Chapter 18

2.4K 69 1
                                    

The Aftershock
-----------

Birthday ngayon ng mommy ni Lia, just like the old times we are invited. Palabas na kami ng Sovereign University ng may sumugod saakin mabuti na lang at naging maagap ako dahil kung hindi baka nasambunutan na ko ng kung sino man 'tong nanugod saakin.

"YOU BITCH! HOW DARE YOU!! YOU ARE RUINING ME AND CUPID! MANGAAGAW KA!" Gigil nitong sabi.

Kaagad na humarang si Tosh at hinawakan ang kamay ni Hermiosa at marahas na inilayo saakin ni Tosh.

"Ikaw nanaman Hermiosa!" Pagalit na sabi ni Lia.

"YOU BITCH! SANA NATULUYAN KA NA LANG DATI!"

"Tigilan mo na si Eira. " seryosong sabi ni Tosh.

"NO NEVER!" Giit ni Hermiosa hababg nanlilisik ang matang nakatingin saakin.

"ATE HERMIOSA!"

"HERMY!"

Kaagad na inawat ni Lucas si Hermiosa, lumapit din saamin si Andra at yumuko she even gave me apologetically smile. "Sorry Ate Eira ah. Nasaktan ka nanaman ba?"nag-aalala nitong tanong.

"No. I'm fine. "Sagot ko.

"Aish! I told them to tightened the security. "Kausap ni Lucas sa sarili ng bumaling ito saakin ay tumango ito. "Sorry again, Eira. Mauuna na kami. " sabi nito.

"I'll make sure that this would not happen again. " dagdag pa ni Lucas.

Hindi na ko umimik at pinagmasdan na lang sila hanggang sa makalayo at mawala na sila sa paningin ko.

"Ano parang earthquake lang? May aftershock? "Eksena ni Lia. Pagkatapos tuluyang mawala ng tatlo sa paningin namin.

"Grabe ang pagka-war freak ng isang 'yon. " naiiling pa nitong dagdag.

"Hindi knight in shining armor yang Cupid mo Eira. Siya pa kamo ang nagdadala ng gulo sa buhay mo. " komento ni Tosh na hindi naman sinang-ayunan ni Lia and the war started to begin. Hindi ko na lang sila pinansin at sumakay na sa sasakyan ko.

Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at kinawayan sila na 'tsaka pa lamang natigil ng makitang nasa loob na ko ng sasakyan ko.

"Mauna nako. I'll be there in your house Lia exactly at 9pm. "Paalam ko bago pinaandar na ni Manong ang sasakyan.

"Hi Eira! How's school? Hindi ka yata inihatid ni Cupid ngayon?" Nakangiting tanong ni Mommy.

"Cupid is busy with his tight schedule. Lalo na at pinagsasabay sabay niya mommy ang acads at ang sports niya. " paliwanag ko dito.

"Ganoon ba. "Tumatango nitong sabi.

"Opo akyat lang po ako, ma. " paalam ko.

"Sige. "

"Ah Eira! " napalingon ako kay mama.

"Bakit po?"

"Susunduin ka ba nila Lia papunta sa party ng mommy niya o sasabay ka saamin ng daddy mo?" Tanong nito.

"Hindi po namin napagusapan. Sasabay na lang po siguro ako sainyo nila Dad, ma. " I answered. I'll just text Lia na kila mom ako sasabay.

"Okay. Sige na magbihis kana, ginawan kita ng meryenda. Come downstairs after you change your clothes. "Sabi ni mama at nginitian ako.

Nahiga ako sa kama ko at napabuntong hininga. Hermiosa is really scary, pero hindi ko na sasabihin sa magulang ko na ginulo nanaman ako nito, I don't want to stress them more.

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Love could be harmless and harmful but either way around it's always our choice.

Nagising ako ng may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. I heard my mom's voice.

"Eira! Honey?"

Kinukusot-kusot ko ang mata ko habang papunta sa pinto, binuksan ko iyon at bumungad saakin si Mommy at si Jamie.

Nginitian ako ni Mommy. "Nakatulog ka. I see, you're still recovering. You sure you wanted to attend to the party? Maiintindihan naman ng mommy ni Lia kung hindi tayo pupunta. " nag-aalalang sabi ni mommy.

Umiling ako at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto ng kwarto ko. "I'm okay mom. Jaime, come in. "

"Thanks Girl. "Ngumiti si Jaime at pumasok. "Don't worry Madame sisimplehan ko lang po ang ayos ng anak niyo but still aangat pa rin ang beauty niya sa party. "Medyo patili nitong sabi kay mommy.

"Okay. Jaime ikaw na ang bahala sa anak ko, and make sure she'll be in downstairs at 8pm, para makapagmeryenda muna. Hindi pa yan kumakain simula kaninang pag-uwi niya. "

"Ah ma, padalhan niyo na lang po ako dito sa taas. Banana, chocolate, and monggo bread pls. "I smiled

Mom nodded. "Okay honey. " umalis na ito at isinara na ni Jaime ang pinto.

Naupo ako sa mirror make up ko at nilapitan naman ako ni Jaime. "Myghad Eira. Okay kana ba? Madame Nieves told me what happened to you. Naku girl ah, pag nakita ko yang Hermiosa na 'yan makakatikim talaga saakin ang babaeng 'yon. Sinaktan niya ang alaga ko. "

"Ano ka ba naman Jaime. "

"Naku Eira. Hindi mo dapat hinahayaan sakta---"

Naputol ang sasabihin niya ng may kumatok. "Ako na dear. "Presinta ni Jaime at binuksan ang pinto.

"Maam Eira, pinapaakyat po ni Maam Nieves. " magalang na sabi ng maid.

"Yeah. Put it here pls. "Nilapag nito sa table ang pagkain ko.

Yumuko ito at umalis na.

"Sige na kumain ka muna, Eira. I'll just chose what make up will fit for you. " nakangiti nitong sabi.

After kong kumain ay nagsimula na si Jaime na gawin ang trabaho niya, he started with my face of course, nakapili na din ito ng susuotin actually I was the one who pick the dress.

"This.... will good for your dress light make up pero ang iba ay medyo dinefine ko since night party iyon. This look like a fresh make up, bagay sa royal blue gown na pinili mo dear. " inispray-han niya ang wavy hair ko at ng tignan ko ang sarili ko sa salamin, WOW! I'm speechless, like the old times talagang pinabebelieve niya ko sa talento niya. Nakakafresh ang make up niya although may part na medyo fierce ang datingan ko mas nakadagdag pa sa appeal ang wavy hair na ginawa niya actually ayoko sana na ikulot ang buhok ko but since siya ang mas nakakaalam ay hinayaan ko na siya.

"Sige na dear, magbihis kana. "Kinuha nito ang gown ko na nakalagay sa kama at iniabot saakin.

"8:25 na. " sabi pa nito. Tumayo ako at tumango.

Dumiretso ako sa walk in closet ko at nagbihis na nga.

Pagkalabas ko sa walk in closet ko sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Jaime napapalakpak pa ito ng tignan ang kabuuang ayos ko.

"You're such a savage. You could kill a man did you know that Eira?" Nakangising tamong nito.

Natatawa ko itong inilingan. "Binobola mo nanaman ako Jaime. No need for that and don't worry I'll tell mom na bigyan ka ng tip for this. "I winked at muling sinulyapan ang sarili ko sa salamin.

"Dear no need for that. I'm just doing my job at isa pa you're one of my favorite so no biggy dear. "Sabi nito.

"So kamahalan.. "yumuko ito saakin at inilahad ang kamay. "Shall we?"

"Ewan ko sayo Jaime. " nilampasan ko ito at nauna ng lumabas.

"You're really are my princess. "Komento ni Daddy na nakangisi.

"Naku pamilyang mga royal highness talaga kayo Sir Ezekiel. "Singit ni Jaime. "Ang gaganda ng lahi. "Dagdag pa nito.

"Demetria e. "Nakangising sabi ni Daddy.

The Bad Boy CupidWhere stories live. Discover now