25 | Visitor

2K 78 1
                                    





Krystal's PoV

Walang pag-aalinlangan akong pinaandar nang napakabilis ang motor ko. I need to get there as soon as possible dahil tumakas lang ako.

Alam kong hindi nila ako papayagan kung sakaling nagpaalam ako.

Mabuti na lamang at naging mabilis ang pagmamaneho ko, at nakarating agad ako sa school namin dati. Bumungad sa akin ang napaka-gulong paligid. May mga yellow tape pa na naka-sabit sa kung saan-saan, senyales na huwag nang pumasok.

Ang dating napakaganda at napakalaking school ay tila magiging abo na kung mas madami ang pagsabog na nangyari.

"Ineng? Anong ginagawa mo rito?" Napalingon ako sa nagsalita. Isang matandang iika-ika ang naglalakad papalapit sa akin. Tinitigan ko lamang siya.

"Napaka-delikado dito, Ineng. Wala ka pang kasama."

"Ano ho bang nangyari dito?" I asked like I've never been here before and didn't know what happened.

"Ang eskwelahan na ito kasi ay para sa mayayaman at mga may kapangyarihan lamang. Madalas kaming mapadaan dito noon, ginusto ng mga anak kong mag-aral diyan e. Sayang lang hindi man lang nila naranasan dahil sa hirap ng buhay namin. Diyan lamang kami nakatira, sa may baryo banda diyan. Panimula niya. Tapos may direksyon siyang tinuro.

Hindi ba nila alam na nakakamatay tumira at mag-aral sa loob niyan? Yeah, it looks good on the outside pero it's hell from the inside!

"Isang gabi, nagising na lamang kami dahil sa yanig ng lupa tsaka mga pagsabog. Kinaumagahan, ito ang bumungad sa amin." He continued.

Inilipat ko ang tingin ko sa dati naming school.

"Alam niyo ho ba kung sino ang may gawa nito?" Umaasa ako na sana ay may makuha akong impormasyon.

"Ngayon lang ito nangyari, ineng. Kaya walang may alam na kahit sino. Tsaka alam mo ba, ang mga anak ko kapag dumadaan daw dito, nakakarinig sila ng mga boses na humihingi ng tulong at mga nagbabalak maghiganti." Tumayo ang balahibo ko sa sinabi niya.

Hindi ako naniniwala sa multo pero it's possible too.

Magtatanong pa sana ako nang makarinig ako ng marahas na pagliko ng mga kotse. Alam na nila kaagad?

"Krystal!"

"Cel!"

Pa-irap ko silang hinarap pero bago pa man sila makalapit sa akin ay agad akong tumakbo upang tawidin ang mga yellow tapes at ibang mga bakal na nakaharang. Inakyat ko ang ilang pader para makapasok dahil naka-kadena na ang gate kahit sira-sira na ito.

"What the heck, Krystal?!" Narinig ko pa ang boses ni Chaos bago ako makatalon pababa.

"Cel! It's dangerous there!" Sigaw naman ni Kuya.

Mabuti na lamang at safe ang natalunan ko!

Maalikabok ang paligid at mausok. Agad naman akong kinilabutan dahil dito.

Dahan-dahan akong naglakad para makaiwas sa disgrasya. Nanlaki ang mga mata nang marealize kung gaano pa kadami ang mga bangkay na narito, ilang araw na ang nakalipas pero nandito pa rin sila?!

Hahakbang pa sana ako ulit nang may biglang humablot ng kamay ko. Dahil sa gulat ay marahas akong napalayo kaya nabitawan niya ako.

I fell! Damn it!

"Krystal naman! Alam mo ba kung gaano kadelikado yung ginawa mo? Pagtakas mo palang delikado na! May nagtatangka sa buhay mo! Alam mo yon!" Paglilitanya ni Chaos habang tinutulungan akong makatayo.

Onfire Academy: The School of BadassesWhere stories live. Discover now