Chapter Five

169 7 0
                                    

Lord, totoo ba talaga ito? As in for real? Live na live? Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ni Victoria habang pinagsasamantalahan este, pinagmamasdan niya si Coco Nat na kasalukuyang nahihimbing. Kasalukuyan na silang nasa eroplano papuntang Davao. Pag-take off ng eroplano ay agad na nakatulog si Coco Nat kaya naman heto si Victoria ngayon, pinagpi-fiestahan ng bonggang-bongga ang binata habang wala itong kamalay-malay sa ginagawa niya. She took lots of photos of him while he was asleep. She even took selfies with her sleeping prince.

Muli niyang pinagmasdan si Coco. Mukhang kulang ito sa tulog at medyo pagod kaya naman sandali lang itong nasandal ay agad nang nakatulog.Sobra na ata ang pagka-workaholic mo, Coco my dear. Kanina nakatulog ka sa sala namin. Tapos ngayon, ang bilis mong nakatulog sa tabi ko.

He replied with snores. And Victoria thought she just heard the sexiest and cutest snore ever. Napangiti siya. "Siguro noong naghasik si Lord ng kagwapuhan, gising na gising ka. Lahat na lang sa'yo cute, pati paghilik mo, cute," bulong niya. Confident naman siyang di siya nito naririnig dahil naghihilik pa nga ito. "Ang buhok mo, ang mga mata mo, ang ilong mo, ang dimples mo at cheek bones mo... lahat talaga cute. Hmmp!" Kung di lang ito magigising ay baka kanina pa niya napisil ang pisngi nito sa sobrang panggigigil.

An idea popped into her mind. Tutal naman ay sleeping soundly pa rin itong si Coco, pagkakataon na niya. "Pa-kiss ako, Coco ha. Isa lang, please?" pabulong na tanong niya.

Natawa pa siya nang hilik ang naging tugon nito sa sinabi niya.Game!She set her eyes to his cheeks kung saan niya ito gustong halikan. She pouted her lips and moved closer to him. Kabado siya, pero as if naman malalaman ni Coco na magnanakaw siya ng halik. Eto na, eto na talaga! Gahibla na lang ang layo ng labi niya sa pisngi nito nang bigla itong maalimpungatan. Pagmulat nito ng mga mata ay caught in the act siya!They were so close to each other enough for her to steal a kiss.

"Vicky?" gulat na tanong nito.

Siyet! Paano ako e-escape? Bigla siyang umarteng kunwari ay napasubsob sa balikat nito. "Coco, ah... ano. Nahihilo kasi ako," pagdadahilan niya habang todo acting para mas convincing. Sana lumusot ka, Victoria!

"Ha?" Tila nahulasan ito ng antok sa sinabi niyang palusot. "Wait." He wrapped his arms around her. Pagkatapos ay inihilig nito sa sariling balikat ang ulo niya.

She felt her heart went crazier now that they were so close to each other.Grabe, mahihimatay ako sa kilig! Pumikit siya para mas feel niya ang tsansing scene at lalong nagsumiksik dito dahilan para masamyo niya ito ng bonggang-bongga. Ang bangu-bango mo, Coco. Hmm!

Natriple pa ang kilig niya nang marahan nitong haplusin ang kanyang ulo. "I'm sorry, Vicky. Sa sobrang pagod ko nakalimutan ko nang asikasuhin ka. Kanina ka pa ba nahihilo?"

"Hindi naman. Okay na ako, Coco. Hindi mo naman obligasyon na alagaan ako. Business trip naman ito at hindi date." At saka, sino bang hindi magiging okay sa tsansing scene na ito? Eng seye keya!

"Still, it's my responsibility to keep you safe. Are you feeling better now?"

"Yeah."

"We still have an hour and twenty minutes. Matulog ka muna para di ka mahilo." Suddenly, a quick kiss landed on her pate.Wait a minute? Hinalikan niya ang precious bunbunan ko?!

Natigilan siya dahilan para hindi na siya makasagot sa sinabi nito. She felt her heart in rhythmic motion. Ganon pala ang feeling ng kiligin nang sagad hanggang sa buto. Parang totoong hihimatayin siya. Hindi siya makahinga ng ayos pero ayaw din niyang bumitaw. Once in a lifetime experience lang ang mayakap ni Coco kaya susulitin na niya.

My Dear Coco Nat Love (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now