Chapter 10

2.9K 84 5
                                    

Cupid can't afford to lose you
---------------------

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko, mas dumoble ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon, kanina lang naman ay masaya kaming nagkukuwentuhan sa table namin ng may biglang maangas ng grupo ng mga kalalakihan ang dumating at huminto sa harap ng table namin.

"Let her go. " malamig na saad ni Cupid.

Ang kaninang maingay at nakakahilong paligid ay biglang tumahimik.

"Why? Sino ba 'tong babaeng 'to at ganyan mo pahalagahan, Cupid?"nakangising tanong ng lalaking may hikaw na krus sa kaliwang tenga.

"Let her go, Louie. "Mariing ulit ni Cupid. Hindi alintana ang tanong ng lalaki.

"Hmm... " napapiksi ako ng haplusin niya ang mukha ko. "Maganda, makinis, at mukhang masa---"

"CUPID!" Tili ko ng sugurin ni Cupid 'yong Louie at paulanan ng suntok. He looks so livid. Parang lahat ng ugat niya sa katawan ay biglang napatid.

"Eira. " mabilis akong hinablot at inilagay ni Samuel sa tabi niya. Sila Troy naman ay tumulong kay Cupid.

"That's why I hate going to a Club. This always happens. " naiiling na saad ni Samuel tila parang hindi na bago dito ang nangyayare.

"CUPID! " kaagad akong kinabahan ng makitang kumuha ng bote ng alak si Louie at akmang babasagin niya iyon sa ulo ni Cupid na kaagad namang nakailag. Nakahinga ako ng maluwag pero kaagad din nahigit ang hininga ng may isang nakalusot sa paningin ni Cupid, nasuntok ito sa tagiliran.

"GET THEM OUT OF MY CLUB."

Mga naglalakihang braso ang umawat sa grupo ni Louie.

"Itapon niyo sa labas.. "utos ng lalaking nakasuot ng gray sweater. "Turuan niyo na din ng leksyon. "Pahabol nito.

"Cupid.... "

"... Pamangkin. " lumapit ito kay Cupid at nagfist bum sila.

"Tito Simus. "( Symus )

"At bakit napadalaw ang pamangkin ko?"

"We're just having fun ng manggulo si Louie. Hindi makamove on sa pagkatalo sa championship last year. " nang mapadako ng tingin saakin si Cupid ay kumibot ang mga labi nito pero hindi nagsalita.

"So who is this beautiful lady you're with?" Pati pala ang tito Simus nito ay nakatingin na rin saakin.

Lumapit saakin si Cupid at tipid akong ginawaran ng halik sa noo. "Eira, girlfriend ko. "Sagot niya.

"Okay that was.... Wow! " napaayos ng tayo ang tito ni Cupid. He's eyes are dancing in amusement.

"H-hello po. "

"Hi Eira, I'm Cupid's Uncle. Simus."he chuckled. Kahit na may edad na ito ay napakagwapo pa rin nito.

"Where's tita Lanna?" Tanong ni Cupid.

"She's with her group of friends. Nagkayayaan sila, ayokong payagan lumabas kaya sinuggest ko na dito na lang sila. Atleast libre ang lahat since I own this at mababantayan ko pa siya. "He winked.

"Tss! You guys are already married yet you still acting like she's going to steal by someone. " naiiling na turan ni Cupid.

"Well... yes we're married. Yes we're happy pero hindi natin masasabi ang mangyayare Cupid. It's better to be always ready and prepared kaysa maging kampante not knowing that she's slowly taking away from you. " tinapik nito ang balikat ni Cupid. "Kaya si Eira bantayan mo. "

"Tss. Babaliin ko lahat ng buto sa katawan ng lalaking susubukang kunin siya. " he snorted.

"Haha that's my boy. "Nagfist bum silang dalawa.

"Sige balik na ko sa table namin. If you're in trouble at my Club call me. "

"Bye Troy, Vince and to you Mr. Silent boy Samuel. " he grinned.

"And of course to you, beautiful lady. Ciao!"

Nang maglaho na ito sa kumpulan ng mga tao ay muli kaming nagbalik sa table at naupo. Hanggang sa umuwi kami ay hawak-hawak na ni Cupid ang kamay ko. I wonder why?

"I'm sorry. "

Nakayuko ang ulo nito at bagsak ang balikat. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa magkabilaang bulsa ng suot niyang pants.

Kinuha ko ang isa at hinawakan iyon. "Palagi kang napapahamak ng dahil saakin. " nag-angat na ito ng ulo pero umiwas naman saakin. "But damn! Ayokong ilayo ka sakin, ayokong mawala ka. Kaya naman kitang protektahan kung kailangang ibigay ko ang buhay ko Fuck yeah I'll do it!" Matigas na sabi niya.

"Basta.... "lumingon na siya sa gawi ko at tinignan ako. "Wag kang lang mawawala. "

"Because Cupid can't afford to lose you. "

Why does....

.... my heart beats abnormally.

"Pumasok kana sa loob. Take care. " hinalikan ako nito sa noo.

Bakit kaba ganyan? Hindi ko na alam kung saan ba 'to papunta, Cupid.

The Bad Boy CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon