Kabanata 06

23.8K 1.1K 341
                                    

Not Scared



Parang pinupulupot ang tiyan ko sa sobrang sakit. Alas singko palang ng umaga nang magising ako. Hindi ako kumain kahapon kaya nagrereklamo na ngayon ang mga bituka sa 'king tiyan.


Bukod sa sakit, ramdam ko rin ang braso na nakadantay sa tiyan ko. Hindi lang pala siya bumisita, dito rin si miss Monique natulog, and she even chose to sleep beside me. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya para makatayo ako.

I'm so hungry. I really need to eat.


But before I close the door, pinasadahan ko muna siya ng tingin. Papa is right, she's like a goddess, matangos ang ilong, mahahaba ang pilik-mata, maayos ang kurba ng katawan, there's no doubt 'coz she's really beautiful. Napapaisip tuloy ako kung ano ang namana ko sa kanya.


Kung i-kukumpara man ako sa mukha ng mga magulang ko, masasabing mas dominante ang dugo ni papa. Para kasi kaming pinagbiyak na bunga. 5'6 ang height ko kagaya niya at kung paano siya kumilos ay namana ko rin. Kaya hindi na rin ako magtataka kung tibo nga ang tingin nila sa'kin.


Dumiretso na ako sa kusina at agad na binuksan ang fridge para kumuha ng makakain. Muntik na ngang mahulog ang mga patung-patong na chocolates sa loob dahil sa sobrang dami ng laman.


Pang-dalawang buwan na supply na ata ito. Halos lahat din na nandoon ay mga paborito ko. I knew it was all from miss Monique dahil hindi kaya ng budget ni tita na mag-grocery ng ganito karami.


Kinuha ko lang ang fresh milk at isinalin ito sa baso. Pagkatapos ay kumuha ako ng sliced bread sa mesa. Mayroong natirang ham kagabi kaya iyon ang inilagay ko. Naghiwa na rin ng kamatis at pipino para ipang-dagdag dito. May nakita akong lettuce sa fridge kaya kumuha na rin ako.


I made two ham sandwiches and wrapped it in foil. Hinugasan ko muna ang tupperware na ginamit ko nung isang araw bago ito ilagay. Gumawa ulit ako ng isang sandwich at iyon ang pinang-almusal ko.


Sa sobrang gutom ay pinapak ko na rin ang pritong manok na ulam kagabi. Hindi na rin sumakit ang tiyan pagkatapos kong kumain at ubusin ang fresh milk.


Now I have to prepare for our play today. I don't need to wear my uniform kasi wash day naman kapag Biyernes, at isa pa ay may event sa school kaya nagiging exception ito.


I need to get some clothes inside but when I came in, gising na si miss Monique. Nakaupo na siya sa higaan at kinukusot ang mga mata.


"You're up early, why didn't you wake me?" Tanong nito sabay tayo.


Hindi agad ako nakapag-salita.


"Uh, are you done with breakfast? Ipagluluto kita." Para siyang nagmamadali at kita ko ang pag-panic sa mga mata niya.


"Hindi na po, tapos na po ako." Doon lang ako kumilos at agad na kumuha ng damit sa loob ng cabinet.


I took my pants at ang asul kong nike t-shirt pati na rin ang undergarments bago lumabas. I knew she's following me pero hindi ako lumingon.

Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now