Chapter Six

169 9 0
                                    


Napalunok ng ilang beses si Victoria habang pinapakalma ang sarili. Ano bang klaseng pag-ibig ito, Victoria? Kailangan ba talagang laslas pulso? Buwis-buhay? Aminado naman siyang kaya siya tuluyang pumayag na sumama doon ay dahil sa 'oplan akitin si Coco Nat' plan niya. Pero ang siste, ngayong kinakabitan na siya ng safety harness ng mga staff, mas mukhang madededo siya. Ang saklap naman ng katapusan ko!

"Vicky—"

"Ay Vicky!" gulat na sambit niya.

Coco Nat held her hands. "Relax, you're shaking.Okay ka lang?"

"Gusto mo ng honest answer? Hindi ako okay. Ang taas niyan, dude! I don't want my cuteness to die!" patawang hirit niya na ikinatawa rin ng mga kasamang investors. Tse! Pagtawanan ba ang kamiserablehan ko?

Coco Nat just gave her a lovable hypnotizing impish smile. "Kasama mo naman ako."

"Kasamang matsugi? Wow dude! Coco, ipapaalala ko lang sa'yo, insured ako ng Canilao Corporation. Mahal ang fuchsia na kabaong! Kaya...ikaw na lang, 'wag mo na akong isama. Kayang-kaya mo na iyan, ang laki mo na oh!"

Tumawa pa lalo ang mga investors nila. Di tuloy niya alam kung ikakatuwa ba niyang nakakalibre ng entertainment ang fear of heights niya o dapat na siyang magdrama at mag-walkout para makatakas sa napipintong kahihiyan slash kamatayan niya.

Niyakap siya ni Coco Nat. Mahigpit na yakap na tila nagsasabing wala siyang dapat ikatakot dahil kasama niya ito. "You'll be safe, okay?" Her heart went crazier again. He moved a bit enough to look straight to her eyes. Hinawi nito ang nakalaylay niyang buhok at inipit iyon sa likod ng kanyang tenga. "I'm here with you. Just trust me."

Waaah, okay na ako sa hug, bakit may titigan blues pa kasi? Ang wafu! Hiwalayan mo na siya, magtanan na tayo! Alanganin man, napatango na lang siya. May tiwala ako kay Coco Nat... Napalingon siya sa mahabang zipline. Pero sa zipline wala.

Yumakap siya kay Coco Nat. Wala na siyang pakialam kung isipin nitong nagte-take advantage na siya. Eh ano ba? Dual purpose 'to! Comfort and flirtending!

"With your boyfriend beside you, you'll be okay, dear," sambit pa ng isa sa clients.

"Okay na po ang harness n'yo, Ma'am," sabat naman ng staff.

"Ako hindi, kaya ipagdasal mo ako, Manong! Pag di mo ginawa, mawawalan ka ng trabaho," hirit niya na as usual, ikinatawa ng lahat. Napakamot na lang sa ulo ang pobreng staff.

Samantala, isinuot na ni Coco Nat ang helmet sa kanyang ulo at tiningnan kung lahat ba ng safety gears at harness niya ay maayos at secured na. "Ready?"

"No!"

Napakamot ito sa batok. "Wag kang titingin sa baba. Diretso lang ang tingin. Wag kang magpa-panic. 'Yong kanang kamay mo ihawak mo nang mabuti sa harness." Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya. "At hahawakan ko naman ng mahigpit ang kaliwa mong kamay." Then he moved closer and kissed her forehead. "Let's go."

She nodded. Wala na siyang nasabi dahil tinalo na ng mabilis na tibok ng puso niya ang kanyang kadaldalan. A staff assisted them to the edge of the ramp. Napatingin siya sa ibaba at muling natakot. Napahigpit ang kapit niya sa harness at ganon din sa kamay ni Coco Nat.

"Wag ka sabing tumingin sa baba. Sa akin ka tumingin." She followed him. "Vicky, I want you to know that..." The zipline adventure started. "...I like you."

My Dear Coco Nat Love (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now