5 | Little Buddy

4.4K 145 2
                                    




Riela's POV

Ano bang meron? Gangster lang ako pero bakit ganito? May balak bang maghiganti sa pamamagitan nito? As far as I remember, hindi pa ulit ako napapasali sa gang fights simula ng umuwi dito sa Pinas ang apat na ugok, two weeks ago.. Ayaw akong payagan nina Zy! Nanonood lang ako palagi. Psh.

Lalo akong kinabahan nang nagsilabasan ang men in black. May dala silang mga armas at papalapit na sila sa akin! What to do?

Sht, kinakabahan na ako nang sobra!

Ramdam kong namutla ako nang itututok nila sa kotse ko ang mga baril nila. No way! Not my baby!

May isa namang nakaitim na lalaki ang kumatok sa bintana ng kotse ko. Pinag-isipan ko kung ibaba ko ba o hindi e, pero paulit-ulit siyang kumatok! Dahil nainis na ako, binuksan ko na pero medyo maliit lang yung space.

"What do you want?" Mataray kong tanong. Nakataas pa ang isang kilay ko. Hindi ko dapat ipakita na mahina ako kahit na takot naman talaga ako!

"Baba." Aba! Demanding! Pinagsaraduhan ko siya ng bintana. Nagulat naman ako ng mas lalong lumapit yung ibang men in black tapos ikinasa nila yung mga baril nila habang nakatutok sa kotse ko, sht!

Nakaisip ako ng paraan para makahingi ng tulong, hinanap ko ang cellphone ko sa bag ko. Hindi naman nila makikita kasi tinted naman yung mga bintana ng kotse ko. Pati nga windshield e.

Wtf! Wala sa bag ko yung cellphone ko! Kailangan kong makahingi ng tulong agad dahil kanina pa katok nang katok yung lalaki.

Chineck ko sa bulsa ko kung nandoon pero wala! Baka nahulog nung pinagkaguluhan ako ng mga gago kanina.

Binaba ko ulit yung bintana katulad nang kanina.

"Miss, baba. Kailangan mong sumama sa amin. Wag mo nang subukang humingi ng tulong." Seryosong sabi niya.

"SAAN NIYO NA NAMAN AKO DADALHIN? Tauhan ba kayo ng papa ko? Or nina Zy?" Matapang kong tanong sa lalaking nakasilip sa bintana.

Biglang may bumaril sa mga gulong ko sa harapan. Parang may biglang nabuhay sa loob-loob ko.

Hindi na ako nakapagtimpi, binuksan ko nang mas malaki yung bintana ko.

"If this is a kidnap for ransom, I am willing to give you the amount you want. Just let me fvcking go." Malamig kong sabi.

"Kailangan kang makita ni Boss." Sabi nung lalaking kumatok sa bintana ko kanina, nasa harapan ko siya ngayon. Palihim kong binilang ang mga ito. I can fight naman, pero may armas sila tapos mahigit labing-lima sila.

"Sino ba kasi ang boss niyo? Kung kilala ko naman, willing akong sasama." Sagot ko sa lalaki pagkatapos ay isinarado ko na ulit ang binatana ko. Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Binasag niya yung salamin ng baby ko gamit ang isang malaking bato! Ginagalit talaga ako ng gagong 'to! Saan galing yung bato? Ready'ng ready sila ah!

Naramdaman ko ang mga bubog na nahulog sa katawan ko, sinusubukan kong alisin ang mga ito nang maramdaman ko ang isang malamig na bagay. Nakatutok sa sentido ko ang baril niya.

"Sasama ka ba o dito ka na mamamatay?" Mayabang na sabi nito. I think I don't have a choice. Mukhang kayang-kaya nilang pumatay ng tao e, samantalang nakakalaban ako pero hindi ko kayang pumatay.

Sana makarating agad 'to kina Mommy, at sana maayos agad ang baby ko este ang desisyon ko.

Dahan-dahan akong bumaba ng kotse ko, hindi ko nakakaramdam ng kaba ngayon, inis lang. I have this feeling na gusto kong manakit. Nakaabang naman yung lalaki sa akin hanggang sa makalabas ako nang tuluyan.

"Taas ang kamay!" Sigaw ng isang kasama niya.

Nadagdagan nito ang inis ko.

"Hoy! Manahimik ka diyan!" Inirapan ko pa ito. Attitude ka, sis?

Hindi naman sila makapaniwala na nakasagot pa ako. Tinutukan nila ako lalo ng mga baril nila.

May naiisip akong napakadelikadong kalokohan e, gusto ko kasi talagang manakit.

"Bakit mo binasag ang salamin ko?" Cold na tanong ko sa lalaking kaharap ko kanina. Nagulat naman siya sa pagbabago ng mood ko.

"Kasi ayaw mong luma—!" Hindi ko na siya pinatapos, sinipa ko ang baril niya palayo dahilan upang maging mas naging maalerto ang mga kasama niya.

"Sht." Rinig kong sabi ng nasa gilid ko.

Tumingin ako sa nagsalitang yon at nginisian ko siya.

Binigyan ko naman ng isang malakas na sapak ang panga ng bumasag ng salamin ng baby ko, ang isang malakas din sa kabilang panga niya. Binigyan ko naman ng malakas na tadyak ang little buddy niya.

Binasag niya ang salamin ng baby ko, kaya binasag ko little buddy niya. Now, quits na kami.

He groaned in pain. At namimilipit din siya, kulang na lamang ay humiga sa kalsada. Infairness, ang tibay niya kasi after ng dalawang sapak ay nakatayo pa din siya.

"Miss, sumama ka na sa amin bago ka namin gamitan ng dahas!" Sabi ulit nung isa pa nilang kasama.

"Damn you! Aw! Sht!" Pilit na salita nitong gagong nasa harapan ko. Unti-unti siyang napaluhod sa kalsada.

"Dapat lang yan sayo! Basagan pala ang gusto mo e!" Maangas na sabi ko.

Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko at inilagay ito sa likod ng ulo ko.

Zy's POV

Saan naman kaya nagpunta ang babaeng yon? Siguro umuwi na?

I decided to go to their house. Hindi ako kilala ng parents niya pero magpapakilala ako as a friend!

As a friend? Ulol!

What the fck? Ano yon? Bakit may kumokontra? Aish! Ang bakla naman.

Habang tinatahak ko ang daan ay napatigil ako ng makita ko ang koste ni Ven na nakatigil sa gitna ng kalsada, mabuti na lamang at walang masyadong tao sa parteng ito. Bumaba ako para tignan ang loob nito.

Papalapit pa lamang ay kita ko na ay mga bubog na nahulog sa kalsada pati na din ang isang malaking bato. Sht!

Dali-dali kong sinilip ang loob, walang tao! Wala si Ven dito!

Agad ko ng tinawag si Seb. Mabuti na lamang at sinagot agad nito.

"Seb, inform Blaine and Kyle. Someone kidnapped her." Agad kong pinatay ang tawag, at sinend sa kanya ang location ko.

Ang dami-daming gustong kumuha sa kanya, hindi ko na alam kung sino yung ngayon! Damn, girl, ang dami kong kaagaw sayo!

Onfire Academy: The School of BadassesWhere stories live. Discover now