Chapter 20 (Kiss to Forever)

221 5 0
                                    


She was heading to a Chocolate Taste Bakeshop nang may naganap na nakawan. Isang lalake ang nangsnatch ng cellphone ng isang dalagita.

Naging alerto si Venus at mabilis na sinundan ang magnanakaw. Mabilis na sinunggaban niya ito nang makalapit rito.

"Give me back that phone you fucking thief!" bulyaw niya habang nakikipagbuno rito.

Pero imbes na ibigay ay sinuntok pa siya ng lalake. Dinura ni Venus ang dugo na nalasahan niya.

"Naiinip na ako kung ayaw mong ibigay sa akin ang cellphone na 'yan pwes kukunin ko sayo!"

Paikot na sinipa niya ang lalake saka pinadapa sa lupa. Pagkatapos ay sinauli niya sa babae ang cellphone nito at inihatid sa malapit na presinto ang magnanakaw.

Ilang oras na rin ang nasayang niya. Nang tingnan niya ang sariling cellphone thirty miscalls from Red.

Mabilis siyang sumampa sa motorbike at mabilis na pumunta sa park. Buti na lamang at hindi nasira ang nabili niyang cake. Sa isang lilim ng puno natanaw niya ang asawa at mga anak.

"Hi everyone, sorry I am late may insidente lang nangyari sa nabilhan ko na cake" sabay halik sa pisngi ni Red.

"Hello mommy!" at sabay na humalik sa kanya ang dalawang twins.

"Hello kids."

"Bakit ka nga pala natagalan?" tanong ni Red.

"May nang snatch ng phone tinulungan ko lang iyong babae."

"Then?"

"KIA zero, WIA zero, too."

KIA-kill in action
WIA-wounded in action

"May dalawa na tayong anak Venus, kaya naman kitang buhayin siguro naman pwede ka ng magretiro sa Agila ngayon."

"Iyon na nga sana ang sasabihin ko sayo babe syempre safety ng kambal ang priority ko."

"Thanks" at saka siya ginawaran ng masuyong halik ni Red.

"For what?"

"Wala lang dapat ba may dahilan ako?"

"Tsk. Kids halika na kayo kumain na tayo."

"Mamaya na mom naglalaro pa kami."

"Kids! Ilang beses ko bang sabihin na hindi dapat pinaghihintay ang grasya marami ang mga bata na nagugutom ngayon maswerte nga kayo at nakakain kayo."

"Babe, hayaan muna nag-i-enjoy pa ang mga bata oh."

"Pwede naman sila maglaro mamaya pagkatapos kumain."

"Babe, chill. Hayaan mo na muna ang mga bata."

"Okay,you win."

Napangisi si Red may mga pagkakataon talaga na nagmamaldita ang asawa although kapakanan lamang ng kambal ang inaalala nito.

Hinayaan na muna nila na maglaro ang dalawang anak.

Inihilig ni Venus ang sarili sa asawa. Niyakap naman siya ni Red.

"Babe?"

"Hmm..."

"Naisip ko lang. Ipasok ko kaya ang kambal sa isang karate class? Mainam iyon mas maaga marunong na nilang protektahan ang sarili nila kapag hindi tayo kasama."

"Hindi na kailangan babe. Nandito naman tayo ah."

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko kapag wala tayo. Hindi kaya natin hawak ang oras at saka masyado ng magulo ang mundo."

"Venus, alam mong tutol ako dyan."

"Bakit? Gusto ko lang naman ang mapabuti iyang mga anak natin. At saka kapakanan lang naman nila ang iniisip ko" hindi niya mapigilang mag-alsa boses.

"Mom, dad. Were you fighting?" the twins interrupted them.

"No, mga anak. We are just discussing something. At saka ganito talaga kami maglambingan ng daddy ninyo."

"Kung hindi kayo nag-aaway. Can you kiss dad, mom?"

"Kiss?" napatingin siya kay Red.

"That's not me. Your children requested it" kibit balikat ng asawa, na parang gustong gusto pa nito ang nangyari.

Hinila niya ang lalake saka ito ginawaran ng mabilis na halik.

"I want more of your sting babe."

"Tumigil ka nga. Nasa harap tayo ng mga anak natin oh."

"Well, that's not going to be a problem. Kids, close your eyes please mag-uusap lang kami ng mommy niyo. Huwag kayong didilat hanggang hindi namin sinasabi okay?"

"Yes, dad."

Nang ipinikit ng mga bata ang kanilang mga mata ay hinila ni Red si Venus at saka ito ginawaran ng masuyong halik.
A kiss to forever.

The End!

A/N:

Thank you for reading all the way here guys. I am writing a new story I hope you'll like it. Gonna update you soon.

Goddess Sting 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt