Chapter 16 (Signs)

141 5 1
                                    


Pinahiram muna ng binata si Venus ng roba niya saka umalis para bilhan ng bagong damit at undies ang babae.
Nang makabalik siya sa opisina tulog na ang dalaga. Mahina niyang tinapik ang balikat nito.

"Venus?"

"Hmmm...?"

"Magpalit ka na ng damit."

"Nakatulog na pala ako. Magdamag kasi kami nagmovie marathon ng mga bruha kagabi."

"Hindi man lang ako nakadalo sa kasal nila Dante at Jelay."

"Which is not true nakalimutan mo na ba, pinigilan mo nga kanina ang kasal ng dalawa eh."

"Sige mang-asar ka lang."

"Hahaha by the way padalhan mo daw ako ng pagkain babe, nagugutom ako. Dapat kasi dumiretso ako sa reception kung hindi lang kita hinabol."

"Did you just regret coming here?"

"Biro lang. Tsk. Dali na nagugutom na ako."

"Oo heto na nga oh tatawagan ko na ang chief cook dito sa resort. Jeez!"

Napansin ng binata na hindi pa din pala nagbabago si Venus. Masyado pa din mainitin ang ulo nito at napakademanding pero mahal niya ito kaya nga tanggap niya ang mga kakulangan nito sa pag-uugali.

Nang sumunod na mga araw pinaalam ni Venus sa pamilya at mga kaibigan na nagkabalikan na sila ni Red at masaya ito sa pagbabalik ng binata.

"Hindi ka na ba babalik sa Agila?" tanong ni Venus.

"Hindi na siguro, babe. I have my resort now hindi naman pwede na pabayaan ko ito malaki ang utang na loob ko kay Don Alfonso."

"I see. Well, ako na lang talaga ito at si Dante ang magtiteam up for another mission."

"Just take care, babe."

"Roger."

================================

Makalipas ang isang buwan nagtataka si Red sa naging pag-uugali ni Venus. Alam niya na may kakaiba talaga rito.
Tulad ngayon nasa condo niya ang babae kasama ang anak ni Pitt.

"Babe, may gusto ka bang kainin ipagluluto kita" saad ng dalaga.

"Ipagbake mo na lang ako babe, iyong buko pie."

"Okay. Pivens, do you want buko pie too?"

"Yes, mamay" tugon ng bata na naglalaro sa tabi ni Red.

"Nga pala I lack ingredients bibili lang ako saglit sa grocery."

"Venus, stay here ako na."

"Huwag na malapit lang naman ang grocery. At saka darating sina Castillo, Katherine, Dante at Jelay ikaw na ang umasikaso sa kanila."

"Okay."

"Pivens, behave ah huwag ka maging pasaway kay tito Red mo."

"Yes mamay."

"Good."

Malapit lang talaga ang grocery sa condo ni Red limang minuto lang kailangan sumakay ng jeep at naroon na siya. Matapos makapamili ay bumalik na rin siya agad sa condo.

Nadatnan niya roon ang mga kaibigan. Si Katherine at Castillo ay may anak na lalake, kinuha pa ngang ninang si Venus. One year old na ito.

"Hi guys nandito na pala kayo. Naku pasensya na hindi ko kayo maasikaso dahil punong abala ako ngayon sa kusina."

"Ayos lang Venus" ani Katherine.

"Teka magtitimpla lang ako ng juice para sa inyo. Babe, pwede mo ba ako samahan" saad niya kay Red.

Matapos na magtimpla ay nilapag naman ito ni Red sa mga kasamahan.

"Oy Red ano ang nangyari sa girlfriend mo mukhang nasapian ng mabuting espiritu ah" bulalas ni Castillo.

"Bakit?"

"Hindi yata ako inaway ng magaling mong girlfriend."

"Hahaha oo nga punching bag pa naman tingin sayo ni Ms. Venus" tawa ni Dante.

"Itikom mo iyang bibig mo nerdy baka magkaroon ka ng black eye."

"Sige gawin mo at ako ang makakalaban mo!" sigaw ni Jelay.

"Ang tapang naman ng asawa mo Dante. Saan mo ba napulot 'yan?" ani Castillo.

Napailing na lang si Red sa mga kaibigan. Noon pa man ay inaasar na ni Castillo si Dante pero matalik na magkaibigan ang dalawa. Ganyan lang sila kung maglambingan.

"Guys, nagugutom na ba kayo? Konting minuto na lang maluluto na rin ito" ani Venus.

"We're fine mars" saad ni Katherine.

"Hello baby Ren magmano ka kay ninang dali. Ang cute cute naman ng inaanak ko."

"Mana sa akin eh" saad ni Castillo.

"Patingin nga ako baby ng mukha mo? Ay! Mabuti na lang hindi ka nagmana sa ama mo hahaha."

"Namumutla ka yata Venus ayos ka lang ba?" pansin ni Jelay.

"Oo naman medyo nahihilo lang ako kanina pero ayos lang ako."

"Masama pala ang pakiramdam kaya hindi naninigaw" ani Castillo.

"Babe, sure ka ayos ka lang?" saad ni Red na may halong pag-aalala sa boses.

"Oo naman, konting pahinga lang ito babe."

"Hindi naman kaya buntis ka?" ani Jelay.

"Ano? Hindi naman siguro."

"Eh sabi mo sa akin noong isang araw eh isang buwan ka ng delay?"

"Yeah maybe yes maybe no kasi irregular ako."

"Then why not you check it."

"Red, pakibantay muna ng ginabake ko please sasaglit lang ako sa pharmacy sa baba."

Mabuti na lang may malapit na pharmacy sa condo ni Red kaya agad siyang nakabili ng pregnancy test. Ilang minuto pang nagkulong sa kwarto si Venus hindi naman mapakali si Red habang hinihintay ang resulta.

A/N:

Update muna kay habang cancelled ang paggawa ng lesson plan.😅

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now