Kabanata 12

25.3K 1.1K 382
                                    

Good at Pretending



Namumugto ang mga mata namin kinaumagahan. And with all the crying last night, we somehow managed to have a good sleep. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa mga nalaman ko kagabi.


Paige is now fixing herself inside the bathroom, naisipan ko namang tumungo sa may terasa para salubungin ang magandang araw. Ang malaking bakuran nila ang makikita sa baba at ang iilang mga katulong ay nagwawalis ng mga nagsi-laglagan na tuyong dahon.


It's just a normal day for them, but for me it isn't. I have my bestfriend back again, for real this time. Grabe pala ang tampo ni Paige dahil inakala niyang inabanduna ko na ang pagkakaibigan namin. It was a huge misunderstanding. Kung hindi ko pa siguro siya kinulit kagabi ay baka naroon pa rin ang itinanim niyang galit sa akin.


"Elise," Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa'king likod. "Baba na tayo?"


Humarap ako sa kanya 'tsaka tumango. I suddenly have the urge to make up for the lost time.


"Paige?" Pagtawag ko habang pababa kami ng hagdanan.


"Hmm?"


"Pag natapos na natin 'yong thesis, sasama ka pa rin ba sa amin?" Nag-aalangang tanong ko.

Nasa dulo na kami ng hagdan nung hinarap niya ako.


"What kind of question is that? Of course I will! Bakit, ayaw mo na ba akong kasama?" Pagbato niya ng tanong sa akin.


"Syempre hindi, gusto ko nga lagi tayong magkasama e." Napakagat ako ng labi dahil sa pag-traydor ng bunganga ko. Damn this mouth! Namumula na siguro ako sa hiya.


Napangisi si Paige habang sumungaw kami mula sala patungong dining area.


"Okay, if that's what you want." Her smile sent shivers down my spine.


"Good morning ho ma'am. Nakahanda na po ang almusal." Kung hindi lang nagsalita ang katulong ay baka na-estatwa na ako sa kinatatayuan.


"Good morning sis," Sumulpot naman bigla si Mostyn mula sa kusina habang sumisimsim sa hawak na tasa. "Good morning din Elise." Ngumiti ito sa akin.


"Good morning" I smiled back habang iginiya ako ni Paige sa may mesa.


"Nasan si mommy?" Aniya 'tsaka naupo sa may master's chair.


"Pumunta na sa resort." Matipid na sagot ni Mos at naupo naman sa kabilang dulo.


Nasa right side ako ni Paige habang ang isang katulong ay sinasalinan ng mainit na kape ang tasang nasa harap ko.


"It's good to have you again here Elise, kumusta ang tulog?" Ani Mos.


Unexpectedly (Ramontes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon