Chapter 7 (Her Anger)

117 2 0
                                    


Hindi alam ni Red kung bakit naiinis siya na makitang maraming kalalakihan ang nakatingin kay Venus. At mas lalo siyang nainis nang makitang tumatawa ito habang kausap si Pitt.

Inabot niya ang baso ng alak saka inubos ang laman nito.

"Hey! Are you okay kanina ka pa yata tahimik mahal?" ani Jodi.

"I'm fine. Napagod lang ako sa maghapon na meeting with the workers for this event."

"Gusto mo na ba magpahinga? Pwede naman na ako na lang ang mag-aasikaso sa mga bisita."

"It's okay kaya po naman."

"Okay, wait lang ah kailangan ko lang magretouch mahal."

Nang makaalis si Jodi muling ibinaling ni Red ang tingin sa mesa ni Venus at sakto nakatingin din pala ito sa direksyon niya. Sigurado siya sa nakikita, those eyes were filled of pain and sadness.

Mayamaya tumayo ito at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang baso ng alak saka inubos.

"Hi, nag-iisa ka yata saan na ba ang fiancee mo?"

"Nasa CR lang. Ikaw nga ang dapat na tanungin ko iniwan ka yata ng asawa mo?"

"Asawa? Sino si Pitt ba? We're not in a relationship. Magkaibigan lang kami."

"Hahaha dyan naman hindi ako naniniwala."

"Then don't."

"Eh kaninong anak  iyong kasama mo?"

"Anak ni Pitt. By the way, gusto ko malaman mo na may mahal akong iba" lapit ng dalaga at bumulong sa tainga niya.

"At sino naman?"

"Ikaw" kaswal nitong sabi.

Natigilan si Red sa sinabi ng dalaga at biglang sumeryoso ang mukha.

"Are you flirting with me? Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang, itigil mo na 'yan dahil may fiancee na ako" malamig na sabi ni Red dito.

"I don't care with your fiancee dahil una ka naman talaga naging akin."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Hindi mo na ba talaga ako naaalala Red?" may lungkot sa boses nito.

Hinila niya ang babae sa madilim na sulok at tago sa mata ng karamihan dahil sa mga halaman na naroon.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo sino ka ba talaga? At ano ba ang alam mo sa katauhan ko?"

"Nakalimutan mo na pala talaga. Alam mong gusto kitang saktan ngayon pero mas sinasaktan mo ako. I don't deserve this, Red" pumiyok ang boses nito.

"Hahahaha you make me laugh maniniwala na sana ako sayo eh kaso natututo na ako I won't fall for your trap woman. Magkano ba ang gusto mong pera dahil bibigyan na lang kita kaysa naman ipagpatuloy mo ang pagpapanggap na nagkaroon tayo ng relasyon."

"How dare you? Ganyan ba ang sinabi ng fiancee mo na pera ang kailangan ko kaya ginagawa ko ito? God! I can't believe you Red, na isang kagaya mo ang magpapaloko sa kanya."

"I trust Jodi more than you. You we're just a stranger to me. I don't even know if you are just after my money or trying to seduce me to fuck you on my bed!"

Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ni Venus.

"Mahal ko ang dating Red na nakasama ko sa Agila not a foul mouted bimbo you are now! Ito lang ang gusto kong sabihin sayo, sa bandang huli you will be the one begging me to fuck you!" nangagalaiti na saad ng dalaga saka siya tinalikuran.

Ano ba ang dating siya? Tsk. Hindi niya akalain na naniniwala siya sa babae. Kailangan niyang makasigurado sa katauhan nito. Mabilis na tinawagan niya ang private investigator.

"Hello, may balita ka na ba about this Venus Herrera?"

"Yes sir pero limitado lang ang information ko. Tila sinadyang itago ang kanyang katauhan."

"Tell me about her."

"Siya si Venus Athena Herrera. Anak siya ng mag-asawang Hilarie at Anton na may malaking taniman ng mangga sa Cebu. Actually, inampon lang siya ng mag-asawa."

"What about her real parents?"

"Patay na ang ina nito pero wala po akong balita sa ama niya."

"What is her work?"

"Isa siyang online seller."

"Married?"

"Single siya sir."

"What about the Agila?"

"Ang Agila ay isang private investigation services. Dito yata nagtatrabaho ang mga undercover agents at balita ko marami na silang naresolba na kaso."

"May nalaman ka ba kung ano ang kinalaman ko sa Agila?"

"No sir. High security ang building at mga may access lang ang nakakapasok sa loob."

"Okay, salamat."

He ended the call. Ngayon niya sigurado na hindi pera ang habol sa kanya ni Venus. Ano sa buhay niya ang babae?

Nagdesisyon siya na bumalik sa mesa.

"Mahal? Saan ka galing?"

"Dyan lang sa tabi. I just need to answer a call."

Nang tumingin siya sa gawi ni Venus wala na roon ang babae.

Nagpunta muna sa CR si Venus pagkatapos ng pag-uusap nila ni Red.

"Bwisit! Ano ang akala ng Red na 'yon hindi ko siya papatulan dahil may amnesia siya. Pwes! Nagkakamali siya ng kinalaban kung hindi niya ako maalala, ako ang magpapaalala sa kanya kung sino ako at kung sino siya."

"Ay baliw!" saad ng babaeng papasok sana sa CR.

"Gusto mo ilublob ko iyang mukha mo sa inodoro para malaman mo kung sino ang tinatawag mong baliw. Tabi nga!"

Lumabas siya at hindi sinasadyang mahagip ng kanyang paningin si Pitt na may kahalikan na lalake sa loob ng sasakyan.

"Isa pa ang lalakeng ito pasaway! Sinabihan ko na bawal makipaghalikan. Kawawa naman si Pivens."

Nagdesisyon ang dalaga na bumalik na ng villa dahil alam niyang hindi makakauwi si Pitt ngayong gabi. Nadatnan niya ang  bata na natutulog sa crib nito habang binabantayan ng empleyado ng resort.

"Salamat sa pagbabantay sa kanya miss. Heto ang bayad mo pwede ka ng bumalik sa trabaho mo."

"Salamat po, ma'am."

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Umaga na nang makauwi si Pitt kaya sa inis niya sa lalake ay inundayan niya ito ng suntok at sipa. Pinapasok niya sa kwarto ang lalake para hindi sila makita ni Pivens.

"What are you doing?" gulat na tanong ni Pitt.

"You know exactly what I'm doing Pitt. I am teaching you a lesson! How dare you sleep with a man. Did you forgot your daughter?"

"I am sorry, you know my weakness is when a man kiss me. I can't help myself."

"You can't help yourself? Then help yourself when I gonna beat you up here!"

Itinulak niya ang lalake sa kama saka inundayan ng suntok.

"God! Stop it Venus I am really sorry okay."

"I don't want to hurt you Pitt because you know how much I love you but you're giving me no options. Pivens is your daughter at least try to think her before you sleep with a man!"

Iniwan niya ang lalake nang makarinig ng katok sa pinto.

Kapag hindi niya napigilan ang galit she really talk with her fist at iyan ang nangyari kay Pitt.

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now