Chapter Two

227 10 8
                                    


"Ano sa tingin mo? Na-hire siya rito kasi best friend niya ang anak ng may-ari. Tapos ngayon naman, inaakit niya si Sir Coco Nat. Ang taray ng strategy, di ba?"

"Sigurado ka ba diyan? Eh di ba may girlfriend na si Sir Coco?"

"Oo, meron nang girlfriend si Sir Coco. Pero maraming nakakita sa kanila kahapon. Buhat ni Sir Coco si Ma'am Victoria at dinala daw sa clinic si Ma'am. Nagka-muscle strain nga daw, di ba?"

Naniningkit ang mga mata ni Victoria habang caught in the act niya ang kanyang dalawang accounting staff na pinagtsitsismisan siya habang nagkakape sa Kofi Cups and Sweets sa loob ng Hacienda Canilao Resort. Talagang di man lang lumayo ang mga ito ng lugar para magtsismisan. Doon pa talaga sa vicinity ng Hacienda Canilao napili na gawan siya ng issue.

Walang idea ang dalawa na nasa likod lang siya ng mga ito. Hinihintay niya si Apple na kasalukuyang nasa board room at may meeting kasama ang mga kaibigan nitong negosyante rin.

"Baka may affair sila. Malay natin, break na si Sir at 'yong girlfriend niya, tapos si Ma'am Victoria na ang nililigawan niya ngayon. Ang mga lalaki talaga, babaero lalo na 'yong mga gwapo."

"Hindi, feeling ko inaakit lang ni Ma'am Victoria si Sir Coco Nat para sure na sure na di na siya mawawala sa Hacienda Canilao forever. 'Pag nakatuluyan na niya si Sir Coco Nat, reyna na siya ng plantasyon."

Naikuyom ni Victoria ang kanyang kamay sa pagtitimpi. Hindi pa nasiyahan ang mga itong pagtsismisan siya, pati ang pinakamamahal niyang niyog ay idinamay pa.

"Ay sure 'yan."

Sa puntong iyon ay hindi na siya nakapagtimpi, tumayo na siya at nilapitan ang mga ito. "Ako sure ako talaga." Sumingit na siya. Nakita niya kung paano mamutla ang mukha ng dalawa. "Sure akong 'pag tinopak ako, hindi ko na makikita ang pagmumukha n'yo dito sa Hacienda."

"Ah...eh...Ma'am, napapag-usapan lang naman. 'Wag ka namang maging sensitive."

At nangatwiran pa talaga. Pinigilan niya ang sariling magtaas ng kilay pero sa bandang huli ay di na rin niya napigilan. Kusa iyong tumaas sa pagtitimpi niyang buhusan ng nagyeyelong iced coffee ang dalawa. "Kung pag-usapan na lang kaya natin ang pag-hire ng mga bagong accountants sa department natin?"

"Talaga, Ma'am? Magdadagdag na tayo ng staff?"

She grinned. "Hindi, magtatanggal ako at uunahin ko kayo—" Natigilan siya nang biglang may lumitaw na dark mocha frappuccino.

"Easy ka lang, Victoria. Wag mong pag-initan 'yang mga staff mo." The familiar voice came from the same person who offered her a coffee. Napalingon tuloy siya at bumulaga sa kanya si Coco Nat in simple shirt and maong pants. Nakangiti ito sa kanya. Hohemji!She felt her heart skipped a beat.

"Hi, Sir Coco Nat!" korong bati dito ng dalawang staff ni Victoria.

Saglit na nginitian nito ang dalawang staff niya at muling ibinalik ang mga titig sa kanya. Nahigit niya ang hininga nang hawakan nito ang kanyang kamay at inilagay doon ang dark mocha frap.

"Kamusta na ang balikat mo, namamaga pa ba?" Iling lang ang naisagot niya habang napapatulala na lang. Walang napalagpas ang kanyang mga mata sa bawat kibot ng labi nito habang kausap siya. "Sumasakit pa ba?" Iling ulit. She was literally speechless. "Good." She nodded. He smiled. "Why? What's wrong with you?Ah, siguro napagod ka sa trabaho, ano? I'll go ahead. Magsi-uwi na kayo para makapagpahinga."

Ah teka, sandali, magsasalita na ako! Gusto pa niyang ma-sustain ang conversation sa pagitan nila pero wala naman siyang maisip na sabihin. Victoria paalis na siya, tawagin mo! "Sir Coco Nat!"

My Dear Coco Nat Love (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon