Chapter Ten

344 12 0
                                    


Tahimik lamang silang dalawa ni Coco Nat habang naglalakad papalapit sa lugar kung saan naroon si Sophia. Habang naglalakad ay sinesermunan niya ang sarili. Ano ka ba, Victoria? Ganyan ka na ba talaga ka-martyr? 'Wag mo nang ituloy iyan. Tumakbo ka na. Lumayo ka na bago ka pa masaktan ng sobra.

"Vicky—"

"'Wag ka nang magsalita. Wala akong gustong marinig mula sa'yo."

Ipinagpasalamat na lang niya na hindi na ito nagpumilit pa. Itinuro na lang nito kung nasaan si Sophia. Nakita niyang kasalukuyang may ibang nagbibigay dito ng bulaklak. Iba't ibang tao. Hindi niya maiwasang mainggit dito. Nag-effort ng husto si Coco Nat na kumausap ng mga taong magbibigay rito ng bulaklak. At ayos kay Coco Nat, pang-finale daw siya. Mapagbirong tadhana. Pakiramdam ni Victoria ay ipamimigay niya sa ibang babae ang binatang minamahal kahit na hindi naman talaga ito kailanman naging kanya.

She tried her best not to cry. Alam niyang magugulo lang ang sitwasyon kung makikita siya ni Coco Nat na umiiyak. Sa ngayon ay sasarilinin na lang muna niya ang lahat.

She waited for her turn. Parang binibiyak at dinudurog ang puso niya habang humahakbang nang mabibigat papalapit sa babaeng pinili ni Coco Nat. Ang babaeng alam niyang hindi karapat-dapat sa pagmamahal nito. Ang babaeng kinaiinggitan niya dahil dito napunta ang tanging lalaking pinapangarap niya.

Nilingon siya ni Sophia at nginitian. Dahil dito ay parang gusto niya itong sapakin pero pilit niyang pinigilan ang sarili. Parang lalo kasi nitong ipinapamukha sa kanya na talunan siya. Echosera ka! Mas maganda ako sa'yo! Swear!

Iniabot niya rito ang hawak na bulaklak.

"Thank you. Ikaw ba si Victoria?" tanong nito.

"Oo."

Ngumiti pa lalo ito. "Nice meeting you."

I hate you! "Likewise. Sige." Tatalikod na siya nang maalala niyang may sasabihin nga pala siya rito. Binalingan niya uli ito. "Mahal mo ba siya?" Hindi ito sumagot at tiningnan lang siya nito. "Alam mo ba kung gaano ka niya kamahal? Sasabihin ko sa'yo. Mahal ka niya kahit madalas hindi mo siya naiintindihan. Mahal ka niya kahit nasaktan mo na siya. Mahal ka niya kahit hindi mo gustong manatili sa lugar na pinakamamahal niya. Sa kabila ng kahit anong makakasakit sa kanya, ang pagmamahal pa rin niya sa'yo ang inuuna niya."

"Bakit mo sinasabi iyan sa akin?" tanong nito.

"Gusto ko lang malaman mo iyon para makapag-isip ka ng mabuti."

"Mahal mo si Coco Nat?"

"Mahal ko man siya, walang mababago. Ikaw ang pinili niya."

"Here. Ipaglaban mo siya." Nagulat siya nang ibigay nito sa kanya ang mga bulaklak na hawak nito. Ganun-ganon mo lang ipamimigay ang taong pinakamamahal ko?

"Can't you see? Talo na ako." Ibinalik dito ni Victoria ang mga bulaklak. "Mahal ka niya, ako hindi. Isa lang ang hihilingin ko sa'yo. Kung hindi mo naman siya mahal at hindi mo kayang pantayan ang pagmamahal niya sa'yo, 'wag kang sasagot ng oo sa kanya. Masasaktan lang siya at hindi kita mapapatawad kapag nangyari iyon. Kasi ako, minahal ko ang lahat-lahat sa kanya kahit walang kapalit. Kaya kong higitan ang anumang naibigay mo na kay Coco. Nagkataon lang na ikaw ang minahal niya at hindi ako."

Pagkatapos ng mahaba niyang litanya, tumalikod na siya upang hindi nito makita ang pagpatak ng kanyang luha. It was really painful for her. Nakatungong ipinagpatuloy niya ang paglalakad... itinatago ang bawat pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Untilfamiliar arms lovingly embraced her. It was Coco Nat. Ano ba? Nasasaktan na ako eh.

My Dear Coco Nat Love (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon