33 | Death

1.3K 58 0
                                    



Krystal's PoV

Ngayon ay papunta kami sa isang hotel na kakabili lang daw ni Lolo para doon mag-stay ang tatlo. Sa helipad daw ng hotel na iyon ay susunduin kami chopper at ihahatid kami private airport na kakabili lang din ni Lolo.

Geez, is he that rich?

Medyo malayo ang byahe kaya pinagmasdan ko muna ang paligid.

"Hay, sayang, hindi ako kilala ng kapatid ko. Naisama ko sana siya dito kapag pwede na." Napalingon ako kay Raven na nasa gilid ko lamang at nagda-drive ngayon.

"May kapatid ka pala?" Takang tanong ko.

"Ah, oo. Naiwan sa Pinas tsaka sanggol palang siya ay kinuha na ako ni Boss para magtrabaho sa kanya." Malungkot siyang ngumiti.

"Nakita na namin ni RJ yon sa picture! Grabe, ang ganda! Kaso may bro code kaming tatlo." Biglang singit ni Rafael na nakaupo sa likod kasama si RJ.

"Ano naman yun?" I raised my brows dahil iniisip ko kung ano yung bro code.

"Yun yung mga rules naming tatlo, pinaganda lamang namin yung tawag. Pwede naman yon sa kahit sinong magkakaibigan." Paliwanag ni RJ.

"Ang bro code namin ay bawal—" Naputol ang pagsasalita ni Rafael nang makarinig kami na pagsabog.

Muntik naman ako mapasubsob sa dashboard nang biglang ipreno ni Raven ang sasakyan.

"Anong nangyari?" Tanong ni Rafael na mukhang napasubsob sa upuan na nasa harap niya.

Walang sumagot sa kanya, naramdaman ko na lamang na paatras na ang pag-andar ng sasakyan. Nang makabawi ako sa gulat ay nilingon ko ang unahan ay nakita ang malaking usok mula sa ilalim kalsada. Nang igala ko ang paningin ko ay nakita ko ang mga nagkakagulong mga tao.

"Shit, mukhang nahanap ka kaagad nung lalaki ah." Seryosong sabi ni Raven habang nakatingin sa likod upang tignan kung may masasagasaan ba siya habang inaatras niya ang sasakyan.

Nang makakita siya nang pwedeng paglikuan ay agad niyang pinuntahan ito. Nagulat naman ako nang may lumitaw na kung ano sa windshield ng sasakyan.

"Hi, I'm Miranda, what can I do for you today?" Rinig kong sabi ng isang babae mula sa salamin pero wala naman akong makitang babae, tanging kung ano-anong numbers at words lang. I think Miranda is a program and it's so cool!

"Wow." Tanging nasabi ko na lamang kahit na nagkakagulo ang paligid. Hindi ko maiwasan, ngayon lang ako nakakita ng ganito!

"Miranda, scan the place around 5km radius! If you find nothing, make it 10!" Rinig kong sabi ni Rafael at alam kong para iyon kay Miranda!

Matapos iyon at nakarinig ako ng kasa ng mga baril. Nilingon ko si RJ na seryosong naglalagay ng mga bala sa isang mahabang baril, Armalite M15.

Binuksan ko ang dashboard at nagbabaka-sakaling may baril dito o kahit kutsilyo man lang. Ayokong maging pabigat sa kanila dahil kayang-kaya ko namang lumaban para protektahan ang sarili ko. I am not an heiress for nothing.

"Enemy detected, approaching your area." Rinig ko muling sabi ni Miranda.

Inapakan ni Raven ang gas ng sasakyan para mas bumilis ang takbo ng aming sasakyan.

"Miranda, find a safe route." Utos naman ni Raven habang naka-focus sa pagmamaneho.

"Fvck, Raven. May nakasunod sa likod natin." Sigaw ni Rafael. Gamit naman ang isang kamay ni Raven ay inayos niya ang rear-view mirror para mas makita ang likod na parte ng sasakyan.

Onfire Academy: The School of BadassesWhere stories live. Discover now