CHAPTER TWELVE

3.8K 71 2
                                    

Trixie Sandoval POV

Daglian akong napabangon sa kama at kinuha ang aking pitaka at cellphone. Hind man lang nag sasabi yung babaeng yon na pupunta silang Palawan sana man lang nakasama ako. Lunes ngayon at balita kong kakarating lang nila ngayon ng Manila.

"Kuya Reymond!!" sigaw ko nang makarating ako ng salas. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ng bahay namin siya naroroon.

"Bakit?" napalingon ako sa pinang galingan ng boses na 'yon. Mukhang kagigising niya lang base sa itsura niya. Alas nueve palang kasi ng umaga ngayon.

"Samahan mo ako. May pupuntahan tayo." hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at kinuha ang susi sa cabinet drawer dito sa salas saka nag tungo sa garage.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ni Kuya Reymond matapos ay sumakay sa loob. Ilang minuto lang ang lumipas nang lumabas siya ng main door ng bahay saka sumakay matapos ay pinaandar ang sasakyan.

Binaybay namin ang daan patungo sa subdivision nila Cassandra.

"Bakit saan ba tayo pupunta?" 

"Kila Cassandra."

"Cassandra? Who's that??" napa buntong hininga ako saka nilingon si Kuya Reymond.

"Kuya, I already introduced you to her last year. How come you forget about her? Geez." napa himas siya sa kanyang batok at humingi ng tawad saka marahan na natawa.

Si Kuya Reymond lang ata sa pamilya namin ang hindi pa na me-meet ang buong family ni Cassandra. Kami ni Ate Tricia, Mom and Dad kasi umattend ng 20th birthday ni Cassandra. Doon nila na meet ang buong family niya. Hindi naka sama si Kuya Reymond dahil may inasikaso siya sa Office.

"Wait, nandito na tayo." agad na hininto ni Kuya Reymond ang sasakyan nang makarating kami sa labas ng bahay nila Cassandra.

Nag hanap ng parking si Kuya Reymond matapos ay sabay kaming bumaba ng sasakyan. Tinahak namin ang daan patungo sa harap ng gate nila at nag doorbell. Wala pang ilang minuto nang bumukas ang pinto at sumalubong si Ate Alexandra.

Tanapik ko naman si Kuya Reymond na naka talungko sa tabi ko senyales na papasok na kami.

"Hello po, Ate Alexandra. Nandyan po ba si Cassandra??"

Nag pa palit palit ang tingin ni Ate Alexandra sa aming dalawa ni Kuya saka ngumiti at tumango. Tuluyan kaming pumasok sa loob nang sikuhin ako ni Kuya Reymond.

"Hindi mo naman sinabi agad na dito tayo pupunta edi sana nag palit ako ng damit. By the wa, who is she?" inginuso niya si Ate Alexandra na nasa harapan namin ngayon. Nilingon ko si Kuya Reymond matapos ay pinaningkitan ito ng mata.

"Bakit? Type mo?"

"Dali na, bunso."

"Here she is." napalingon ako sa hagdan nila Cassandra nang marinig na mag salita si Ate Alexandra. "Ask her." bulong ko kay Kuya Reymond matapos ay iniwan siya doon kasama si Ate Alexandra.

Agad kong sinalubong ng yakap si Cassandra na may hawak na paper bags. "Cass! Ang daya mo bakit hindi mo sinabi sa akin na pumunta kayong Palawan??"

Arranged Marriage Where stories live. Discover now