Chapter 5 (Limot)

121 3 0
                                    


Nagising si Venus sa mahihinang katok sa pinto niya. Alam niyang wala sa ayos ang buhok at namumugto rin ang mata niya.

"What's wrong with you? You did not even eat last night for dinner. Now, have you look at yourself in the mirror? You can be the protagonist in a horror film woman!" tili ni Pitt nang makita ang itsura niya.

"Come inside, I need to talk to you about something."

"What is it?"

"Did you see him? Red is here, Pitt! I saw him and even talk to him yesterday."

"May be you just met the look-a-like of Red."

"No! He has grown some hair in his face but believe me he is definitely Red. He also lost his memory."

"What? So what did you tell him?"

"Nothing. What would you want me to say? Hey! Glad I finally found you Red, you don't know how many months I spend just to look for you. I am Venus your girlfriend. He might collapsed upon hearing it from me."

"But what about you? You are here crying yourself all night in an empty tummy because of him."

"What should I do Pitt? He doesn't even remember me."

"I don't know my friend."

"Should I beat him up until he remembers me?"

"I don't know!" his voice sound frustrated.

________________________________________

Hindi naman pwedeng magmukmok lang siya ng buong araw sa kwarto. Kaya lumabas na lang siya at naglakad lakad sa dalampasigan habang tulak tulak ang trolley ni Pivens. Siya na muna ang tumingin sa bata habang may meeting si Pitt sa kliyente nito.

Ngunit isang katotohanan ang mas magpapakirot sa pusong sugatan ni Venus. Habang naglalakad siya natanaw niya si Red at may kayakap itong isang babae. Rinig na rinig niya ang mga tawanan ng dalawa.

Pinagsisihan niya tuloy kung bakit pa siya naglakad lakad doon. Agad niya hinila ang trolley pabalik sa villa at doon na lamang nag-ikot ikot.
Naupo ang dalaga sa isang bench na naroon at hinarap si Pivens.

"Pivens, hindi ko alam ganito pala kasakit? Bakit nasasaktan si mamay Pivens?" kausap niya sa bata.

Tila timang siyang umiiyak sa harap ng bata. Gusto niyang saktan si Red kung bakit siya nito madaling kinalimutan pero mas gusto niyang saktan ang sarili dahil umiiyak na naman siya ng dahil sa lalake.

"Fuck it Venus! How can you cry because of him? This is so unlike you! Nakalimutan mo na ba kung sino ka?!"

Nagulat ang dalaga nang may magsalita sa likuran niya.

"Don't swear in front of a child" ani Red.

"Sino ka at ano ang ginagawa mo dito?" pinahid niya ang luha.

"Akala ko ba kilala mo ako? Anyway, I'm Red Sandecker may-ari ng resort na ito" inilahad nito ang kamay.

"Sorry may kailangan pa pala akong gawin maiwan na kita."

Mabilis na tinulak ni Venus ang trolley saka pumasok sa kwarto. Hindi niya kaya makaharap ang lalake. Tinawagan niya si Dante.

"Hello Ms.Venus may kailangan  kayo?"

"I wanted you to tell me the truth James Silvestre!"

Ngayon niya lang tinawag sa tunay na pangalan si Dante ipinapahiwatig niya lang rito kung gaano siya kaseryoso at gusto niyang malaman ang totoo.

"Yes, Ms.Venus."

"Nahanap niyo ba si Red?"

"Bakit niyo natanong?"

"Just answer the question, dammit!" she swear.

"Sa katunayan niyan Ms.Venus makalipas ang tatlong buwan mula ng pumunta ka sa Greece ay nahanap ng team si sir Red pero hindi na siya makaalala pa. May nakakita sa kanya sa dalampasigan, isang mayamang Don Alfonzo. Itinuring siya nitong anak."

"Bakit hindi niyo ipinaalam sa akin?"

"Dahil iyon ang pakiusap ni tita Hilarie nakita niya kung paano ang naging epekto sayo ng pagkawala ni sir Red at kung malalaman mo na nakalimutan ka na niya ay alam ni tita na mas masasaktan ka."

"Pero kaya kong tanggapin ang lahat Dante kaya kong maghintay kung kailan ako ulit maalala ni Red pero pinagkaitan niyo ako na makasama siya!" hindi niya mapigilan ang paggaralgal ng tinig.

"Dahil Ms.Venus ng mga oras na iyon sa iba na nahulog ang paningin ni sir Red. Paano namin sasabihin sayo?"

"At sa tingin mo hindi ako nasasaktan ngayon sa mga nalaman ko?"

"Sorry Ms.Venus hindi lang naman namin gusto na saktan ka pa."

"Pero sinaktan niyo parin ako Dante!"

Ibinaba niya ang cellphone. Hindi niya matanggap na itinago ng mga ito sa kanya ang lahat. Para saan lang ang lahat ng sakit niya tuwing naaalala si Red habang nasa Greece tapos heto ang lalake ang saya sa piling ng bagong pag-ibig nito at limot ang lahat sa kanya.

A/N:

Awwwwww 🤧 I feel your pain Venus.

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now