Chapter 26

2.1K 67 2
                                    

Attempt

Hindi ko kayang salubungin ang nagaapoy na mga mata ni Cupid, galit na galit siya. Sino bang hindi magagalit nakita niya kami ni Santi na magkahalikan, Santi kissed me but I didn't kiss him back at hindi ko din ginusto iyon nabigla din ako at ng matauhan ay malakas ko siyang itinulak at sumalubong sakanya ang kamao ni Cupid na kanina pa pala nasa likuran namin kasama sila Samuel. Seryoso ang mga kaibigan ni Cupid. Hinablot ako ni Cupid at inilagay sa tabi niya. Sinugod niya si Santi at ginawaran ng malakas na suntok, si Santi naman na hindi pa nakakabawe sa pagkakasuntok kanina ay gumewang-gewang ito at muli nanamang napaupo sa sahig.

"FUCK YOU!"sigaw ni Cupid. Para siyang lion na nakawala sa hawla at ninakawan ng pagkain.

"I ALREADY WARNED YOU!"nakakatakot ang boses ni Cupid. Parang ibang tao. Parang hindi ko kilala.

"UGH!"Santi groaned ng walang tigil siyang pagsusuntukin ni Cupid, tumatama ang kamao ni Cupid sa katawan at sa mukha ni Santi gusto ko 'mang awatin si Cupid ay hindi ko magawa dahil hawak hawak ako ni Samuel at Vince, I pleaded them to let me go pero blankong expression lang ang sinagot nila saakin. Lumapit si Troy na naguunat-unat ng leeg. Maya-maya pa ay nakisali na din sa dalawa. Halos walang laban si Santi sakanila, nakalupasay nila itong iniwan, hindi na gumalagaw at naliligo sa sarili dugo.

"CUPID! DID YOU KILLED HIM!?"hindi makapaniwalang sigaw ko habang pumipiglas sa pagkakahawak nila Vince at Samuel.

Marahas itong lumingon sa gawi ko 'tsaka tumayo at madilim ang mukhang naglakad papunta saakin.

"Why? Nag-aalala kaba sakanya?"ang lamig ng boses nito. Wala din ako mabakas na kahit anong emosyon sa mga mata nito. "Bakit masarap ba? Did you enjoy his lips.... his kiss.. his taste?"mapang-uyam nitong tanong.

Natigilan ako doon at sunod-sunod na umiling. "I'm sorry. I'm sorry. "Naiyak ako.

"C-cupid.... "hindi ko namalayan na pinakawalan na pala ako ni Samuel at Vince mula sa mahigpit nilang pagkakahawak kanina kaya naman nawalan ng susuporta saakin ng mangatog ang mga tuhod ko. Napaluhod ako sa sahig at napahagulgol. Takot ako... natatakot ako. Hindi ko alam kung dahil baka napatay nila Cupid si Santi at baka makulong siya o dahil sa Cupid na kaharap ko ngayon. Hindi ko alam.

"Sabi ko sayo kapag tinangka niyang agawin ka... "

"Magkakapatayan kami. At sinisigurado ko sayong hindi ako ang mamamatay sa huli. " malamig niyang wika at nakita kong naglakad siya at nilampasan ako.

Nakarinig ako ng tunog na galing sa sasakyan...iniwan niya ba ko?

"Gabi na. Baka magkasakit ka. "Boses iyon ni Vince. Nang tignan ko ito tipid lang itong ngumiti at nagkibit-balikat. "Tumayo kana diyan. Nakaalis na sila. Isasabay na lang kita tutal may dadaanan din ako. " inalalayan ako nito makatayo at ng mapadako ang mga mata nito sa braso ko ay agad itong napaiwas ng tingin. "Pasensya kana. Ang tigas kasi ng ulo mo e pinilit mo pang kumawala nagkapasa ka tuloy. "Kakamot-kamot sa ulo nitong sabi. Pilit akong ngumiti bago umiling. "Ayos lang. Kasalanan ko naman atsaka hindi naman masa----ARAY!"napatili ako ng hawakan ni Vince ang braso ko kung saan nagkapasa.

"Akala ko ba hindi masakit? Halika na gamutin natin 'yan. "Sabi niya.

"Vince please tell me asan ba si Cupid? I need to talk to him. "Pagpupumilit ko.

"Eira.... palipasin mo muna ang galit noon. "Buntong hininga nito.

"Please I swear I didn't kiss Santi. Nagulat din ako. Mali ang nakita niya. " paliwanag ko. Parang maiiyak nanaman ako.

Huminto kami sa isang gate, sinilip kami ng guard bago tumango kay Vince at pinapasok kami sa loob ng subdivision.

"O wag kang iiyak. Eto na. "Ipinark niya ang sasakyan niya.

The Bad Boy CupidWhere stories live. Discover now