Chapter 17 (Positive)

133 4 1
                                    


Paglabas ng kwarto ng dalaga agad siyang nilapitan ni Red.

"How is it?"

"P-positive ako babe, buntis nga ako" at doon na napaiyak ang dalaga.

"Yes! Hahaha" hiyaw ni Red.

Niyakap niya ito ng mahigpit. Natuwa naman ang mga kaibigan sa bagong blessing ng magkasintahan. Wala parin humpay ang pag-agos ng luha ni Venus.

"Hey! Hindi ka ba masaya na magkakaanak na tayo?"

"Masaya syempre."

"Then why are you crying?"

"Hindi ko din alam kung bakit ako umiiyak."

"Kaya siguro ang bait dahil buntis siya" ani Castillo.

Iba ang pag-uugali ni Venus kapag buntis makalipas ang ilang araw, naging mas malambing at hindi na ito nagagalit agad pero mas naging iyakin ang dalaga. Ibang iba sa Venus na nakilala ni Red.

Naipaalam na rin nila sa magulang ni Venus sa Cebu at gusto ni Anton at Hilarie ay makasal ang dalawa bago pa man lumobo ang tiyan ng dalaga.
Nakausap na rin nila ang ama nitong si Lucas at suportado naman sila nito.

Pansamantala lumipat na rin si Venus sa condo ni Red. Pero may mga gamit parin siyang naiwan sa bahay nila ni Pitt. Dahil kung gugustuhin niya na doon magstay ay pwede parin.

"May gusto ka bang kainin babe?"

Pero tila hindi siya narinig ng babae kaya nilapitan ito ni Red.
She was so occupy sa movie na pinapanood niya at napaiyak siya.

"Babe, are you okay?"

"I am fine."

"Eh bakit ka na naman umiiyak?"

"Naiiyak kasi ako dahil sa pinapanood ko na movie" sabay kuha ng tissue.

"What are you crying at? There's nothing to be crying about it anyway."

Napakamot na lang sa ulo si Red kung hindi lang buntis ang dalaga ay iisipin niya na nababaliw na ito. Iniiyakan kasi nito ang pinapanood na comedy.

"Ang mabuti pa kumain na lang tayo babe, tama muna 'yang kakapanood mo ng movie okay."

"Ano ang lulutuin mo?"

"Seafood paella."

"Sige, need my help?"

"Kaya ko na ito. I am good at this."

"Sige nga chief tingnan nga natin ang galing mo sa pagluluto ng paella" biro nito.

The other day nagsimula na sila sa pagplano sa kasal. Engrandeng church wedding ang binabalak ni Red pero kung si Venus lang ang tatanungin ay maayos na sa kanya kahit simple lang pero katwiran ng binata minsan lang sila ikasal at saka aanhin naman daw nito ang pera para hindi siya bigyan ng maranyang kasal.

"Sweetheart, guess what?" ani Pitt ng makadalaw sa condo.

"Ano?"

"I have wedding gown designs here, mamili ka na ng susuotin mo, darling."

"Saan mo naman nakuha ito?"

"Isa sa mga kasamahan ko sa company."

"Pivens anak, pakiabot nga doon sa tita mo. How about you Red may suit ka na ba?"

"Wala pa."

"Good timing meron din ako dito suits for groom."

"Thanks Pitt. Salamat sa mga ginagawa mo for me" napapaiyak na saad ni Venus.

"Hush! You're such a crybaby lately."

"Eh kasi naman hindi ko alam. Gosh! Hindi ko alam na ganito ako kapag buntis I feel like Thea."

"Kasi si Thea ka naman talaga" ani Red.

Patience is a virtue. Sandamakmak na pasensya ang baon ni Red habang buntis ang dalaga. The other day pinuntahan naman siya nina Dante at Castillo.

"How's Venus?" saad ni Castillo.

"Other than crying because of watching comedy, she's fine."

"Hahaha so kailan ang kasal?" ani Dante.

"Ang gusto ni tita Hilarie next month habang hindi pa lumalaki ang tiyan ni Venus."

"Sinabi pala ni Sir Vistal na hindi na muna bigyan ng bagong misyon si Venus dahil sa kalagayan niya" pahayag ni Castillo.

"Okay, I will tell her that."

"Nasaan ba siya ngayon?"

"Nagpunta sa Casa Angelus kasama si Pitt at Pivens."

"Ang akala ko talaga may relasyon si Venus at Pitt noong una pero I can't believe na gay pala ito."

"I feel you bro."

Pinaalam na rin ni Red sa mga kapatid at ama niya sa Chicago ang nalalapit na kasal nila ni Venus. They promise to fly here in the Philippines the day before the wedding. Medyo halata na rin ang baby bump ni Venus pero lutang parin ang kagandahan ng dalaga.

"Ano ang nginingiti mo dyan?" pansin ni Venus.

"Hi babe" sabay halik sa pisngi nito.

"Maaga yata ang uwi mo galing sa resort?"

"Gusto ko na kasi makita si baby" sabay haplos sa tiyan ng dalaga.

"Si baby lang paano naman ako?" akma na naman itong iiyak.

"Syempre gusto din kita makita ikaw pa ba. Halika nga dito" niyakap niya ito saka hinalikan sa noo.

"Babe, sa tingin mo magiging mabuting ina ako sa anak natin?"

"Oo naman nakita ko kung paano mo alagaan ang mga bata sa Casa Angelus and from there I know you will be a good mother."

"Paano kung malaman niya I am an underground fighter, I killed people."

"That's not count para maging mabuting ina ka sa magiging anak natin Venus. And eventually he will found how his mom so cool."

"Tuturuan ko siya ng martial arts in the future for self defense."

"Venus?"

"What?"

"Huwag mo naman sana itulad kay Dante ang anak natin."

"I won't pero mas maganda iyong habang bata siya he can already protect himself."

Napailing na lang ang binata sa sinabi ni Venus. Hindi na siya magtataka by fifthteen marunong ng bumaril ang anak niya, na hindi niya papayagan mangyari. Hindi niya gugustuhin na magaya sa kanya ang anak as much as possible ilalayo niya rito ang baril.

Goddess Sting 2Where stories live. Discover now