Chapter 8 (Tipsy)

124 4 0
                                    


Kanina pa kumakatok sa pinto ng kwarto ni Venus si Red pero wala parin bumubukas doon, kaya aalis na sana siya when the doorknob clicks.

"Hi, goodmorning?"

Tiningnan niya ito. Wala sa ayos ang buhok nito at hinihingal pa ito.

"Sorry, masyado kasing wild si Pitt mahirap paamuhin" sabi ni Venus ng nakangiti.

"Mukhang nakakaistorbo yata ako babalik na lang ako."

"No, you're not. Halika pasok."

Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto saka siya pinapasok.

"Do you want anything?"

"Salamat pero huwag ka na
mag-abala. Nandito ako para humingi ng tawad sa mga sinabi ko sayo kagabi."

"Ah iyon ba wala na sa akin iyon.
I understand you at saka mahal yata kita."

"Paano mo nasasabi 'yan? You even sleep with him then now you will say something like that" malamig niyang sabi sa dalaga.

"Hmm..nagseselos ka ba?"

"At bakit naman ako magseselos. Hindi kita girlfriend at saka may fiancee na ako."

Napansin ni Red na nawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga. Bigla itong nalungkot sa kanyang sinabi. And what is this feeling? Gusto niyang aluhin at yakapin ang dalaga. Dammit Red! You should not feeling this way, ikakasal ka na.

"Para sa kaalaman mo walang nangyari sa amin ni Pitt."

Biglang lumabas si Pitt sa kwarto niya habang hawak hawak nito ang dumudugong labi.

"What happened to you Pitt?" tanong niya sa binata.

"That woman punch me!"

"Try to do this again Pitt at sinasabi ko sayo hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin!" banta ni Venus.

"What is happening here? Did you fight?"

"We are fine Red. At pinapatawad na rin kita sa ginawa mo."

"Salamat. So pa'no aalis na ako. I have work."

Nang makaalis si Red napaupo ang dalaga sa sofa. Nilapitan siya ni Pitt.

"What was that? Did you make up with him?"

"Yeah, maybe we can just be friends."

Hindi mapigilan ni Venus ang pagkagaralgal ng boses.

"What about you?"

"I can bear it. Marami na akong napagdaanan, ito pa ba ang hindi ko kakayanin. I know it's not easy but I will try."

Napapagod  na din si Venus sa pagkukumbinsi sa sarili na maalala pa siya ng binata. Every time na nakikita niya ito at si Jodi na naglalambingan at nagtatawanan gusto niya maging makasarili.

Sa bawat gabi na umiiyak siya kapag naalala ang mga ginagawa sa kanya ng binata noong magkasama pa sila at kapag nagigising siya sa umaga na kasabay ng katotohanan na hindi na siya maalala pa nito.

===============================

Sa tatlong araw na inilagi nila sa resort ay napuno ng pighati ang puso ni Venus. Dahil sa tapos na ang signing of contract ni Pitt at ng kliyente nito ay bumalik na sila sa apartment.

Naging hungkag ang kalooban ng dalaga nang malaman na iiwan niya na ang resort at hindi niya man lang ito nakikita.

Makalipas ang isang buwan dahil two years old na si Pivens kumuha na sila ng yaya na magbabantay dito. Patuloy parin sa pagtatrabaho sa isang kompanya si Pitt. Nagdesisyon din silang dalawa ni Pitt na magpagawa na ng sariling bahay dahil lumalaki na din si Pivens.

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now