Prolouge

13.9K 253 11
                                    


Someone's PoV

A nerd caught my attention. Wala naman talaga dapat akong pake sa kanya, kaso napansin kong sa eskenita siya dumaan, sinundan ko siya dahil madaming loko-loko doon at mukhang mahina siya. Hindi naman ako ganoon kasama para hayaang malagay sa kapahamakan ang kapwa ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, nilapitan siya ng mga loko. Ma-ingat akong lumipat malapit sa may pwesto nila, nag-tago ako sa likod ng mga bakal at nakinig sa usapan nila.

"Pare, mapapagtiisan naman ito! Takpan na lang ang ulo!" Sabi ng isang lalaki sa kasama niya, ngunit wala akong narinig na tugon ng babae.

"Sige na, pare! Dalhin na natin siya sa heaven, mukhang hindi naman manlalaban 'to e. Mahina!" Sabi pa ng isang lalaki, mukhang hindi nakakapagsalita yung nerd ah?

"Talagang wala kang isasagot, panget?" Narinig ko pang sabi nung naunang lalaki.

Lalabas na sana ako ng pinagtataguan ko nang bigla akong nakarinig ng nakakakilabot na boses.

"Tss. Tabi." Yun lang?! Hind man lang siya sisigaw para humingi ng tulong? Or hindi man lang siya tatakbo at magsisisigaw?

"Aba, matapang ka pala! Tignan natin kung manlaban ka pa sa kama!" Nagtawanan ang mga lalaki.

"Ang sabi ko tabi, kundi pagsisisihan niyo." Nangilabot ulit ako sa coldness ng boses niya.

"Wala kaming pagsisisihan, hindi mo kami kaya tsaka sumama ka na lang sa amin para hindi ka na masaktan, kung virgin ka pa, sa una lang masakit!" Malibog ang hayop na yun ah, ano kayang gagawin nung nerd?

"Hoy, bumalik ka dito!" Naguluhan ako sa nangyayari, tumakbo na ba yung nerd?

"Kapag hindi mo ako binitawan, katapusan mo na." Natahimik bigla ang mga lalaki.

"Pare, nagtatapang-tapangan lang yan." Nagtawan sila ngunit pagkatapos noon ay wala na akong narinig.

Nagtataka ako sa nangyayari, diba dapat irerescue ko na yung nerd? Pero wala na akong marinig na ingay, sumama na siguro yung nerd?

"Lumabas ka na diyan, alam kong ngalay ka na kakatago diyan." Nanlaki ang mata ko sa narinig, is she referring to me?! Bakit niya alam?

Tumayo na ako dahil alam na naman niyang nandito ako, wala akong nakitang kahit anino niya. Nasaan na siya?

Ang tanging umagaw lamang ng atensyon ko ay ang dalawang lalaking nakahiga sa sahig, mulat ang dalawang mata at duguan. Oh fvck!



Is she a silent killer?!










Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story contains profanities and themes that are not suitable for readers below 16! Read at your own risk.

Grammatical errors and typos ahead!

Onfire Academy: The School of BadassesWhere stories live. Discover now