Chapter 10 (Together Again)

124 4 0
                                    


Hindi akalain ni Venus na magcross na naman ang landas nila ni Red.

Sa hindi malaman na kadahilanan ay ang magiging misyon nila ay sa resort pa ng binata mangyayari.

"Pitt, hindi ako uuwi ng bahay maybe about a week. May misyon akong tinatapos."

"Where are you?"

"Sa Don Alfonso resort."

"What? You really want to hurt yourself?"

"Hindi. Kaya lang nandito ang mga tauhan ni senator kailangan namin silang manmanan."

"You better keep your heart intact."

"I don't need your sermon man, okay. I need to hang up now. Nandito na kami."

Kumuha sila ng tig-isang room ni Dante. Magkatapat iyon para kung kinakailangan nila ang isa't -isa ay hindi na sila mahihirapan pa.

"I'll talk to Red about the survailance cam" ani Venus.

"Kaya mo ba talaga Ms.Venus?"

"Don't question my professionalism Dante."

===============================

She took a deep breath bago pumasok sa opisina ng binata.

"Hi" bati niya.

"What can I help you?"

"I need all the access in all the CCTV here."

"Para saan?"

"We are having a mission here" matipid niyang sagot.

Nag-angat ng tingin si Red sa babaeng pumasok sa opisina niya.

"Who are you?"

"Tila yata hindi mo ako nakilala Red nagpalit lang ako ng ayos hindi mo na naman ako nakilala" malungkot nitong wika.

"Venus?"

"Hi Red, glad you remember."

Paano niya makikilala ang babae kung nagsuot ito ng maiksing wig na kulay pink at may suot itong makapal na salamin.

"Are you joining a cosplay?" sabay tawa niya pero seryoso lang siyang tiningnan ng dalaga.

"I don't need your corny joke ang kailangan ko ang partisipasyon mo sa magiging misyon ko. Sa ngayon I need all the CCTV access para mamonitor ko ang bawat galaw ng kaaway."

"What? Are my guest in danger?"

"No, iisang tao lang ang kailangan namin i-monitor and he is one of your guest."

"May I know kung sino?"

"Hindi ko kailangan sabihin sayo ang misyon ko. This is risky Mr. Sandecker we want to keep it confidential."

"Then kung ayaw mo ito na lang. Ano ang alam mo sa Agila? At ano ang kinalaman ko sa Agila?"

"Hindi mo naman ako paniniwalan so what's the point of telling you."

"Venus, please. Kung may alam ka sa pagkatao ko sabihin mo na."

"Ang Agila ay isang agency. Doon ako nagtatrabaho bilang undercover agent, same as you. You are one of us Red."

"And?"

"That's all."

Ramdam ni Red na may tinatago pa sa kanya ang babae.

"What about ang mga sinabi mo sa akin sa bar totoo ba ang lahat ng 'yon?"

"That you were my ex? Hahaha it's  a lie."

It's a lie dahil hindi naman talaga sila nagbreak ng binata kaya ganoon ang naging sagot ni Venus.

Tila naman nalungkot si Red sa naging sagot ng dalaga. Sa huli ay  pumayag rin siya sa naging hiling ni Venus.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Palagi minamanmanan nina Venus at Dante ang kwarto na kinaroroonan ni Senator Pilaez. Palihim na pinalagyan niya ng CCTV ang kwarto ng senator kay Dante.

Isang gabi balak ni Venus na pasukin ang kwarto ng senator pero hindi iyon ganun kadali maraming bodyguards ang nakabantay rito mahihirapan si Venus lalo na at nag-iisa siya.

Nagtago muna siya sa isang halaman at doon nagmanman. Nagulat siya nang makitang nakatayo sa likuran niya si Red. Hinila niya ito para magtago.

"Bakit ka ba nandito? Gusto mo mahuli ako?" nanggagalaiti na bulong ni Venus.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito at sino ang pinagtataguan mo?"

"Tsk. Ang mga tauhan ni Senator Pilaez. Ayon sa intelligence asset namin sa Agila na itong si Senator Pilaez ay 'di umano nagpupuslit ng mga droga. Oh no! I just spill too much info."

"I see. No worries wala naman akong pagsasabihan. Ano ang binabalak mong gawin?"

"Pasukin ang kwarto niya."

"What? That's too risky."

"Sanay na ako, part of the job Red."

"Need a hand?"

"Okay, since nandito ka na lang din. Why don't you distract that man while I put sleeping pills on his coffee."

Habang nakipag-usap si Red sa bodyguard nilagyan naman ni Venus ang kape nito ng sleeping pills.

Ilang saglit din silang naghintay para antukin ang lalake. Mayamaya nakatulog na rin ito. Pumasok si Venus sa loob at hindi niya namalayan na nakasunod din pala sa kanya si Red.

"Ano ba ang ginagawa mo dito ha?"

"Sinasamahan kita obvious naman hindi ba?"

"Damn it! Kaya ko ang sarili ko hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Can't you just let me kaysa
makipag-away ka pa sa akin."

Nagsimula ng maghanap si Venus ng mga list ng kliyente na binibigyan ng senator ng droga.

Mayamaya they notice the door click ibig sabihin nakarating na si Senator Pilaez. Hinila ni Red ang dalaga papunta sa banyo. Nagtago sila sa loob ng bath tub.

Mayamaya nakita nilang pumasok sa banyo ang senator mabuti na lang at may manipis na kurtina sa bath tub at natatakpan sila kahit papaano. At dahil medyo maliit ang tub they need to lie down facing each other habang hindi pa natatapos sa pagsashower ang senator.

"Ang tagal naman maligo ng matandang 'yan, kung bigwasan ko na lang kaya 'yan para makatulog?" bulong ni Venus.

"Don't make hasty move Venus baka ikapahamak mo pa 'yan."

Gusto lang naman ni Venus na makawala na sa tabi ng binata. Baka mawala ang kontrol niya at masabi rito kung sino talaga siya.

Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na rin ang senator. Nabigyan ng pagkakataon sila Venus at Red na buksan ang bintana sa banyo para makalabas. Walang kahirap hirap na inakyat ito ni Venus.

Bumagsak siya sa damuhan kasunod ang binata. At sa kasamaang palad ay nakita sila ng isa sa mga tauhan ng senator. They need to run to hide. Bago pa sila maabutan nito ay nakapagtago na sila sa isang sasakyan.

"Kaninong kotse ito?"

"It's mine. Don't worry safe tayo rito" tugon ni Red.

"I'd rather die than to be with you" bulong ni Venus.

"What?"

"Wala."

Tumahimik na lang si Venus sa tabi at hinintay ang pag-alis ng mga tauhan ng senator.

"Ano ako noon habang nasa Agila?" tanong ni Red.

"You were a jerk!"

"What?"

"Yeah, you were a total scumbag jerk bimbo detective na nakilala ko."

"How come? You are just lying, right?"

Iniwas ni Venus ang paningin. Nasabi niya lang naman iyon dahil sa naiinis siya sa binata.

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now