Chapter 6

3.2K 104 1
                                    

Relationship Status
-------------------

"Cupid,  hindi ba dapat umiisip tayo ng paraan kung paano sasabihin kila mama na hindi 'totoo ang relasyon natin,  hindi na dapat natin pinapalala pa. "

"Pinapalala?  What do you mean about that?"

"Alam na ng lahat,  kulang na lang malaman na ng buong mundo ang relasyon natin. "

"But the whole wide world already knows it.  Remember were in the headline of international news magazine. " he sip on his coffee. 

Nasa garden kami ng bahay nila, Saturday ngayon at inimbita ako ng mommy ni Cupid na dito ulit magdinner dahil ngayon daw ang dating ng papa ni Cupid. 

Dumagdag pa sa problema ko.

"You want to end our relationship?"

Nangunot ang noo ko. "Wala namang i-eend e.  Kasi wala namang tayo. "

"Meron.  Me plus you equals together. " sagot nito.

"CUPID NAMAN E! " napipikon kong sambit. 
"Hey I'm not a bad catch. "

"So ano?  Papanindigan mo 'to?"

"You don't know what I can do,  Eira. " sumeryoso ito.

"Kung gustong-gusto mo talaga na matapos naito then tell them that we're really not together, ikaw ang magsabi tutal ikaw din naman in the first place ang nagpasok saakin sa ganitong sitwasyon.  It just happens that both of our family known each other at agree sila saatin. " pagkasabi niya 'non ay tumayo siya at umalis. 

I felt guilty.  He is right. 

Ako nga naman talaga ang nagsimula nito.  At ako din ang kailangang tumapos.

"Cipen this is Eira,  the daughter of Nieves and Ezekiel. " masayang pakilala ni Tita Claud saakin sa lalaking parang old version ni Cupid, hindi naman ito sobrang katandaan.  Sa tingin ko ay nasa late 30's na ito. 

"Hello po Sir Cipen (sy-pen). " ngumiti ako.

Nagsalubong ang kilay niya. "I don't like you. "

"P-po?"

"Call me tito Cipen, if you'll continue calling me sir hindi kita magugustuhan para sa anak ko. "

Nakangiwi akong ngumiti. "Sorry po tito Cipen. "

Bigla itong ngumiti. "That's what I like. " pakantang sabi nito. 

"I could tell you too meant for each other.  Akala ko talaga kaming dalawa pa ni Ezekiel ang gagawa ng paraan para magkakilala kayo. "Naiiling nitong sabi. "Anyways Eira,  sabihan mo lang ako kapag sinaktan ka ng anak ko at ako ang bahala. " tinaasan niya ng kilay si Cupid.  Samantalang si Cupid naman ay walang imik. 

"Hindi naman po ako sasaktan ng anak niyo.  Nagkakausap kayo ni papa po? Ang sabi niya po saamin matagal na daw po kayong hindi nagkikita?"

He nodded. "Yes,  we'd never see each other nagbungguan lang kami 4 months ago at napagusapan namin kayo,  I forgot to tell it to my wife naging busy kasi ako ng pumunta ako ng batanggas kaya hindi na ako nakadalaw sa bahay niyo. "

Looking at tito Cipen makes me realize na kahit hindi mangyare ang aksidenteng nangyare saamin ni Cupid e talaga palang magtatagpo ang landas namin dahil sa pamilya namin.

Meant to be?  Are we really....

After the dinner, walang kibo pa rin si Cupid hanggang sa makarating kami ng sasakyan niya.

"Why you didn't tell them?" He asked at ini-start na ang engine ng sasakyan.  Napalingon ako sakanya. 

"I don't know how. "

Tumango siya. "Ihahatid kita sainyo pagkatapos ay pupunta ako sa arena. " sa daan ang tingin nito.

"Ok."

"Goodbye. " napatingin ako kay Cupid.  "Bye din. " sabi ko. 

Akmang papasok na siya sa sasakyan niya ng taranta kong tawagin ang pangalan ko. "Cupid!"

Napatigil siya sa pagbukas ng pinto ng driver seat at napatingin saakin.

"Uh... " napatingin ako sa suot ko,  I'm wearing dress.

"Hintayin mo ko dito.  Saglit lang ako. " pagkatapos kong sabihin iyon ay tumakbo na ko agad papasok sa loob.

"Eira,  asan si Cupid?" Si mama.

"Uh ma.  Sasama po ako kay Cupid,  ayos lang po ba? "

"Aalis ka ulit?"

"Opo.  Magbibihis lang po ako.  Gusto ko po kasi manuod ng laro niya.  Nagca-car racing din po siya katulad ni papa. "

Ngumiti si mama. "As expected. O siya sige, basta mag-iingat.  Ichat mo ko ah. "

Nagthumbs up ako kay mama at mabilis na umakyat sa taas.

"Puwede ba kong suma---"

"Get in. " hindi ko napansin na napagbuksan na pala niya ko ng pinto. "You don't have to ask,  you are always allowed to go. " sabi niya at isinara na ang pinto.  Umikot siya sa kabila. 

Naka black na fitted shirt ako tapos maong na ripped. 

"Hindi na talaga kami masasanay na may kasama kang.... " nilingon ako nung hindi ko kilalang lalaki bago ngumiti saakin.

"Shut up, Ian. Don't smile at my girl." He's cold voice makes me shiver.

"Tss.  Baka magkasipon ka,  malamig. "Ipinatong niya ang jacket sa balikat ko, varsity jacket ito at may nakalagay na CUPID sa likuran ng jacket. 

May lumapit naman na isa pang lalaki at inabutan ulit si Cupid ng isang jacket na kaparehas din ng saakin pero EIRANEVE ang nakalagay sa likuran ng jacket niya.

Nanlaki ang mata ko... teka!

"Maupo ka sa first row para madali kitang makita.  Wala ngayon sila Samuel,  si Troy at Vince naman may date."  Seryoso niyang sabi.

"Goodluck kiss. " pagkasabi niya noon ay napasinghap ang mga nasa paligid namin ng halikan niya ko sa pisngi. 

Hinatid niya pa ko sa upuan. 

"Ready set go! "

Kumalabog ang puso ko,  kahit nakakaexcite ang manuod ng ganito hindi ko pa rin maiwasan hindi kabahan.  Delikado kasi ang larong ito lalo na kapag nagdridrift siya sa pazigzag na part.

"WOOOH!  GO CUPID! "

"CUPID! "

"WOOOH! "

"GRABE ANG GALING TALAGA NI CUPID! "

"Eiraneve?  Sino yon?  At bakit iyon ang suot niyang jacket?"

"Iyan ata 'yong nababalitang girlfriend niya. "

"Girl look oh,  suot niya ang varsity ni Cupid. "

Nang magsitayuan ang mga manunuod ay hindi muna ako tumayo at pinauna muna sila. 

"Hubarin mo nga yan! " gulat ako ng may sumulpot na tatlong babae sa harapan ko ang isa sakanila ay parang namukhaan ko ito ata ang Amanda.

"Huh?"

"Bingi ka ba?  Sabi ko hubarin mo yang jacket ni Cupid! Wala kang karapatang isuot yan!"

"At bakit wala siyang karapatan? " si Cupid.  Lumapit siya saakin. "She's my girlfriend. She can wear all of my clothes,  she have my permission. " seryoso niyang saad.

"Pero cupid... " parang iiyak na 'yong Amanda. 

"Amanda now that I have my girlfriend try to stop acting like you are in her position. " iyon lang at tinangay na ko ni Cupid papaalis doon. 
"Did she hurt you?"

Umiling ako. "Ano ba 'yong Amanda na yon?"

"I know her since we were kids. "

"At gusto ka niya?" I added.  Nagkibit-balikat siya. "Well I don't like her. "

"E sino ang gusto mo?" Wala sa sarili kong naitanong.

"Ikaw. "

The Bad Boy CupidWhere stories live. Discover now