Kabanata 08

26.5K 1.1K 342
                                    

Daylight



Our morning is back to normal again, wala si miss Monique dahil sabi ni tita ay may inasikaso ito sa ibang bansa. Sumilaw agad ang ngiti sa aking labi, I don't know why, but this early morning? sobrang daldal ko.


Marami kaming napag-usapan ni tita, nai-kwento ko rin sa kanya ang nangyari nitong mga nakaraang araw. She was slightly mad at me for not inviting her to watch the play. Kailangan ko raw bumawi at ang naisip niya ay ang pagsama ko sa bahay ni miss Monique.


Aniya gusto daw akong makilala ng parents nito. Hindi ako sumagot, but when she said she'll come with me, tumango nalang ako. I don't want to disappoint her again.


Pagkatapos kainin ang gawa niyang heart shaped pancakes ay naligo na ako. I wore an indigo aeropostale shirt today, pinaresan ko ito ng faded ripped jeans at isinuot din ang sapatos na binigay ni miss Monique.


I take my notebooks and papers out of my blue jansport bag. Sa halip ay ipinasok ko dito ang itim kong rash guard at ang kapares nitong shorts just in case magpa-pool party ngayon si Paige. Kumuha na rin ako ng pamalit na damit.


Ngayon ko lang ulit magagamit ang aking asul na bisikleta. Mahaba-haba ang papadyakin ko papunta sa bahay nina Via kaya nagbaon ako ng tubig. Isinuot ko rin ang headgear pati ang earphones at pinakinggan ang kanta ng rivermaya.


I saw different kind of flowers along the way. Naisipan kong kumuha ng tatlong mapuputing rosas at inilagay ito sa unahang basket ng bisikleta. Mga sampung minuto pa bago ko marating ang bahay ng mga Montecillo.


Ang unang bumungad sa akin ay ang dalawang gwardya. Pinapasok naman agad ako sa loob at nakita ko si Via sa may fountain ng garden nila. May rebulto doon ng anghel na umiihi at may gazebo naman sa tabi.

Their house is huge, modernong-moderno ang istilo.


"Thanks for coming Elise." Bumeso sa akin si Via, nakasuot siya ng puting slip dress at pinatungan ng front-open blazer.


"Para kay Claire," Simula ko, "and also for you Via, I'm always here for you." Ipinangako ko iyon sa kanyang kapatid bago siya binawian ng buhay.


Kahit maluha-luha ang kanyang mga mata ay pinilit pa rin nitong ngumiti. Iniwan ko muna ang aking bisikleta sa labas. Sumungaw agad kami sa pagitan ng sala at kusina. Naroon ang magulang niya. Bumeso sa akin si Mrs. Montecillo at nakipagkamay naman ang mister nito.


May kaunting kumustahan at kwentuhan dahil ilang taon rin akong hindi nagpakita sa kanila simula noong nawala si Claire. Nakakapanibago na ang bahay ng mga Montecillo. It was full of laughter before but now I don't know, bigla nalang akong nalungkot. Ganito ba lagi ang nararamdaman ni Via sa tuwing umuuwi siya ng bahay?

Iwinaksi ko nalang ito sa aking isipan. Ayaw kong makadagdag sa mga pasanin niya.


Tumungo na kami sa likod ng bahay kung saan inilibing si Claire. She was cremated and her parents decided to bury her ashes under their property. Malawak naman ang kanilang bakuran. Maraming mga pananim at nagtataasang mga punongkahoy. Naroon ang puntod ni Claire sa tabi ng acacia.

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon