Chapter Four

173 9 0
                                    

"Wait, dadalhin mo ako sa bagong bahay mo?" tanong ni Victoria. Di makapaniwala si Victoria sa nagaganap. Nasa harap sila ngayon ng isang bagong villa. Alam niyang nagpapatayo ng bagong bahay si Coco sa loob ng hacienda pero hindi nito iyon pinapasilip sa kahit kanino.

"Yes. Since you're one of my closest friend since college days, gusto ko na isa ka sa mga unang makakakita nito na fully-furnished na."

"Wow, I'm flattered," kinikilig na sagot niya.

He showed off his sweet smile. "Tara sa loob. I'm sure you'll gonna love the interior."

"Hindi lang interior, pati ikaw love ko," pabulong na sagot niya.

"Ano?" kunot-noong tanong nito. "Di ko narinig."

Pabirong hinampas niya ang balikat nito. "Ay wala, tara na!"

Excited na sumunod siya rito. Magandang landscape garden ang bumungad sa kanya nang pumasok sila sa fenced gate. May wooden swing hammock sa left side na may mini fish pond sa ilalim. (Please rephrase this.) At sa right side naman ay may mga puno at landscaped bermuda grass na ideal para sa picnic or star-gazing moments. She smiled. Bungad pa lang ng bahay, alam na niyang pinaglaanan iyon ng mabusising plano, panahon, at pagmamahal.

Binuksan ni Coco ang main door. "Kung okay lang, Vicky, tingnan mo ng maayos ang bahay. I want to know if you will somehow like the designs and such. I need a female perspective this time."

She nodded. "Sure."

Victoria was more than amazed when she entered the house. Maaliwalas ang interior ng bahay. Simple lang ang design ng walls. Ang ceiling, halatang mabusisi ang pagkakagawa. She set her eyes at the ceiling for a while. "Ang ganda. Simple lang tingnan pero 'pag tinitigan, doon mo mapapansin 'yong inner designs. Halatang pinagbuhusan ng oras, tyaga at puso." Pinansin naman niya ang furnitures. Magaganda at unique din ang designs ng mga iyon. "Even these wooden furnitures. Simple and elegant. Kung sino man ang gumawa nito, I can say that this person really has the passion and a heart."

"Thank you. Very much appreciated," sambit nito.

Victoria surprisedly faced Coco Nat."Ikaw ang gumawa?" He nodded. "Wow, hindi ko alam na may passion ka pala sa woodcraft." Lalo lang niya itong hinangaan dahil mahilig din siya sa handicrafts and woodcrafts.

"Well, hindi lang naman ako. I hired some people. But the designs and concepts, ako ang personal na gumawa. Ayos ba?" tanong nito.

"Superb."

"Sobra naman iyon," pa-humble na sabi nito.

"Seryoso iyon. Walang halong echos. May future ang woodcrafts mo. It can be a potential business."

Umiling ito. "Pambahay lang muna ang fascination ko sa woodcrafts sa ngayon. But you're right. Maybe in the future."

Pumunta si Victoria sa may bintana. Mula roon ay tanaw ang taniman ng pinya wherein the scenic view was regal. "I love this place," sabi niya.

"You do?" gulat na tanong ni Coco.

Binalingan niya ito. "Yes, of course. I find this house lovely. Kung ako lang, titira ako dito ng bongga. This is so ideal. Iyong magkakape ako sa side na ito ng bintana tuwing umaga, unlimited bonding at kwentuhan sa hammock tuwing hapon, star-gazing sa garden naman sa gabi. Tapos kasama ko iyong lifetime partner ko, bubuo kami ng masayang pamilya—" Nagulat siya nang mapansin nakatitig si Coco Nat sa kanya. "Ah, sorry. Bahay mo nga pala ito at hindi sa akin. Na-carried away lang ako. Ang ganda kasi." She smiled.

My Dear Coco Nat Love (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now