CHAPTER SIXTEEN

3K 63 4
                                    

Cassandra Hendrix POV

Naka tunganga ako ngayon sa aking kinauupuan at kanina pa nakahawak sa aking labi habang iniisip ang pangyayari kahapon.

Marahan akong napangiti at napakagat sa ibabang bahagi ng aking labi.

'Ang rupok mo Cassandra!'

"Cass!!" Natauhan ako nang marinig ang napakalakas na boses ni Trixie. "Ahh?? Bakit??" Sinuri niya ang buong pag mumukha ko matapos ay pinaningkitan ako.

"Kanina ka pa napapa hawak sa labi mo."

"Ahh, eh makati kasi... Mauuna na ako sayong lumabas." Ka agad akong tumayo sa aking kinauupuan at lumabas ng classroom. Hindi ko namalayang tapos na pala ang klase namin.

Marahan na naman akong napangiti nang muling maalala ang nangyari dahilan para masampal ko ang mukha ko.

Stop thinking about what happened yesterday, Cass!! Tandaan mo may galit ka pa Zander.

Napa buntong hininga na lamang ako nang muli kong mapansin na napapa tingin sa akin ang mga estudyanteng nakaka salamuha ko. Binalewala ko na lamang iyon at nag patuloy sa pag lalakad nang maramdman kong mayroong tumamang itlog sa noo ko at nag sunod sunod na ito. Tumama ito sa braso, buhok at ibang parte ng damit ko.

"Hala!! Cassandra!!" Bulalas ni Trixie nang makita ang nangyari sa akin. Sumenyas ako na wag siyang lalapit marahil baka matamaan siya. Wala pang ilang segundo nang maramdaman kong mayroong bumuhos na powder sa buong katawan ko.

"That's what you get for hurting Zander!"

Pinahid ko ang powder sa buong pag mumukha ko matapos ay pinagpag ang buhok ko. Ang mga nag sihulog na powder ay inilagay ko sa aking palad.

"Whoops! Watch your words Patricia."

"Shut up, bitch!!" Sigaw naman ng kaibigan ni Patricia. Ngumisi lamang ako ang nakakaloko dahilan para kumuha pa sila ng itlog sa plastic na dala-dala nila.

Itinapat ko ang aking kamay sa aking labi sa ito inihipan sa pag mumukha nilang tatlo. Mabilis na umalingawngaw sa buong hallway ang sigawan nitong tatlo. Pinagpag ko ang aking buong katawan at itinaas ko ang aking hintuturo sa ere nang makita kong napakaraming tao na rin ang nakiki usiyoso sa amin.

"Mag bibilang ako ng lima at kung kanino man tumapat ang hintuturo ko, siya ang isusunod ko." Hindi pa man ako nag uumpisang mag bilang nang dali daling nag si alisan ang mga taong nanonood sa amin.

"Bakit mo naman ginawa 'yon?? Mamaya niyan mapaniwala mo sila." Kibit balikat ko lamang siyang tiningnan at nag tungo sa loob ng restroom.

Zander Kace Anderson POV

Nag lalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada papunta sa Steinfield University. Hindi ko na dinala ang kotse ko marahil umaasa akong mapupuno agad ang parking lot kasi ngayon na gaganapin ang Championship.

Patuloy ako sa pag lalakad nang mayroon akong masaging lalaki dahilan para mahulog ang bag na hawak ko. Humingi ako ng paumahin saka ko pinulot ang aking bag. Hindi pa man ako tuluyang nakaka pasok sa loob ng Steinfield University ay nakaramdam ako ng kirot sa aking tagiliran. Daglian akong nag tungo sa loob ng restroom at itinaas ang aking jersey at nanlaki ang mga mata nang makita kong nag durugo ito. Kinuha ko ang face towel sa aking bag at pinahid ito sa aking sugat. Ngunit, patuloy pa rin sa agos ang aking dugo kung kaya't pinatong ko nalamang ang face towel rito saka nag tungo papunta sa may locker room nang makasalamuha ko si Trixie. "Goodluck sa game, Zander." Ngumiti na lamang ako nang maramdaman ko ang pag kahilo. Papa labas na ang mga tao dito sa loob ng locker room. "Iwan mo na gamit mo diyan, Zander at tara na." Pag anyaya ni Chris ngunit, pinauna ko na siya. Naiwan akong mag isa sa loob ng locker room nang mas lalong lumala pa ang pananakit sa aking tagiliran dahilan para mapa upo ako sahig.

Arranged Marriage Where stories live. Discover now