CHAPTER SEVEN

4K 93 1
                                    

Cassandra Hendrix POV

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon nang mayroong kumuha ng notebook sa lamesa ko

"That's mine." napa tingala ako kay Zander Kace na walang ekspresyong nakatingin sa amin ni Liam ngayon dahilan para mapa tikhim si Liam at umupo sa bakanteng upuan sa likuran ko.

"If you're going to flirt, not here inside the classroom. Dahil narito kami para mag aral." dagdag pa ni Zander Kace saka bumalik sa kanyang kinauupuan.

Parang hindi ka nakipag landian sa public place, ha?

Hindi ko na lamang siya pinansin at muling bumaling sa harapan at nakinig sa aming Professor.

"So, as you all knew this coming month of July ay championship game na for our basketball team." paliwanag ni Ms. na naging dahilan ng mga bulungan sa loob ng classroom.

"Hay! Akala ko pa naman din mababawasan na ang gagawin natin."

Reklamo ng babaeng naka pwesto sa harapan ko matapos ay napa subsob sa kanyang desk.

"Some of you will be performing a theater play am I right??" ka agad na sumang ayon ang karamihan sa amin nang tanungin ni Ms. 'yon.

"Who are those??"

"It's our group po, Ms. While, Ms. Sandoval's group are assigned to the customes that will be used within the play." sagot ni Zander Kace.

"Okay, then. Are all of your group members present?"

"Yes, Ms."

Lumabas kami ngayon ng aming classroom marahil pina simulan na kami ni Ms. mag meeting. Kaya ang dapat na sa Saturday meeting ay nausog na ngayon.

"You'll be the one who'll be taking notes during our meeting." utos ng pangit na patong hilaw na saging na 'to matapos ay iniabot sa akin ang notebook niyang nahulog kanina.

"No, thanks. I have my own notebook."

"Then, I want you to transfer it to my notebook." bahagya akong napa nganga nang sabihin iyon ni Zander Kace. Kung kaya't wala akong at  kinuha ang notebook niya saka doon nalang nag sulat.

"Okay, for now. Ms. Sheina will help me on writing the script. Then, on Saturday we will be having our script reading of the whole story." litanya ni Zander Kace matapos ay pasimpleng lumingon sa gawi ko.

"What?!" I mouthed. Hindi niya ako pinansin bagkus ay tiningan ang notebook na hawak ko.

"Cassandra, you will be joining us." naguguluhan akong napalingon kay Sheina nang sabihin niya 'yon.

"But, why??"

"You're my secretary. And you will be the one who will revise our script." singit ni Zander Kace.

"Why me??"

I mean marami naman kaming group members. Bakit kaming tatlo lang ang gagawa sa script.

"Bakit kailangan ba ng rason para piliin ka?" natahimik ako nang sabihin ni Zander Kace 'yon matapos ay napa buntong hininga.

***

Naka pangalumbaba ako ngayon habang pinag mamasdan ang tanawin.

"Hey!" automatiko akong napalingon nang marinig ang boses na' yon.

"Hi, Liam." umupo siya sa tabi ko. Narito kami ngayon sa lobby at natapos na ang meeting namin kung kaya't naisipan ni Zandet Kace na i-rehearse na ng iba naming group members ang naumpisahan na script nilang dalawa ni Sheina.

Arranged Marriage Where stories live. Discover now