Chapter 11

2.8K 82 4
                                    

Knight in shining armor
-------------------

"Eira did you heard the news?" Nakangisi tanong ni Lia. Nangunot ang noo ko. "Obviously not. Sa itsura mo pa lang e. " umupo ito sa tabi ko at inilapag ang tray, kumagat muna ito sa biniling sandwich bago nagsalita. "Velasco's company went bankrupt not totally pero papunta na din sila doon. " ininom niya ang pineapple juice niya.

"Velasco? You mean ang kompanya nila Zander?" Tanong ko.

"Yup! Sabi saakin ni Dad kanina, winitdraw daw ang lahat ng shares ng mga Winston sa company nila at bigla ding nagpull out ang iba pa. "

Winitdraw ng mga winston ang shares nila sa Velasco company?

"Why will they do that?"

"Secret lang natin 'to ah. Pero sabi ni Daddy, sinabi daw ni Mr. Cipen na masamang binabangga ang pamilya niya lalo na ang mahal ng anak niya. " pabulong na sabi ni Lia.

"Hindi kaya.... " makahulugan akong tinignan ni Lia bago mahinang tumili. Yung tili na walang boses. " ikaw ang dahilan? Waaahhh! Ang sweet naman ng Highness ng G-level. He's your knight in shining armor he's maybe too late to save you from those assholes pero hindi pa huli para maturuan sila ng leskyon. "

"Ano kaba. Baka chismiss lang 'yan. Atsaka anong knight in shining armor? Walang ganon. "Iling ko.

"Meron kaya at isa doon si Cupid mo. " kinikilig niyang sabi.

"Sus. Masamang gumanti sa kapwa, Lia. Atsaka tama si Eira wala tayo sa fairy tales nasa reality tayo. " sumabat na sa usapan si Tosh na mukhang naiirita.

"Tse!! Am I talking to you?"pagtataray ni Lia dito. "Atsaka hindi lang naman kay Zander naging knight in shining armor si Cupid para kay Eira e pati din kay Enzo remember? And ohh also to Louie. Ano? Hindi pa ba sapat iyon para masabing knight in shining armor si Cupid ni Eira?" Mahabang litanya ni Lia.

Napailing ako at inubos ang sandwich ko. "Time ko na. Papasok nako. " paalam ko aa dalawa.

"Teka Ei---"

Hindi ko na narinig ang boses ni Lia dahil mabilis akong nakalabas sa Cafeteria.

Did Cupid really do that because of me?? Dahil kaya iyon sa ikinuwento ko?

"Eira!" Gulat akong napatingin kila Vince. He is waving at me habang papalapit sila. Nasa likuran si Cupid. Hindi nakasimangot pero hindi din masaya, blanko lang ang mukha nito.

"C-cupid..." gusto ko sanang tanungin siya tungkol sa sinabi saakin ni Lia pero...

"I told you. I will protect you in any way. "

"Ikaw nga talaga ang nasa likod ng pagkalugi ng Velasco?"

"I'm Cupid Winston, they should know what I'm capable. Sa tingin mo pagkatapos mong sabihin saakin ang lahat ng nangyare sayo sa Gloria College ay pinakinggan ko lang iyon? No. They must pay. And I'm not done yet. " seryoso nitong sabi.

"Let's go. Ihahatid na kita. " hinawakan nito ang kamay ko.

"Huh? Diba papunta kayong cafeteria?"

"Babalik na lang ako dito pagkatapos kitang maihatid sa klase mo. " sagot niya.

---

"Cupid kelan ang birthday mo?"bigla ko na lang naitanong. I didn't know him that much.

"February 14." Tipid niyang sagot.

"February 14?!" Medyo gulat kong nasambit.

"Yes. That's why I was name Cupid and my parents name both starts with letter C. "

I nodded in amusement.

"Grabe. Ang galing naman. " I smiled.

"How about you? "

"Ako? Birthday ko sa January 14." I grinned. "Kaparehas ng sayo." Dagdag ko pa.

"You really destined to be mine. " sabi nito at marahan akong hinila palapit sa kanya at pagkatapos hinalikan sa tungki ng ilong.

"Cupid! Nagdadrive ka. " saway ko.

"What? Nag-iingat ako. Hindi ko naman hahayaang maaksidente habang kasama ka. Atsaka nakakalimutan mo yata Ms. Eiraneve Demetria I am a car racer." Ngisi niya.

I pouted. "Kahit na. Mabuti na ang safe noh!"

"Okay okay. "

We reached my home. Lumabas ito at umikot sa passenger side at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you. " I smiled.

"Welcome. "He winked.

"No I mean.. thank you for being my knight in shinning armor. "Nahihiya kong sabi at humarurot ng takbo.

"I knew it baby! You are falling for me! " pahabol nito.

Am I?

I think I am really..

....... falling with you, Cupid.

The Bad Boy CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon