Kabanata 03

23.6K 1K 222
                                    

Purple Jeepney



I did my best to think of a proper excuse para lang hindi matuloy ang dinner namin with the Serranos. Pero sa kasamaang palad ay hindi ako nag-tagumpay. I shouldn't be surprised because tita adored this family so much. Now look where it got us.


Kahit na mahaba ang dining table nila at sa mag-kabila nito ay may tig-sampung upuan, natapat pa rin sa akin ang taong kinaiinisan ko ngayon. Quits naman siguro kami dahil sa talim ng mga titig niya sa'kin, it was clear that she also hates the situation we are currently in.


I was not familiar with most of the foods in front of me. Pang-fiesta ang pinahandang pagkain ni tita Michelle dahil halos ma-okupa na ang buong mesa. To think na biglaan ang pag-aya niya sa amin ay nagawa pa niyang maghanda ng ganito kadami.


When we're all settled ay pinatawag ni tita Michelle sa katulong ang panganay na anak.


"Elise," Napalingon ako sa matipunong lalake na kararating lang, "you're here."


"Hi kuya Mos" pagbati ko sa kanya at tinapunan na rin ng ngiti. Tumabi ito kay Paige na mukhang bored na. She's always like that especially when I'm around.


"Kumusta? Di ka ba nanlagkit kanina?" Pahabol pa nito.


"Let's eat" Pag-iiba ni Paige sa usapan sabay kuha ng salad sa tapat niya.

Narinig ko ang pag-hagikhik ni Mos at alam ko rin kung ano ang tinutukoy niya. It was about what happened in the cafeteria.


"How was your practice Paige?" Her mom broke the silence habang abala na rin sa pag kain.


"Tiring as usual mom." sagot nito pero hindi nag-angat ng tingin, she's busy with her veggies. "Nagpa-audition din kasi kanina and kami ang nag-facilitate."


"Bakit hindi ka nag-audition Elise?" Untag ni tita. Napahinto naman ako sa pagkagat ng fish fillet.

My eyes subconsciously landed on Paige and I knew she was trying really hard not to laugh.


"Oo nga, you should join the club too para naman magkasama kayo ng anak ko." Dugtong din ni tita Michelle at sa akin na silang lahat nakatingin.


Honestly, parehong kaliwa ang paa ko when it comes to dancing. Hindi ako na-ambunan ng talento kagaya ni Paige. Bukod sa pagiging cheerleader, sumali rin ito sa drama at sports club. She's also top two in our class next to my friend Jonas.


"Nasa art club na po kasi ako." I answered with pride, 'yon nalang naman kasi ang maipag-mamalaki ko.


"Really?" Patuyang tanong ni Paige habang nakangisi, "Ilan naman kayo do'n?"


"L-Lima" halos pabulong kong sagot pero dinig pa rin ng lahat. Doon na napatawa si Paige pati na rin sina tita.


"Why don't you try joining other clubs?" Si Mos na ang nagtanong. Hindi na ako makakain ng maayos.


Unexpectedly (Ramontes Series #1)Where stories live. Discover now