Chapter Eight

201 9 0
                                    


Month end. Ito rin ang hectic days ni Victoria bilang isang accountant. She was too busy doing lot of reports aside from checking all the reports done by her staff. Sa ganitong mga sandali niya nakakalimutan si mareng pahinga at pareng pagkain. Alas-syete pa lang ng umaga ay nakaharap na siya sa computer. At kahit tapos na ang business hours, hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatrabaho. Pagwiwi lang ang break niya.

Napa-halleluiah na lang siya nang matapos ang kanyang report. Nire-review na niya iyon nang bigla na lang bumungad sa kanyang harapan ang isang kahon ng pizza. Bukod doon ay isang stemmed rose din nag-hi sa kanya. Binalingan niya ang may pakana noon and she was greeted by the yummiest buko in the world.

Ngumiti si Coco Nat. "Sabi ni Ate Apple hindi ka pa raw kumakain. Masama iyon. Nakakapaghintay naman ang trabaho. Here, kumain ka."

Naiiling na umiwas siya ng tingin para itago ang kilig na nararamdaman. "Coco Nat, ang weird mo."

"Bakit? Dahil dinalhan kita ng pagkain weird na ako?"

"Ang gulo-gulo mo kaya lately." Tinitigan niya ito. Ang loko, nakipagtitigan din sa kanya. "Alam mo, kung hindi ko alam na may girlfriend ka, iisipin kong—"

"Nililigawan kita?" Inunahan siya nito sa dapat sana ay sasabihin niya bago tumawa. "Gutom lang 'yan. Tara, kumain tayo."

Yeah yeah, ang pangarap kong fag-jibig, nalaglag na naman! Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya sa pantry. Walang nagawa si Victoria kundi ang sumunod. Inilapag nito sa mesa ang box ng pizza habang siya naman ang kumuha ng plates. Kumuha na rin siya ng cold water sa mini ref. Pagkatapos noon ay naupo na sila. Matamang tinitigan niya ang binata habang binubuksan nito ang dalang pizza box. Dahil doon ay may napansin siya sa pisngi nito, tila namumula iyon.

"Vicky, sa susunod na malaman kong hindi ka kumakain dahil lang sa work, itatali kita sa puno ng kape. Magkakasakit ka sa ginagawa mo—" Hinaplos niya ang pisngi nito. "Vicky..." Tila nagmamakaawa ito kay Victoria na wag siyang kaawaan. Marahil ay nahalata nitong bigla nag-alala at naawa ang dalaga.

"Anong nangyari?" tanong ni Victoria kahit na may ideya na siya kung bakit namamaga ang pisngi nito.

Ikinuha muna siya nito ng slice ng pizza at iniabot sa kanya bago ito nagkwento. "I visited her and got surprised when I saw another guy in her unit. Matagal ko na ring naririnig na may idine-date siyang iba after niyang makipag-cool off sa akin. Binalewala ko iyon dahil nga ayoko pang mag-give up. But guess what? Still, she was the one who got the nerve to slap my face!Ako pa ang sinisisi niya. Palagi raw kasi akong wala kaya ayon, naghanap siya ng iba. Break na kami. Well on my part, break na talaga kami ngayon. Alam ko naman na para sa kanya matagal na kaming hiwalay. Ako lang ang ayaw pang bumitaw." Umiling ito. "Walang kwentang pag-usapan ang love life ko. Kumain na lang tayo." Then he started eating his slice of pizza.

"Does it hurt?" tanong niya.

Hinawakan nito ang sariling pisngi. "No. A slap will never kill me after all."

"I'm not pertaining to your face. I'm pertaining to your heart."

He sighed. "It was a little damaged, but I'm okay."

"Gusto mong i-repair natin ng konti?"

He suddenly gazed at her. Tila may kung ano itong hindi masabi habang nakatingin sa mukha niya. "Can I ask an awkward question?"

"Go ahead," kibit-balikat na tugon niya sabay kagat sa kinakaing pizza.

"May... gusto ka ba sa akin? Matagal ko nang naririnig sa mga kasama natin dito na may gusto ka raw sa akin. Tell me, meron nga ba?"

My Dear Coco Nat Love (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora