26 | Rein

1.9K 79 3
                                    



Chaos' PoV

"Halina kayo sa baba, mag-dinner muna tayo." Aya sa amin ni Mom.

"Siya nga pala, Chaos, dumalaw dito ang parents mo." Ngumiti siya sa akin bago sinarado ang pintuan.

"Krystal, kaya mo na bang bumaba?" Tinapunan ko siya ng tingin.

"Mukha ba akong baldado?" Umirap siya tsaka marahas tumayo at naglakad papunta sa kanyang pintuan.

I don't know why she's so mad at me.

Nang makarating kami sa dining room ay kami na lang ang hinihintay. Nandoon na din ang parents ko.

"Anak! Pasensya na, ngayon lang kami nakadalaw!" Sabi ni Mommy pagkalapit sa akin tsaka ako niyakap. "My lovely daughter-in-law!" She went to Krystal and gave her a hug. Mukhang hindi alam ni Krystal ang gagawin kaya niyakap na lang din niya in an awkward way.

Si Daddy naman ay nakatingin lamang sa amin.

"Dad." I gave him a nod.

"Sige na, maupo na kayo at kumain."

Dahil ngayon lang nakabisita sina Mommy dahil sa business namin ay kinailangan pa naming ikwento sa kanila ang mga nangyari habang nakain. Ang ilan ay tahimik lamang na nakikinig at kumakain.

"By the way, Dark, have you finished the sketch?" Baling ko kay Dark.

"Konting details na lang, tapos na." Maikli niyang sagot.

Nagpatuloy na ako sa pagkain.

Sa harap ko naman ay kita ko ang gang mate ni Krystal. Nakatitig siya rito kaya napalingon din ako kay Krystal. Naka-titig din siya sa lalaki. Tumikhim ako para agawin ang atensyon nila.

"Krystal, are you okay?" She just nodded. Nakatingin pa din siya sa lalaki.

"Excuse me, comfort room lang." Biglang paalam ni Krystal tsaka tumayo.

Ilang saglit pa ay biglang nagring ang phone ng lalaki.

"Excuse me, I'll just take this call." Naglakad siya papunta sa direksyon na pinuntahan ni Krystal.

Padabog kong binitawan ang kutsara at tinidor kaya napatingin sila sa akin.







"Chaos, chill!" Natatawang sabi ni Amazon.

"Baka mabutas 'yang punching bag." Nagtawanan ang iba.

"Mukha mo butasin ko?" Mayabang kong tanong kaya natahimik sila.

"Mag-seryoso nga kayo sa training!" Natatawang sigaw ni Storm. Nagpatuloy na sila sa ginagawa nilang training.

"Bakit ba hindi mo sinundan si Krystal kanina?" Chismoso din pala 'tong si Rage.

"Galit siya sa akin, hindi ko alam kung bakit. Baka madagdagan kung sumunod ako." Patuloy lamang ako sa pagsuntok at sinadya kong sikmuraan si Rage.

"What the fvck, bro?!" Angal niya nang matumba siya.

"Tss."

"Chaos! Tapos ko na ang sketch!" Masayang sabi ni Dark na matagal nanahimik sa isang sulok.

"Lahat ng detalye na sinabi sa akin ni Krystal, nandito na!" Inabot niya sa akin ang sketch pad.

Onfire Academy: The School of BadassesWhere stories live. Discover now