4 | Stubborn

4.6K 140 1
                                    

Cianna's POV

Second subject na namin pero wala pa din si Riela. Wala pa naman akong number niya para matawagan or ma-text ko siya, kasi nag-quiz kami sa first subject namin. Terror pa naman yung lecturer namin sa first subject namin.

Malapit nang matapos ang second subject namin nang biglang may pumasok na apat na lalaki, gwapo silang lahat pero pinaka-gwapo yung mukhang bad boy na seryoso lang.

"Nasaan si Riela?" Nakangiting tanong nung isang lalaki, matangkad, maputi, tsaka mukha siyang artista. Kumindat pa ito kaya kinilig ang ibang girls. Lahat naman ata sila ay bad boy pero yung isa intimidating talaga e.

Walang sumagot ni isa sa amin, pati lecturer namin ay nagtataka.

"Wala pa si Riela, hindi ko din siya ma-contact kasi wala akong number niya. Anong kailangan niyo sa kanya?" Matapang kong sabi, everyone gasped except for that four boys.

"Kaming tatlo, walang kailangan dun, pero si—" Hindi natuloy yung sasabihin nung gwapong chinito dahil binatukan siya nung nagtanong kanina.

"Tara na, wala tayong mapapala dito." Palabas na sana sila nang biglang pumasok si Riela. Magulo ang buhok, at pawisan. Medyo punit-punit din ang damit niya. Anong nangyari dito?

Nagulat si Riela nang makita ang apat. Ganun din yung apat na lalaki. Lahat naman kami ay nagulat pero iba yung gulat nilang lima!

"RIELA!" Nagulat kami nung biglang niyakap nung tatlo si Riela. Yung isa naman nakatitig lang kay Riela na masayang nakayakap sa tatlo. Group hug kumbaga.

Kung nakikita ko lang ang mata nung lalaki, mababasa ko nasa isip niya. Hmm?

Riela's POV

Grabe! Nakakapagod yung nangyari!

Late na ako sa klase namin, tapos ganto pa itsura ko, pero bahala na nga!

Pagdating ko sa classroom namin tahimik naman e, sinubukan ko muna kung maayos ko pa ang itsura ko pero natigilan ako sa narinig ko.

"Tara na, wala tayong mapapala dito." Pamilyar yung boses ng nagsasalita! Dahil sa curiousity ko pumasok na ako at nakita ko ang apat na ugok!

Mukhang palabas na sila tapos nang makita nila ako, nabigla din sila.

"RIELA!" Tapos niyakap nila akong tatlo. Niyakap ko din naman sila. Ngayon lang sila nagpakita kaya miss ko na 'tong nga ugok na 'to!

Tapos nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Zyrone palayo sa room. Sumunod naman agad yung tatlong ugok. Hindi nila mapigilan si Zyrone kasi alam nila ang mangyayari sa kanila.

"Teka, Zy! Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko habang sinusubukan kong sumabay sa kanya kasi masakit yung pagkakahawak niya sa akin.

"Zy, wait lang!" Inis kong sabi sa kanya at pinilit kong binawi ang kamay ko. Buti na lang at hindi pumalag 'to.

"What happened to you?" Seryosong tanong nito. Napatingin ako sa mga mata niya, nakita ko ang pag-aalala na pinipilit niyang tinatago.

"Wala, pinagkaguluhan lang." Sabi ko, which is true naman.

"Are you fvcking sure?" Tinaasan pa ako nito ng kilay.

Inirapan ko lang si Zy, alam na niya na yun yung confirmation ko.

"Fix yourself." Napatingin naman ako kung nasaan kami, nasa locker room pala. Pero bakit alam niyang nandito sa bandang 'to ang locker ko?

"Paano yung second subject ko?" Inis kong tanong dito.

"You are going to transfer, no need to worry." HA? Anong transfer ang sinasabi niyo?

"No, Zyrone, I'll stay." Sabi ko sabay punta sa locker ko. Kukuha ako ng pampalit tapos aayusin ko sarili ko. Nilagay ko muna ang bag ko sa loob ng locker ko.

Zyrone's POV

"Boss, anong sabi ni Riela?" Tanong ni Kyle.

"Stay." Tipid kong sagot. Alam naman nila na hindi ako nagsasalita masyado unless yun ang kaharap ko e.

"Hindi ako sanay sa Riela, can we just call her using her real name?" Tanong naman ni Blaine.

"Nope, baka mabuking siya." Si Seb na ang sumagot. Andito kami sa labas ng CR kung saan nagtungo si Riela.

Mahigit isang oras na siyang nasa loob pero hindi pa din siya lumalabas. What the fvck is she doing there?

Hindi na ako nakapagpigil, pinasok ko na. Nagulat ako ng nandoon lang yung sirang uniform niya.

Sh*t! Did she just escape?! Damn, stubborn lady!


Cianna's POV

Tapos na ang klase, break time na pero hindi ko na makita sina Riela. Nasaan ba kasi siya? Pati yung mga kasama niya?

Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ay napadaan ako sa isang mataas na puno. May narinig ako nag-uusap doon, masamang mag-eavesdrop pero sabi ng instinct ko, dapat kong marinig yon.

"Sayang, pre. Natakasan tayo."

"Jackpot na, pre. Sobrang ganda!"

"Abangan ulit natin siya bukas."

"Ano nga ba ulit pangalan no?"

"Rizza? Riley? Ah! Riela!"

Shit! Anong ginawa nila kay Riela?!

Riela's POV

Wieee! Successfully escaped. Dumaan ako sa maliit na bintana ng girls' room tapos nagpunta sa private na parking lot ko para kunin ang favorite na baby ko. Tapos nagdrive ba ako pauwi.

Iniisip ko yung sinabi ni Zy kanina! Bakit alam niya pati yung transfer thingy na yun?

Uuwi ako para tanungin si Dad! Hindi ko alam kung kilala niya ang mga gang mates ko pero... ah, basta! I'm on my way home!

Bigla naman akong napa-preno nang tumigil ang tatlong itim na kotse sa unahan ko. Aatras sana ako nang makita kong may tatlo ding kotseng itim ang nasa likudan ko. Don't tell me sina Zy ito? Pero hindi e, parang may mali!

Sht, what to do?!


~~~~~

Onfire Academy: The School of BadassesWhere stories live. Discover now