CHAPTER TWENTY THREE

2.7K 58 2
                                    

Third Person POV

Nang magising mula mahimbing na pag kakatulog ang dalawang bihag ay maingat na lumapit si Lanz kay Cassandra. Mas nakakagalaw si Lanz kumapara kay Cassandra na pinapalibutan ng lubid sa kanyang katawan.

Mahigit 48 hours na ang nakakalipas mag mula nang mawala sila Cassandra at Lanz.

Flashback.

Napukaw ang paningin ni Cassandra ng isang pamilyar na babae. Sinundan niya ito at hindi alintana ang paligid. Sa kalayuan, napansin ni Lanz ang pag alis ni Cassandra sa kanyang kinauupuan at sinundan niya ito ng tingin nang mapagtanto niyang sinusundan ni Cassandra si Amanda.

Pasimple siyang bumaba sa stage at lumabas ng auditorium. Ka agad hinanap ng kanyang paningin si Cassandra. Daglian niyang lumapit sa kinaroroonan ni Cassandra nang makita niyang nasa labas ito ng main gate ng Steinfield University. Ngunit, hindi pa man siya nakakalapit nang masaksihan niya ang paglapit ng isang misteryosong lalaki kay Cassandra matapos ay tinakpan ang ilong at bibig nito na naging dahilan ng pag kawala niya ng malay.

Para bang napuno ng galit si Lanz sa kanyang nakita. Nai kuyom niya ang kanyang kamao at pasimpleng nilapitan ang lalaking nag tatakang kumidnap kay Cassandra nang maramdaman niyang may tumama sa kanyang batok na naging sanhi ng para mawalan siya ng malay.

End of Flashback.

"Anong ginagawa mo dito??" Nag tatakang litanya ni Cassandra.

"Shhh..." Dagliang nag hanap ng matalim na bagay si Lanz. Nakakita siya ng isang basag na salamin kung kaya't dali-dali niya itong kinuha saka pilit na hiniwa ang lubid na nakatali sa kanyang mga kamay.

Ilang sandali pa ay naka rinig sila ng mga yapak papasok sa loob ng silid kung saan sila naroroon. Mas binilisan ni Lanz ang pag putol sa lubid sa kanyang kamay matapos ay sinunod ang lubid na nakatali sa kanyang mga binti saka sinunod si Cassandra.

Papalapit ng papalapit ang mga yabag ng mga paa sa kanilang kinaroroonan hanggang sa mag bukas ang pinto at bumungad ang isang pamilyar na babae.

"Amanda." Mabilis pa sa alas kwatro kung pakawalan ni Lanz si Cassandra. "Tumakbo ka na. Dalian mo!!" Sigaw ni Lanz matapos ay nag tungo sa bintana si Cassandra saka ito binasag.

"Tara na Lanz!"

"Mauna ka na, Cass!!"

Ayaw man iwan ni Cassandra si Lanz ay wala na siyang nagawa at lumabas ng bahay na 'yon saka tumakbo palayo. Napapalibutin ng nag tataasang talahib ang bahay at walang  idea si Cassandra na saan siya ngayon.

Patuloy lang siya sa pag takbo hanggang sa may masalubong siyang kotse. Pinara niya ito at bumaba ang isang lalaki.

"Shit." Daglian tumakbo palayo si Cassandra nang makita niyang si Jake Alegado ito nang bigla siyang matapilok. Kaagad naman rin siyang nahabol nila nila Jake at Magno saka pilit na isinakay sa kotse. Bantay sarado ang dalawang lalaki kay Cassandra hanggang sa makarating sila sa lumang bahay kung saan nang galing si Cassandra.

Pabatong pinaupo sa silya si Cassandra nang makapasok sila sa loob. Mababakas ang pasa at sugat na natamo ni Lanz mula sa pakikipag away sa dalawang bruskong lalaki na  kasamahan ni Amanda.

Akmang lalapitan ni Cassandra si Lanz nang hatakin ni Jake ang isang bakanteng upuan at umupo sa harapan ni Cassandra.

"Pirmahan mo." Pabato niyang ibinigay kay Cassandra ang brown envelope. Salubong ang kilay na napatingin rito si Cassandra at inilabas ang laman ng brown envelope.

Arranged Marriage Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin