Chapter One

686 25 13
                                    


"Excuse me... excuse me... excuse me!" Dali-daling naglalakad si Victoria sa pathway papunta sa offices sa loob ng Hacienda Canilao. Ang totoo, late na siya sa trabaho niya. At kung kailan naman siya nagmamadali, saka naman ang dami ng taong naglalakad din kasabay niya. Halos di siya makasingit kaya kailangan niyang gumawa ng paraan.

"Paraanin n'yo ako, or else... wala kayong suweldo bukas!" Siya kasi ang nagha-handle ng payroll ng buong Hacienda. She was working as an Accounting Manager of Canilao Corporation at ang main office nila ay nasa loob ng compound ng Hacienda Canilao.

Mabilis pa sa alas-kwatrong nahawi ang mga tao sa pathway at lahat ay napahinto at napatingin sa kanya. "Thank you guys, I love you all," pa-cute na sambit niya at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

Halos takbuhin na niya ang pathway, dangan nga lamang at naka-high heels siya at nakapalda. Dyahe naman kasi sa kagandahan niyang punung-puno ng effort kapag tumakbo siya. But then, she didn't want to be late. Iniiwasan kasi niyang maging laman ng tsismis. Iyon kasi ang prime hobby ng mga ka-trabaho niya—ang gawin siyang headline ng chismisan pag nale-late siya sa trabaho.

Sinipat niya ang kanyang relo. Homaygulay! Late na talaga ako! Sampung minuto na siyang late. Bihadong may nakahanda nang bulung-bulungan ang mga echoserang frog niyang ka-opisina. Dahil sa pagmamadali, hindi niya namalayang may kasalubong pala siyang nagmamadali rin. Nagulat na lang siya at napangiwi nang mapabunggo sa bato este tao. Shoot siya sa pavement sa sobrang lakas ng impact.

Awww! Agad niyang nasapo ang kanang balikat dahil sa sakit na gumuhit doon. Tatayo na sana siya nang mawalan siya ng balanse. Agad naman siyang naalalayan ng nakabangga niya. Pag minamalas nga naman oo!

"Victoria, I'm sorry. Are you hurt?" That familiar fafable voice!

Bigla niyang binalingan ang nakabangga sa kanya. She was greeted by the most papalicious guy in the world named Coco Nathaniel Canilao. Agad na nagbago ang mood niya. Kung kanina ay gusto niyang pumatay, ngayon naman ay parang gusto niyang mahimatay at magdrama para maka-score naman siya lalo na't kaharap niya ngayon ang kanyang ultimate crush.

Nagtama ang kanilang mga mata. A trace of worry covered his expressive eyes. Hindi nga lang niya alam kung totoo iyon o ilusyunada lang talaga siya. Madalas kasing mangyari ang huli kapag nakikita niya si Coco Nat. Homaygulayness! Ang gwapo talaga ng mata mo! Natulala na naman siya nang wala sa oras.

"Victoria?"

Ang ganda pa ng boses mo. Tila gumaganda sa kanyang pandinig ang antigo niyang pangalan sa tuwing ito ang bumabanggit noon.

Marahang hinaplos nito ang kanyang napinsalang balikat. May healing hands ka rin ba, Coco Nat my dear? Ang mga kamay nito sa kanyang medyo nananakit pang balikat ay tila nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Lalo lang tuloy siyang natulala dito at napanganga pa siya.

Coco Nathaniel, often called as Coco Nat, was the younger brother of her Bff, Apple. College pa lang siya ay crush na crush na niya ito dahil sa angkin nitong kagwapuhan.Tandang tanda pa niya noong una niya itong makilala. Third year college pa lang siya noon at bagong lipat sa kanilang campus ang kambal na kapatid ng bff niya. Minsan siyang niyaya ni Apple na manood ng basketball game kung saan player ang kambal—si Philip Nathaniel at Coco Nathaniel. Agad siyang naakit ng sweet smile ni Coco Nat nang ipinakilala ito sa kanya ng kaibigan niya. From that day on, madalas na niya itong tinatanaw mula sa malayo. Sa katunayan, nagpapaka-stalker na nga siya masiguro lang na masisilayan niya ito araw-araw. Si Coco Nat din ang dahilan kung bakit niya agad tinanggap ang alok ng ama ni Apple na magtrabaho sa Hacienda Canilao.

My Dear Coco Nat Love (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt