CHAPTER NINE

4.1K 81 5
                                    

Cassandra Hendrix POV

Nag lalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada kasama si Zander Kace. Pauwi kami ngayon at walang nag kusang mag salita sa aming dalawa. Narinig ko siyang napa buntong hininga matapos ay napa tigil sa pag lalakad.

"Mag iingat ka sa taong 'yon kapag naka salamuha mo pa ulit siya. " wika niya habang hindi makatingin sa akin.

Tama nga ako ng hinala. May hindi maganda sa taong' yon. Hindi na ako nag tanong pa at tinalikuran si Zander Kace saka muling nag patuloy sa pag lalakad.

Mabilis na lumipas ang oras at nakarating rin kami sa loob ng aming subdivision. Pumasok ako sa loob ng aming bahay nang makarating ako.

Wala pa rin ang pamilya ko sa loob ng bahay. "Narito na po ako, Nanay Rosa." wika ko nang makita kong nasa kusina si Nanay Rosa at nag luluto.

"Oh, mabuti naman at nakauwi ka na. Mamaya maya ay handa na ang hapunan." nag tungo ako sa aking kwarto para maligo nang mapansin kong hindi ko dala ang bag ko.

Napa sapo ako sa noo ko kung kaya't dali dali akong bumaba sa unang palapag ng bahay nang makatanggap ako ng text message.

From: 0978—

Hi, Cass. This is Liam, you forgot your bag here inside the restaurant.

To: 0978—

Hi, Liam. Thanks! Would you mind if sayo na muna? Kunin ko nalang bukas sa University.

From: 0978—

Sure! No worries.

Ka agad ko na isinave ang number ni Liam matapos ay muling bumalik sa kwarto ko saka naligo.

***

"Here." nag hahabol hiningang kinuha ko kay Liam ang bag ko. "Thank you talaga!" isinuot ko ang bag ko saka agad na nag tungo sa assigned classroom ko ngayon.

Umupo ako sa aking pwesto nang makapasok ako sa loob ng classroom. Mabuti na lamang at wala pa ang guro namin para sa subject na ito at hindi ako namarkahan ng late sa attendance.

"Oh, bakit parang pagod na pagod ka??" automatiko akong napalingon nang marinig ang boses ni Trixie.

"Kasi naman tinakbo ko mag mula sa gate—" panandalian akong natigilan nang mapansing iba na naman ang suot niyang bag at kwintas. Napa iling na lamang ako saka bumaling sa harapan.

"Why? Don't you like it? Hindi bagay sa akin?" sunod-sunod na wika ni Trixie.

"Good Morning, class!" sabay-sabay na bumaling sa harapan ang lahat nang marinig boses ng aming guro.

"Okay, for now. I will let you finish your essay activity last time. Napansin ko kasi na madami pa sa inyo ang hindi nakatapos. I will be giving you 30 minutes to finish it and we will proceed to our next topic."

Isa isang tinawag ang pangalan namin para kunin sa harapan ang papel namin. Nang makuha ko na ang akin ay mabilis ko itong tinapos saka nag paalam sa aming Professor na mag re-restroom.

Tinahak ko ang daan patungo sa restroom nang makarinig ako ng ingay. "Hindi ba ang sabi ko dalhin mo ito sa storage room?!"

Hinanap ko ang pag mamay ari ng boses na 'yon at nakita ang tatlong bully sa duluhan ng hallway. Nag lakad ako papalapit at kinuhanan sila ng video nang mamukhaan ko ang babaeng inaapi nila, si Sheina.

*slaps!*

Nag salubong ang mga kilay ko nang makitang sinampal ni Patricia nang pag ka lakas lakas si Sheina.

Arranged Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon