Chapter Nine

173 6 0
                                    


"Anak, wala ka bang pasok? Ba't late ka na nggumising?" usisa ng ina ni Victoria.

Walang energy siyang umupo sa usual pwesto niya sa dining table nila. "Wala po, 'Nay."

"Ah siya, kumain ka na. Hapon na."

Tulala, wala sa sarili... malungkot. Iyon ang perfect description ng itsura niya ngayon. At isang tao lang ang dahilan noon... si Coco. Pagkatapos ng birthday ni Coco Nat, tila natapos na rin ang kung anumang inakala niyang meron sila or rather, pinili niyang tapusin ang kung anumang iyon. Siya na ang umiiwas kahit lapit pa rin ng lapit si Coco Nat sa kanya.

"Ay anak, dumaan nga pala dito 'yong boss mo, si Coco Nat. Tinatanong ka niya sa akin, eh sabi ko tulog ka pa. Gigisingin nga sana kita kaso sabi niya 'wag na lang daw. Anak—" Natigilan ang kanyang ina nang balingan siya nito. "Anong nangyayari sa'yo?"

Wala siyang naging reaction sa narinig. Nanatili siyang malungkot at tulala, taliwas noong mga nakaraan buwan na marinig lang niya ang pangalan ni Coco, halos magta-tumbling na siya sa tuwa at excitement.

"Mahirap palang ma-in love tapos unrequited pa, 'Nay. Masakit umasa, masakit kapag nanggising na ang tadhana sa katotohanan.'Nay, paano ko ba siya ia-unlove? Ginawa ko na ang lahat para magustuhan niya ako, mapansin niya ako... makita niya ako. Pero bakit ganon? Sa huli, sa ibang babae pa rin siya tumitingin." Tumulo na ang luha niya. First time niyang ipinagtapat sa ina ang pinagdaraanan dahil hindi na niya kayang kimkimin ang nararamdaman.

Niyakap si Victoria ng nanay niya. "Ikaw naman kasi. Sinabi naman namin sa'yo na 'wag kang masyadong magkagusto sa kanya kasi may kasintahan na iyon. Ikaw naman itong matigas ang ulo at malambot ang puso. Kung hindi ka niya kayang mahalin, huminto ka na. Anak, hindi ka mahirap mahalin. Darating din ang lalaking ikaw naman ang hahabulin. Kailangan mo lang maghintay, okay?"

She poured out her heart to her loving mom. Pero sa kabila ng matibay na suporta sa kanya ng pamilya niya ay hindi pa rin siya maka-recover. Kaya tulad ng mga nakaraang gabi, dinala muli siya ng kanyang mga paa sa lugar kung saan siya madalas maglabas ng sama ng loob.

Inaliw ni Victoria ang sarili sa paglalaro ng tennis.Dito niya ibinubuhos gabi-gabi ang lahat ng frustration niya sa buhay particular na ang tungkol sa kanila ni Coco Nat.

Nang mapagod ay huminto muna siya sa pakikipaglaro sa pader. Umupo siya sa bench at kinuha ang journal niyang kay tagal na niyang pinagtiyagaang i-update sa ngalan ng pagmamahal niya kay Coco. At ngayong na-round two na siya sa pagkabigo rito, nang araw ring iyon ay nagdesisyon na siyang iyon na ang huling araw na magsululat siya sa journal na iyon.

She searched for a blank page and took her pen out of her bag. Sa huling pagkakataon, isinulat niya lahat ng gusto niyang sabihin kay Coco Nat... mga bagay na di naman niya kayang sabihin dito ng personal.

Dear Coco Nat,

Masaya dapat ako ngayon. Kasi sabi ko noon, walang ibang makakapagpasaya sa akin kundi ang makitang masaya ka, maging ako man ang dahilan o hindi. Alam mo ba, bawat pages ng journal na ito, ginawa ko para sa'yo. Hindi ko nga namalayan na sa tagal ng panahon, iyong infatuation na nararamdaman ko, nag-evolved na pala as love. Oo, mahal kita Coco Nathaniel Canilao. Malas ko lang siguro dahil hindi pareho ang nararamdaman mo sa nararamdaman ko. Kaya sa huli, ang hirap maging masaya. Alam ko namang nauna siya sa puso mo. Pero ang di mo lang alam, nauna akong mahalin ka. Mas una pa iyon kesa sa unang pagkikita n'yong dalawa.

My Dear Coco Nat Love (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ