CHAPTER THREE

5.8K 137 21
                                    

Cassandra Hendrix POV

Iisipin ko palang na ikakasal ako sa pangit na patong hilaw na saging na 'yon tumataas na ang balahibo ko. Paikot ikot ako ngayon sa aking kama habang hindi maka tulog dahil sa kakaisip sa sinabi ni Tito William—Zander Kace's dad. Plus, yung unan ko pa na masyadong na enjoy dumihan nung batang saba na 'yon. Nang gigigil akong na napa sigaw sa hawak kong unan nang muling maalala ang sinabi ni Mom sa akin kanina.

'Anak, para sa business natin ito at para na rin sa future mo.'

Ako ata niloloko ng tadhana, eh. Ang dami daming lalaki sa mundo sa two timer na pangit na patong hilaw na saging pa na 'yon ako bumagsak.

Grr! Gusto kong manapak. Kung ako sana ang naaksidente edi sana wala na akong pino-problema ngayon. Pwede ba mag backout? Tutol talaga ako sa desisyon ng magulang ko.

Tumingin ako sa kisame at mariin na napa pikit matapos ay ipinagdikit ang aking dalawang kamay.

Samantha, baka naman pwede mong pakiusapan kahit si Cupido diyan. Yung arrow na para sa akin, sa ibang lalaki niya itutok. Tapos yung kay Zander, paki putol nalang yung arrow nang tumanda siya mag isa.

Umayos ako ng pagkakahiga at iminulat ang aking mga mata. Tumihaya ako matapos muling tumitig sa kisame habang hinihintay dapuan ng antok nang marinig kong mag vibrate ang cellphone ko kung kaya't kinuha ko ito at sinagot ko ang tawag.

*Brrzzk!*

"Bakit napatawag ka?!" Napalakas yung boses ko marahil naiinis pa rin ako sa mga nangyayari.

["Easy Cass. I'll be there at 8:00 am kaya, gumising ka ng maaga."]

"Where are we going?"

["It's a secret. Goodnight!"]

Ibinaba ko ang aking cellphone nang patayin ni Trixie ang tawag. Muli akong tumihaya at tumitig sa kisame hanggang sa tuluyan akong dalawin ng antok.

*creak!*

Marahan akong napa balikwas sa kama nang makarinig akong kaluskos. kinusot kusot ko ang mga mata matapos ay sinuri ang kabuuan ng aking kwarto nang mapansin ko si Ate may kinukuha sa loob ng aking closet.

"Oh, good morning Cassandra." rinig kong bati ni Ate Alexandra saka muling nag patuloy sa kanyang ginagawa. Nag inat pa muna ako nang maaninag ko ang alarm clock ko at nakitang 6:00 am palang. Iniwan ko si Ate Alexandra sa kwarto nang mag tungo ako sa aming kusina nang mapansin kong walang tao. Usually kasi maaga magising ang mga tao dito pwera sa akin na tulog mantika. Nag lakad ako papalapit sa refrigerator at kumuha doon ng aking maiinom nang mag liwanag ang buong bahay kasabay nang pag pasok ng isang maliit na aso. Mabilis kong inubos ang tubig na iniinom saka binuhat ang aso.

"Happy Birthday anak!" halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan dala ng pagka gulat nang marinig ko ang napakalakas na boses ni Mom matapos ay pumasok si Dad galing dining room na may hawak na cake. "Happy Birthday, bunso!"

Hindi ko man lang namalayan na birthday ko marahil sa pesteng engagement na 'yan. Napailing na lamang ako at pilit na iwinaglit sa aking isipan ang pangyayari kahapon.

"Thanks, Mom and Dad." nakangiting inihipan ko ang kandila kasabay ng pag tahol nitong corgi na 'to. "That's already my gift to you, Cassandra." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakitang naka sandal sa pader si Ate Alexandra habang pinag mamasdan kami nila Mom and Dad saka niyakap kaming tatlo. "Thanks Ate. Pati na rin sa mahiwagang boses mo na gumigising sa akin tuwing umaga."

Napag desisyunan na naming mag almusal since 7:00 na rin naman. Wala rin akong klase ngayon dahil weekends. Abala sa kwentuhan sila Mom at Ate Alexandra nang lumapit sa amin si Manang Rosa.

Arranged Marriage Where stories live. Discover now