Chapter 33

2.1K 58 1
                                    

Love
------

Nang magising ako ay nabungaran ko na mukhang inilipat nila ako sa isang lugar na mas open ang paligid hindi kagaya sa pinaglagyan nila saakin na pinto lang at walang 'ni kahit isang bintana 'man lang it's totally a square room with one door and me in the middle of that room. Bahagya akong nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa dulo.

"Gising kana... " si Santi iyon. Kahit na hindi ko matandaan ang lalaki alam kong malaki ang naging parte niya sa pagkawala ng memorya ko, alam ko malakas ang kutob ko.

Hindi ako sumagot. Nilahad niya sa mukha ko ang isang bote ng tubig pero iniiwas ko lang ang mukha ko doon. I was kidnapped and abduct by this two man, tatlong araw na kong nawawala.

"Uminom ka, hindi ka kumakain. Anong gusto mong mangyare? Do you really planning to starve yourself to death?" sabi nito na tila kinokontrol ang pagka-inis pero bigo ang binata dahil sa huli ay nalukot ang mukha nito. Lumapit siya saakin at binuksan ang takip ng bote pagkatapos ay pilit na ibinuka ang bibig ko at tsaka sapilitang pinainom saakin ang tubig, magpupumiglas pa sana ako pero hindi ko maikakailang uhaw na uhaw na ko nanunuyo na ang lalamunan ko at nagbabalat at mahapdi na din ang labi. Isa pa ay nanghihina na din ako dahil sa tatlong araw na hindi ako nakakain o nakakainom ng maayos.

Tinanggal niya ang gapos sa kamay ko pero ang mga mata niya ay mariing nakatingin saakin tila nagsasabing 'huwag ako tatakas'.

Inilapag niya sa mga hita ko ang Styrofoam. "Pagkain yan. Kumain ka. " sabi niya. " at wag mong susubukang tumakas saakin dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo. "Nagbabantang dagdag niya.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya bago binuksan ang pagkaing ibinigay niya saakin. Naisip ko na tama siya, kung di ako kakain ay mamamatay ako dito kailangan kong makatakas o manatiling buhay hanggang sa mahanap ako nila daddy at maligtas.

Nang matapos akong kumain ay sakto namang kadarating lang ni Anton may mga kasama itong naglalakihang mga lalaki, bouncer ata ang mga 'to sa laki ng pangangatawan pero mas bagay ang salitang 'goons' kung idedescribe sila. Mga mahahaba ang buhok na nakatali at mga nakasuot ng blazer na itim at may mga tattoo, ang iba may hikaw sa ilong, sa tenga mga typical na mga masasamang taong napapanuod sa tv.

"Any minute nandito na sila. " kausap ni Anton kay Santi.

"Mabuti naman." Nakangising tugon ni Santi sa kausap niya.

"Kayo... " tukoy ni Anton sa mga goons. "Magbantay kayo. Siguraduhin niyong hindi tayo maiisahan! Sayang ang perang ibinayad ko sainyo!"

Tumango ang lahat at sabay-sabay na nagsabi ng "Yes boss!" At umalis na nga kagaya ng utos ni Anton.

"Anong plano mo sa babaeng yan?"usisa ni Anton.

"She'll come with me. "Siguradong sagot ni Santi.

"Paano kung hindi sumama?"

Hindi sumagot doon si Santi kaya naman napangisi si Anton.

"If you want ako na ang bahala sakanya. Papatayin ko na lang siya tutal tapos na ang parte niya dito. She just need her para magantihan si Cupid. "

"She already knew us. She could be a strong evidence against us. "

"Mind your own business, Anton. Hindi mo problema s Eira. " mariing sabi ni Santi dito.
Hindi na sumagot pa si Anton sa halip tinawag niya ang isang tauhan niya na nagbabantay sa gilid.

"Ilagay mo na yan doon!" Utos nito. Tumalima agad ang lalaki at inalis ang pagkakagapos ng paa ko at puwersahang pinatayo pagkatapos ay pakaladkad na dinala sa kung saan. Sinubukan kong tumakas pero dahil sa nanghihinang tuhod ay nadapa ako at nahuli niya ulit.

The Bad Boy CupidWhere stories live. Discover now