11 | Catastrophe

2.6K 91 5
                                    



Astrid's PoV

Pinayagan na ako ni Scarlett na pumasok, sinundo na din niya ako para mabantayan ako dahil alam niya kung gaano kalala yung nangyari sa akin.

Habang naglalakad kami sa hallway ay pinagtitinginan kami ng mga kapwa namin estudyante, or I must pinagtitinginan ako dahil sa itsura ko.

Nang makarating kami sa classroom ay gulat nilang mukha ang bumungad sa amin. Ang ineexpect siguro nila ay patay na ako?

Agad naman silang nagbulung-bulungan, tapos umupo na kami ni Scarlett sa gusto naming pwesto. Sinabihan ko na din si Scarlett na wag na akong i-tour dahil saulo ko na yung mga lugar dahil sa mapa, magiging familiar din naman sa akin ang mga lugar kapag nasanay ako.

Habang naghihintay akong magsimula ang klase ay biglang may lumapit sa akin na tatlong babae.

"How come you are still buhay?" Maarteng tanong nung nasa gitna.

Hindi ko sila pinansin at tumingin na lamang sa ibang direksyon.

"Hey! I'm talking to you pa!" Medyo sinipa pa niya yung upuan ko.

"Rea, wala siyang ginagawa sayo. Bumalik ka na lang sa upuan mo." Biglang singit ni Scarlett.

Nag-alala ako bigla sa kanya, baka kasi siya yung pag-initan e. But hey, si Rea pala yung nasa harapan ko ngayon, nagpipigil lang ako dahil baka masapak ko yan!

"Ikaw, Scarlett, wag kang makialam or else everyone will know your secret!" Mataray na sabi niya kay Scarlett na katabi ko kaya natahimik siya bigla, napatingin naman ako sa kanya. Sinenyasan ko siyang wag na lang kaming pansinin.

Pero nagtataka ako, ano kayang sikreto yon?

"Gosh, you guys are bagay talaga na maging friends, iw!" Dagdag pa ni Rea tsaka maarteng lumakad palayo. Ano namang role nung dalawa? Taga-echos lang? Tch.

"Astrid, wag mo na lang pansinin si Rea ha. Matapang yan kasi boyfriend niya yung leader ng BP." Bulong sa akin ni Scarlett tapos nagsimula na ang klase namin.

Kaya pala ganon maka-asta yon, may kapit. Hmm, great.




Lunch break na kaya dumiretso kami ni Scarlett sa cafeteria, nang makabili kami ng pagkain namin ay umupo na kaagad kami. Mabuti na lamang at kaunti lang ang estudyante dito.

"Oo nga pala, Astrid. May PE class tayo bukas, need mo ng code name or nickname. Required daw talaga yon, kaya kailangan mong umisip na agad ngayon." Napaisip naman agad ako sa sinabi niya.

"Anong sayo, Scarlett?" Inabangan ko siyang sumagot.

Comfortable na akong makipag-usap kay Scarlett, sobrang bait niya kasi sa akin. Parang gusto ko ngang ipakilala sa kanya ang tunay na ako e.

"Vixen. It means female fox." Naka-ngiting sagot niya tapos kumain na ulit siya.

Dahil wala pa naman akong maisip kaagad ay kumain na lamang din ako. Napa-lingon kami nang biglang magtilian ang mga babae.

Papasok palang sa entrance ng cafeteria ay nagkakagulo na sila sa mga upuan nila ang Black Phantom. May ilan pang tumayo para mas makalapit sa kanila.

Onfire Academy: The School of BadassesWhere stories live. Discover now