nangyayari sa akin pero batid ko sa isang tingin pa lang, alam niya na agad.


"Alam mo anak, there's nothing wrong about having a girl crush." Simula niya. "You know, when I was your age, may naging crush din akong babae, sobrang ganda!"


Ipinagpatuloy niya lang ang kwento habang kumakain ako ng almusal. Mapanuri kong tinititigan si tita dahil alam kong isa na naman ito sa mga palpak niyang kwento.


"...para siyang isang manika. I became her stalker at pagkatapos ng klase panay na ang buntot ko hanggang sa makauwi. Until there was this one time, she was sitting alone during lunch break, nag-confessed na ako sa kanya. "


"Tapos?" Tanong ko dahil bigla nalang siya huminto.

Nambibitin pa, e.


"Ayon, that was my first heartbreak." Sabay hinga ng sobrang lalim, disappointed lang?


"Ha? Bakit?"


"Well, I didn't know that she's a boy. Bakla pala 'nak, nagbihis pang-babae lang. Kaya ayon, pinagtawanan nila ako."

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now