CHAPTER FIFTEEN

3K 72 3
                                    

Cassandra Hendrix POV

Balisa akong pumasok ngayon sa loob ng aming bahay. Halo halo ang mga nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa aking sarili. Galit, lungkot at para bang nakokonsensya pa ako sa aking mga sinabi kanina kay Zander.

"Hala, Ija. Bakit basang basa ka??" Daglian lumapit sa kinaroroonan ko si Nanay Rosa na mayroong dalang bath towel. Nakaka ilang hakbang pa lamang ako papunta sa banyo nang marinig ko ang isang tahol ng aso.

"Nababasa kasi si Nimbus sa loob ng bahay niya, ija. Kaya naisipan ko na isama nalang siya dito sa loob."

Makalat kasi si Nimbus kaya garden namin inialagay yung dog house para hindi mahirapan mag linis ng dumi sa loob ng bahay si Nanay Rosa.

Nag tungo ako sa loob ng banyo malapit dito sa salas at kumuha ng bathrobe na nakalagay sa cabinet sa loob ng banyo saka ay naligo.

Nang matapos ako maligo ay siyang pag dating ni Dad. Nilapitan ko siya.

"Dad. I'm calling off the engagement." Napa buntong hininga siya at nginitian ako. "Everything will be alright between the two of you, anak."

"Dad, please listen to me. I wanna call of this engagement. I don't want to be with someone I don't know very well." Ibinaba niya ang kanyang hawak na bag sa sofa habang deretsyong naka tingin pa rin sa akin. "I can't pull off your engagement, anak."

Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka muling nag patuloy sa pananalita. "Dad naman eh. He's one of the reason why Samantha d-"

"Magandang gabi po." Sabay kaming napa lingon ni Dad nang marinig ang boses na 'yon.

"Liam??" Nanlalaki ang mga matang litanya ko nang makita siya kasama ni Nanay Rosa.

Shit. Napa sapo ako sa aking noo nang maalalang may tatapusin pa pala kami business plan.

"Talk to you later, Dad. Gagawa lang kami ng business plan ni Liam. Bye." Hinatak ko si Liam pa akyat sa kwarto ko nang mapagtanto kong naka bathrobe lang pala ako.

Shit! Shit!

"A-ahhh... Hehehe dito ka muna mag papalit lang ako sa loob ng banyo." Mabilis pa sa alas kwatro kung kumuha ako ng mga damit ko sa loob ng closet ko at nag tungo sa banyo sa loob ng aking kwarto.

Lumabas ako ng banyo nang matapos ako at nilapitan si Liam na naka upo sa sofa habang nag babasa sa kanyang hawak na libro.

"So, let's start?" Napa lingon siya sa akin matapos ay nginitian ako.

"Oh, you're done. Okay then." Dali dali kong kinuha ang laptop ko sa bag. Mabuti nalang at waterproof ang loob ng bag ko at hindi nabasa ang laptop ko pati na rin ang cellphone ko.

Inilapag ko sa coffee table ang laptop ko binuksan ito saka iniabot kay Liam. "Liam, kahit gamitin mo na muna iyang laptop ko. Sa PC ko nalang muna tatapusin yung part ko."

"Sure."

"Nasa may sala yung PC bumaba ka nalang muna doon kapag may tanong ka." Tumango naman siya bilang sagot kaya't lumabas na ako ng aking kwarto matapos ko mag suklay.

Tahimik ang buong paligid nang makarating ako dito sa sala. Si Nimbus ay tulog sa may sofa at tanging lakas ng ulan lamang ang maririnig mo.

Ilang minuto ang nakalipas nang makarinig ako ng mga yapak papalapit sa akin.

"What do you think about this part??" Napalingon ako sa laptop ko na inilapag ni Liam sa tabi ng PC matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Ako na ang nag adjust ng aking kinauupan matapos ay sinuri ko ang buong Chapter 2 nang maramdaman ko ang pag lapit ng presensya sa aking likuran. Napansin ko ang pag lapat ng dalawang kamay ni Liam sa gilid ng lamesa dahilan para makulong ako sa kanyang mga braso.

Arranged Marriage Where stories live. Discover now