CHAPTER TWENTY FOUR

2.7K 60 1
                                    

Zander Kace Anderson POV

Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad ang pagmumukha ni Jake. Pilit akong umayos ng pag kakaupo at inilibot ang aking mga mata. Narito ako sa loob ng isang lumang bahay. Napansin ko si Lanz na naka upo rin sa kabilang sulok ng bahay habang nakatali ang kamay at paa nito.

"Oh, gising na ang munting prinsipe. Paano ba 'yan wala pa ang fiancé ko dito sinusukatan pa siya para bukas." Naguguluhang napa tingin ako kay Jake nang sabihin niya iyon.

"Ay, hindi mo ba alam? Ikakasal na kami bukas. So, bali ngayon fiancé ko siya." Nag pantig ang mga tainga ko nang marinig na sabihin niya ang mga katagang iyon.

"Don't you ever lay your hands on her." Nang gagalaiting wika ko.

Kapag nalaman ko lang mayroon ka rin kinalaman sa pag kamatay ni Samantha babalatan kita ng buhay.

"Oh, paano ba 'yan I already kissed her forehead." Naikuyom ko ang aking kamay matapos ay pilit na kumawala sa lubid na nakatali sa aking braso.

Gago ka.

Natawa na lamang siya sa naging reaction ko at tinalikuran ako. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng lumang bahay.

Daglian akong nag hanap ng matalim na bagay upang putulin ang lubid na nakatali sa aking mga kamay nang marinig kong nag salita si Lanz.

"Sorry Zander. Hindi dapat kita dadalhin pa dito kung hindi lang nila binantaan buhay ko." Napalingon ako sa kanyang gawi. Hindi siya makatingin sa aking mga mata.

"Okay lang, Lanz."

Mamaya-maya pa ay napansin naming bumukas ang pinto saka pumasok si Cassandra na naka simangot kasama si Amanda at Patricia na aking ikinagulat.

"Oh, hi Daddy." Mabilis na lumapit si Amanda sa akin matapos ay niyakap ako. Pilit akong kumakawala sa pag kakayakap ni Amanda nang mapansin kong dali-dali lumapit sa akin si Cassandra saka hinatak palayo si Amanda.

"Kace, o my gosh! What happened to you?" Sinuri niya ang buong katawan ko at nag aalalang napatingin sa akin hindi na niya pinansin pa si Amanda nang mapaupo ito sa sahig. Napansin ko ang inis na pag hawi ni Amanda sa kanyang buhok saka inis na napalingon kay Cassandra.

"Okay, pag bibigyan na muna kita ngayon Cassandra since ikakasal ka naman na bukas." Tumayo si Amanda matapos ay tinalikuran kami saka lumabas ng lumang bahay kasama si Patricia at sinara ang pinto.

"Bakit ka ba nandito?? Sino ba nag dala sayo dito??" Dagliang tinanggal ni Cassandra ang mga lubid na naka tali sa aking braso at paa. Matapos ay nilapitan si Lanz.

"Sorry, Cassandra. I brought him here. Binantaan kasi nila ang buhay ko kaya wala na akong nagawa pa." Wika ni Lanz matapos ay ginalaw galaw pa ang kanyang mga kamay nang kalagan siya ni Cassandra.

"It's okay Lanz." Ilang saglit pa ay inilibot ni Cassandra ang kanyang mga mata at nag lakad sa bawat sulok ng lumang bahay na para bang may hinahanap.

"Anong hinahan—" Ka agad niyang dinikit ang kanyang hintuturo sa aking labi habang naka tingin sa kisame. Hinanap ko kung saan siya nakatingin nang makita ang isang camera. Mukhang napansin rin iyon ni Lanz nang hatakin kami ni Cassandra papunta sa sulok.

"Gladly wala siyang microphone. Ganito, huwag tayong mag didikit dikit. Humanap kayo ng pwesto hindi gaanong malayo sa akin para hindi nila pag kamalang may pinag uusapan tayo." Utos ni Cassandra na aming sinunod ni Lanz.

"I want—"

"Ikakasal ka talaga kay Jake, Cassandra?" Hindi talaga mawaglit sa aking isipan ang sinabi ni Jake at Amanda.

Arranged Marriage Where stories live. Discover now