Chapter 18 (Pamahiin)

129 5 0
                                    


Kinabukasan umuwi muna si Venus sa Cebu kasama si Red.

"Hi everyone!" bati ni Venus.

"Athena? Gosh! Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka eh 'di sana napasundo ko kayo sa airport."

"Mom, chill out. Gusto ko na sopresahin kayo."

"Mom, who is there?"

"Zeus, your sister is here."

"Hi sis" sabay yakap nito sa dalaga.

"Magkatangkad na yata tayo Zeus ah, damn how the time fly so fast."

"Wanna fight?"

"I can't hintayin mo kapag nakaanak na ako magtutuos tayo little brother."

"Tsk" Red smirked.

That afternoon nag-ikot ikot muna sila sa manggahan nila Venus sa Cebu. Malawak ito at napapaligiran ng bermuda grass idagdag pa ang sariwang hangin.

"Dati naalala ko pa sumasakay ako ng kabayo sa paglilibot rito" simula ni Venus.

"Marunong ka mangabayo?"

"Oo naman. Hindi ko lang magawa ngayon dahil buntis na ako. I need to be extra careful dahil first child natin ito."

"Kapag naririnig kita ng ganyan I can't help to fall in love with you more. Mio amor mucho!"

"Hahaha Si."

"Nakakaintindi ka ng spanish?"

"Iyon lang ang alam ko hahaha."

Mayamaya natigilan si Venus nang titigan na lamang siya ng binata.

"What is it? May dumi ba ako sa mukha?"

"I love watching you like this. Naalala ko noong una kita nakitang ngumiti sa Casa Angelus. I have taken you a pic" kinuha ni Red ang cellphone at pinakita sa dalaga ang picture.

"So may gusto ka na sa akin that time?"

"Hindi sa gusto more like crush kita dahil ang ganda mong ngumiti, alam mo ba 'yon? So will you keep that smile for me?"

"I will Red."

Ilang saglit pa ay humarap siya sa binata saka ngumiti ng kay tamis.

"What are you doing?"

"Mas lalo ka na bang inlove sa akin Mr.Red Klee Sandecker?"

He chuckled.

"Kahit sumimangot ka pa mahal parin kita."

Napangiti si Venus sa sinabi ng binata. Kinabig niya ito ng mabilis saka hinalikan sa labi saka tumakbo palayo rito.

"Hey! What was that woman?"

"Ano? Hindi ko alam ang sinasabi mo?" pagmamaang maangan niya.

"Gusto mo ipaalala ko sayo?"

"Ang alin ba?"

Hinabol siya ni Red saka hinila sa may puno ng mangga saka itinukod ang dalawang kamay sa balikat ng dalaga.

"Ano ba ang ginagawa mo?"

"Ipaalala ko lang sa magiging asawa ko ang nakalimutan niya."

Pagkatapos sabihin iyon ay walang pasubali na kinabig ni Red ng halik ang babae but this time it was more a passionate kiss. Marahan siyang itinulak ni Venus. Nang makawala ay tumakbo na naman ito palayo sa kanya.

"Come back here Venus hindi pa ako tapos sayo" he said in an angry voice.

"Venus Athena does not listen to any foe scummer" tudyo ni Venus.

"But you love this scummer" he smirked.

"Whatever."

Pagkatapos mapagod sa kakatakbo ay bumalik na sila sa mansyon. Nadatnan nila na nagluluto ang ama ni Venus.

"Dad?"

"Yes baby?"

"Ano ang niluluto niyo? Bakit ang baho!" reklamo ni Venus na tinakpan pa ang ilong.

"Paborito mo ito hindi ba? Ginataan na may daing."

"Eh basta po ang baho."

"Ouch! I am hurt anak" napahawak pa ang ama sa puso.

"It's not that dad syempre paborito ko naman ang luto niyo kaso lang ewan ko lang bakit ako ganito ngayon siguro dahil na rin sa pagbubuntis ko."

"Biro lang 'nak. So ano ang gusto mong kainin ipagluluto kita."

"Seafood paella"

"P-Paella?"

"Ako na ho tito ang magluluto" suhestiyon ni Red.

"Make it sizzling hot babe" request pa ng dalaga.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Sa mga suunod na araw ay naging busy silang lahat sa papalapit na kasal ng dalawa.
Paroon at parito na ang ang mga event organizer. Nakahanda na rin ang mga videographer  na siyang magkocover ng wedding ceremony. Kompleto na rin ang mga abay sa kasal ng dalawa.

One night before the wedding ay hindi na mapakali si Venus may mga oras na paroon at parito siya sa kwarto. Hindi siya makatulog na hindi niya mawari.

Kumuha siya ng isang baso ng wine.Tulog na yata lahat ng kasama niya sa bahay maliban sa kanya.
Mayamaya pa nakarinig siya ng mahihinang katok sa bintana. To her surprised bumungad sa harapan niya si Red.

"Hi, babe" bati nito.

"What the hell are you doing here?" bulong niya.

"I wanted to see you."

"Alam mo naman hindi pwede, it's our wedding tomorrow at pamahiin na sa atin dito sa Pinas na hindi dapat magkita ang ikakasal."

"But what can I do I wanted to see you pero kung ayaw mo akong makita it's okay babalik na lang ako sa condo ko."

Akma na itong aalis nang pigilan siya ng dalaga.

"I don't want to see you're frustrate face babe" masuyong bulong niya rito.

Mabilis na umakyat sa bintana si Red pero naout of balance ito kaya natamaan nito ang mesa at naglikha iyon ng ingay. Ilang saglit pa ay kumatok ang ina sa pinto niya, mabubuking pa yata sila ng dahil sa kapabayaan ng binata. Mabilis na nagtago si Red sa banyo habang binuksan naman ni Venus ang pinto.

"Athena, I heard noise. Is something wrong here?"

"Nasagi ko lang ang mesa mom nang papalabas ako ng banyo."

"Be careful okay? Sige na matulog ka na ulit, maaga pa tayo bukas."

"Yes mom, goodnight po."

Nang maisara niya ang pinto agad na lumabas sa banyo ang binata.

"That was close!" sabay yakap ni Red sa baywang ng dalaga.

"Eh kung bakit naman kasi tatanga tanga ka babe" mahinahon niyang sabi sa lalake.

"Hmmm..amoy wine ka, did you drink?"

"Just a sip. Hindi kasi ako makatulog."

"Tama na 'yan ako na lang ang iinom, hindi maganda lalo na at buntis ka pa."

Kinuha nito ang baso na may wine at saka nilagok iyon ng binata. Then he turned on her direction giving her a sext lip bite.

"Damn it! Red Klee, what the heck are you doing?"

"Seducing my wife."

"Hahaha excuse me hindi mo pa ako asawa, bukas pa po mister 'wag kang hibang dyan."

"I don't care. Magiging asawa din naman kita."

Natawa si Venus rito. May pagkapilyo din kasi ang binata but she like it that way.

A/N:

Batid naman ng lahat na pamahiin na sa mga Pinoy na tuwing ikakasal ang dalawang magkasintahan ay hindi sila dapat magkita bago ang kasal pero dahil sa ginawa nina Venus at Red may kasalan pa kayang mangyayari?
Abangan!.

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now