Kabanata 13

25.2K 1.1K 231
                                    

Benedicto



Sa loob ng walong oras na biyahe, hindi ako nakatulog dahil sa huling mensahe ni Paige. Huminto ang sasakyan sa may Drive Thru para sa aming dinner pero hindi naman ako kumain. I'm really not that hungry. Kinukulit pa ako ni Miss Monique pero hindi talaga ako gutom.

Alas tres ng madaling araw kami nakarating sa probinsya ng Ramontes. I didn't enjoy its view because it was so dark outside. Pero dinig ko ang paghampas ng alon at ramdam ko rin ang lamig ng hangin.

"We're here anak," Binuksan na niya ang pinto ng kotse. "Welcome home."

Clearly, this is not my home. Bumaba na ako at ang malamig na simoy ng hangin ang unang dumapo sa aking balat. Pinasadahan ko ng tingin ang kapaligiran. There's not that much to see because the place is surrounded with darkness. Mas nangingibabaw ang aking pandinig dahil sa tunog ng bawat alon.

"You're cold..." Hinaplos ni Miss Monique ang braso ko at inilagay sa aking balikat ang kanyang itim na jacket. "Let's go inside."

Hindi ko na mabilang kung iilang mga naka-unipormeng lalake ang dumaan sa aking mata. Basta ang masasabi ko lang ay marami sila.

We go around the car and that's when I see their huge mansion. Hindi ito ang pang-karaniwang makikita sa syudad. Houses in the city were made out of modern materials. This particular mansion was inspired by Spanish architecture. Pinaghalong konkreto at matigas na kahoy ang kabuuan. Every corner was creatively and highly ornamented.

The arched windows were made in detail, all of the hardwood displayed were beautifully carved. Nakakadagdag pa sa karangyaan ng mansyon ang magandang pagkakagawa ng landscape.

Kapansin-pansin ang lahat ng ito dahil sa liwanag galing sa mansyon. Doon ko rin napansin na may dalawang taong nakaabang sa may main door.

"That's your lolo and lola, Elise." Ani Miss Monique.

Bumungad sa akin ang malalapad nilang ngiti. I tried to smile but it turns out fake. Sana lang ay hindi nila mahalata.

"Finally, nakita ko na rin sa personal ang aking apo!" Yinakap ako ng isang ginang na batid ko'y nasa sisenta anyos ang edad. She looks like Miss Monique but ten years older. Medyo mataray ang features ng kanyang mukha maliban nalang sa kanyang mata. It looks warm and very welcoming.

"Nakikita ka lang namin sa pictures na pinapadala ni Sheryl hija, now you're here with us, in the flesh." Sabi nung isang ginoo na kasing-edad din ng katabi niya. Kumpara sa ginang ay masasabi kong mas maamo ang kanyang mga mata. Siya naman ngayon ang yumakap sa akin.

"Hi mom, dad." Bumeso naman si Miss Monique. Naka-akbay pa rin siya sa akin na parang ayaw akong pakawalan kahit na mukhang gusto pa akong yakapin ng ginang.

"I'm Matilda hija, I don't want you to call me lola because that just sounds too old," Tumawa siya ng mahina. "You can call me mamita instead." Napailing naman ang ginoo sa tabi niya. "This is Vicente, your lolo."

Napatango lang ako sa sinabi niya. They didn't expect me to say anything, do they?

"She's already tired mom, maayos na ba ang kwarto?" Iginiya niya ako papasok ng mansyon.

Kung maganda na sa labas pa lang ay mas dumoble pa ang ganda nito sa loob. Malalaking paintings ang nakasabit sa makulay na pader, sariwang pitas na mga bulaklak ang naka-display sa may tabing mesa, at ang hagdanan naman ay gawa sa narra na may nakaukit na baging. Ang lahat ng ito ay nakikita ko lang sa pelikula.

"Of course anak, pinaghandaan talaga namin ang araw na ito para sa pagdating ng apo ko. Mamaya uuwi dito ang mga kapatid mo at dadalo rin ang iilan nating kamag-anak at mga kakilala. They all wanted to meet her." Sagot naman ni Donya Matilda. I prefer to call her that way but only to myself.

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora